[Chapter 15] Chelle's point of View Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan pa din ang walang kaemo-emosyong mukha ni Sir Jorem. Panay lang ang lunok ko habang nakatayo dito sa loob ng CR, nanginginig din ang mga kamay ko na nakahawak sa pintuan ng banyo dahil sa kabang nararamdaman ko. My heart is beating so fast na akala 'mong hinahabol ng kabayo. "S--sir Jorem..." Kinakabahang tawag ko naman dito. Still, ang kaba ko sobrang taas na! "Chelle." Mahina pero halata ang pagka-seryoso sa boses niya. Juskopo! Aamin naman ako e pero hindi ngayon! Balak ko kapag ayos na sila tsaka ko aaminin sa kanya ang totoo. "You hate me now, isn't it?"he asked, then his emotionless face suddenly turned into a sad one. My mouth almost hang because of what he said. "Ano po?"takang-takang tanong ko.

