CHAPTER FOUR

1864 Words
NAKAILANG pindot na si Mara sa numero ni Denver pero operator lang ang sumasagot sa kanyang tawag. Nag-long distance call kanina ang kanyang Ate Bella, nakikiusap na tingnan niya ang nobyo nito sa bahay sapagkat nag-aalala ito kung bakit hindi makontak. May pinag-awayan daw kasi ang mga ito bago ito tumungo sa London. May tatlong araw na rin na nandoon sa ibang bansa ang kapatid at ilang araw na rin na hindi nagpapakita sa University si Denver. Ayon sa napag-alaman niya ay nag-file daw ng ilang araw na leave. May hinala siya na hindi lang basta tampuhan ang nangyari sa dalawa kundi may mas malalim pa na rason lalo kung pagbabasehan ang tono ng kanyang kapatid nang tumawag ito. At saka hindi naman magkakaganoon si Denver kung hindi. Nahihiya rin siya magtanong sa kanyang Ate Bella dahil hindi siya kailanman nangialam sa personal na buhay nito, lalo na sa relasyon nito kay Denver. Iniiwasan din niya ganoong topic dahil inaatake ng paninibugho ang puso niya. Bumangon sa siya sa kanyang kama bago tuluyan nagdesisyon na magbihis upang puntahan si Denver sa bahay nito. Nag-alala na rin kasi siya. Gusto niyang ma-check kung okay lang ba ito. Tanging maliit na sling bag lang ang dala niya na naglalaman ng wallet at cellphone nang lumabas siya sa kanyang kuwarto. Hindi pa dumadating ang kanyang magulang dahil may importanteng pinuntahan ang mga ito. Pero tumungo pa rin siya sa kusina para makapagpaalam sa yaya nilang dalawa ng kanyang Ate Bella simula noong maliit pa sila. “Nay, may pupuntahan mo ako. Hindi ko po alam kung anong oras ako makakauwi. Ikaw na po bahala magsabi kina Mommy at Daddy.” “Sige, Ineng. Mag-ingat ka.” Humalik muna siya sa pisngi ng matanda bago umalis. Parti na ng pamilya ang turing nilang lahat dito. Kung tutuusin nga ito ang tumayong ina sa kanila ng kanyang kapatid noong mga bata pa sila dahil busy noon ang kanilang magulang sa pagtatrabaho. Hindi na nga nakapag-asawa si Nana Samuela dahil binuhos sa kanila ang buong pagmamahal at pag-aalaga. In return, hindi rin matatawaran na pagmamahal ang binibigay nila dito. Kung tutuusin nga hindi na nito kailangan pang kumilos sa loob nang bahay dahil kumuha pa sila ng isa pang katulong. Pero hindi pwedeng kunin ang trono nito pagdating sa kusina. Sumakay ng taxi si Mara dahil eksaktong paglabas niya ng bahay ay may dumaan. Marahil ay may hinatid sa loob nang subdivision. Malapit lang ang bahay ni Denver kung kaya nang bumababa siya ng taxi ay hindi tumaas sa two hundred pesos ang kanyang binayaran. Sa labas pa lang nang gate ay nakikita na niya si Denver na nasa balcony. Sa tapat nito ay maraming basyo ng alak. Nagpapakalasing ito. Nag-doorbell siya. Alam niyang nakikita siya nito dahil nasa second floor ito imbes na tumayo at pagbuksan siya ay nagpanggap ito na tila walang naririnig. Pero makulit siya. Hindi siya aalis doon kung hindi niya ito nakakaharap kesahodang makakabulahaw siya nang mga kapitbahay. Tumigil lang siya nang makita niya ito na tila naiiratang tumayo. Nawala ito sa kanyang paningin at ilang sandali pa ay tumambad ito sa kanyang paningin nang binuksan nito ang gate. “Ano’ng nangyari sa iyo?” kaagad na tanong niya. “Wala,” sagot nito na tumalikod pero hinayaan na nakabukas ang gate para makapasok siya. Siya na ang kusang nagsara no’n at sumunod dito. Napailing si Mara nang makita ang maraming basyo nang alak na nagkalat. Kilala niya si Denver bilang malinis at organize na tao kaya nanlumo siya nang makitang tila ilang araw nang hindi nalilinis ang kabuuan ng bahay nito. Ibig sabihin lang ay dinamdam nito ang pag-alis nang kanyang kapatid. Pero hindi ba’t hindi naman magtatagal doon ang Ate Bella niya? “Ano problema natin, Professor?” “Just call me, Kuya or Denver for Pity’s sake. Wala tayo sa University.” “K-Kuya, pwede mo naman sabihin sa akin kung ano problema niyo ni Ate,” Napalunok niyang sabi. Bumuntong- hininga ito. “Okay, Our wedding is postponed - again!” Pinakadiininan nito ang huling salita. “Pero paanong - “ “She will be staying in London for six months. Pang ilang postponement na ba ito ng kasal namin? Lagi na lang nasisira ang plano namin dahil mas priority niya kanyang career!” Mababakas ang pagkairita sa napakagwapo niyang mukha. Hindi siya umimik. Tama ito. Inauna nga ng kanyang kapatid ang career nito. Hindi rin niya alam kung paano paluluwagin ang dibdib nito. She knew how excited he was for the wedding. Isa pa, napabalita na rin sa lahat ang eksaktong buwan ng kasal, iyong nga lang hindi pa matukoy ang araw. Hinayaan na lang niya ito na uminom. Nanatili lang siyang tahimik na nakamasid dito. Namumungay na ang mata nito at tila anumang oras ay babagsak na. Marahil dala na rin nang matinding kalasingan ay nailabas nito ang lahat nang sama ng loob. At mapait siyang ngumiti sa kanyang mga naririnig. Walang duda, mahal na mahal nga nito ang kanyang Ate Bella. Nakita niya ang paglungayngay nang ulo ni Denver pero sige pa rin ang pagsalita kahit namimilipit na ang dila. Hindi siya nakatiis. Nilapitan niya ito. Inalalayan na makatayo. Mabuti na lang at nagpatianod naman ito. Binigay ni Mara ang buong lakas para hindi lang sila bumagsak. Paano ba naman kasi halos karga na niya ang buong timbang nito habang nakapulupot ang braso nito sa kanyang leeg. Hindi nga niya alam kung paano niya nagawang dalhin ito sa loob nang kuwarto nito. Kabisado na niya ang bawat sulok nang bahay nito dahil madalas siyang sinasama ng kapatid papunta doon. At noong nakaraan nga ay halos araw-araw din siyang pumupunta doon dahil nga ito ang coach niya sa robotic competition. Pinag-aaralan nila nang mabuti ang kanilang panlaban na robot kaya kahit sa labas na ng University ay tutok pa rin sila. Nagtagumpay nga sila sa pagkuha nang first place. Binagsak nito ang katawan sa kama nang marating nila ang kuwarto nito. Knockout kaagad. Nakalaylay pa ang isang paa nito kaya binuhat niya para ganap itong makatuwid nang higa. At sa halip na lumabas ng kwarto ay umupo siya habang nakatitig sa napakagwapong mukha nito. Hindi niya namalayan na hinaplos na pala niya ang pisngi nito kung hindi pa ito kumilos ay hindi siya mapapakislot. Bumuntong-hininga siya. Tumayo. Hahakbang na sana palabas pero hinawakan siya ni Denver sa kamay at biglang hinila. Sinusubsob siya nito sa dibdib nito. Hindi siya makakilos habang nanlalaki ang mata. Naririnig niya ang pintig ng puso nito. “Bella. . .” anas nito habang hinahaplos at hinahalikan ang tuktok ng buhok niya. Mapait siyang ngumiti. Dahan-dahan na tinanggal ang braso nito na nakayakap sa kanyang katawan. Bumangon siya mula sa pagkasubsob dito. At walang lingon-likod na lumabas nang kuwartong iyon. Aalis na lang sana siya nang mapailing sa kalat ng buong sala. At sa halip natunguhin ang pinto palabas ay tinungo niya ang kusina para kumuha ng walis. Maglilinis siya para nang po-problemahin pa si Denver kapag gising na. Sinimulan niya sa sala. Niligpit niya ang lahat kalat doon. Bukod sa mga basyo nang alak ay may nahuhugot pa siyang beer in can sa ilalim ng mga sofa. Talagang nagpakalunod si Denver sa alak sa loob ng tatlong araw. Mag-isa lang si Denver sa bahay na iyon dahil ang kanyang buong pamilya ay nag-migrate na sa America. Ito lang ang nag-iisang nagpaiwan dahil mas gusto daw nito ang buhay sa Pilipinas. Umuwi lang ang pamilya nito nang mamanhikan. Matapos sa sala ay balcony naman siya naglinis. At matapos ang humigit isang oras ay binagsak niya ang kanyang katawan sa sofa dahil sa wakas ay natapos na siya paglilinis. Tumingin siya sa relong nakasabit sa dingding. Alas mag-a-alas siete na. “May pang-dinner kaya siya?” tanong niya sa kanyang sarili. Para masagot ang kanyang tanong ay tinungo niya ang kusina. Malinis doon. Halatang hindi nito ginagalaw. Pagtingin nga niya sa ref ay walang ibang pagkain maliban sa mga canned beer. Napapailing na naghanap siyang nang pwedeng lutuin. Mabuti na lang at may nakita siyang frozen pork. Gusto sana niya mag sinigag para makahigop ito ng mainit na sabaw sa paggising pero walang mga gulay na kakailanganin. Gahol na sa oras kung pupunta pa siya sa palengke. Kung adobo ay pwede pa. Kaya iyon na lang ang napagpasyahan niyang lutuin. Nagsaing na rin siya. Nang matapos ay binalikan niya si Denver. Mag-iiwan na lang siya nang note na may pagkain siyang niluto. Pero napakunot-noo siya nang makitang nanginginig ito. Awtomatikong napaupo siya sa tabi ng kama nito. Sinalat ang noo nito at ganoon na lang ang panlalaki nang mata niya nang maramdaman ang nakakapaso sa init na temperature nito. Mabilis siyang lumabas ulit nang kuwarto. At pagbalik ay may dala nang palangga na may laman na tubig. Pagkatapos ay naghalungkat siya sa closet nito at nakakita nga ng face towel. Kaagad niya iyon binasa at pinangpunas kay Denver. Kailangan bumababa ang lagnat nito. Buong ingat na pinunasan niya ang mukha, leeg at mga braso nito. Pakiramdam niya ay abot sa kanya ang sumusungaw na init nang katawan nito. Pikit-matang tinaas niya ang T-shirt nito para mapunasan ang dibdib nito. Nanginginig ang kanyang kamay. Pero hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para idilat ang mata at para ganap na makita ang kakisigan ni Denver. Pinagsawa niya ang mata. Pinunasan. Hinaplos. Kung siya na lang sana ang minahal nito, hindi sana ito nasasaktan at nagpapakalunod sa alak ngayon. Pero batid niya na hindi natuturuan siya ang puso kaya hanggang sa pangarap na lang niya ito. Hindi pa siya nakontento hinilig niya ang kanyang ulo sa dibdib nito. Napapikit si Mara. Ilang minuto siyang nanatili doon. Sobrang komportable nang kanyang pakiramdam. Pero napakislot siya’t agad na tumuwid ng upo nang marinig niyang umungol si Denver. “Bella. . .” Nahiya siya sa kanyang sarili sa narinig. Tila binuhusan siya nang malamig na tubig. Binilisan na lang niya ang pagpunas dito. Hindi na niya sinama ang pang-ibabang bahagi nang katawan nito sa pagpupunas. Pagkatpos ay tinungo ang medecine cabinet. Kailangan mapainom muna niya ito nang gamot para sa lagnat bago umalis. Pero kailangan din ay may laman ang sikmura nito. Marahan niya itong niyugyog nang may dala na siyang tray na naglalaman ng pagkain at tubig na kinuha niya mula sa kusina. Hindi kaagad ito nagising kaya mas nilakasan niya ang pagyugyog. Kumilos ito. Dahan-dahan na nagmulat ng mata. Ilang sandali pa natigilan. “Mara?” “Ako nga po. May lagnat ka, Prof. Ginising kita para makakain at makainom ng gamot.” Inabot niya dito ang tray. “Thank you, Mara.” Sinimulan na nito ang pagkain. Nakalahati lang nito ang pinggan. At pagkatapos ay uminom ng gamot ay humiga na. “Magpahinga ka na. Uminom ka na lang ng gamot after four hours. Ilalagay ko na lang ang lahat nang kailangan mo dito sa side table.” “Maraming salamat, Mara,” anito habang nakapikit. “Aalis na po ako.” Tutunguhin na lang sana niya ang pinto nang pigilan siya nito sa kamay. “Could you stay here more longer, Mara?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD