[Chapter 16] Chelle's point of view Nang makapasok ako sa loob ng hotel room, namangha ako agad sa mga bumungad na palamuti at desenyo sakin. Peach and Black ang kulay na bumabalot sa buong kwarto. Malawak din ang kitchen kung saan kumpleto na ang iba't ibang pangluto na maaaring gamitin. Sa kabilang pwesto ay matatagpuan ang living room kung saan may dalawang one-seater sofa na pinapagitnaan ang long sofa. May mini glass table din sa gitna, kung saan may vase nang fresh flowers na nakapatong duon. "Ma'am ito na po ang mga gamit nyo."nabalik naman ang atensyon ko sa mga guard na nagbitbit ng mga gamit ko. Isa-isa ko namang tinanggap ang bagahe ko habang may ngiti sa mukha ko. "Salamat po. Magkano 'ho ba ang ibabayad ko?"pagtatanong ko naman. Sabay-sabay naman silang umiling na tatlo.

