Nag-ja-jogging ako sa labas ng condo na tinutuluyan ko. Everyday routine ko na ang mag-jogging. Pero hindi katulad ng karaniwang babaeng nag-ja-jogging ang suot ko. Simpleng loose t-shirt at jogger ang style ko. Isa kasi akong typical na boyish. May nakalagay sa aking tenga na headphone. Nakikinig ako ng music habang nag-e-exercise.
Naglalakad na ako pauwi habang umiinom ng tubig.
“Hi, Janeth! You're always sexy!” bati sa akin ni Bruce, kapitbahay ko dito sa condominium na tinutuluyan ko. Nginitian ko ito.
“Thank you, and you're always handsome.” Puri ko sa kanya pabalik.
“I am? But you always reject me.” Naiiling at nakasimangot nitong sagot. Mahina naman akong natawa sa kanyang sinabi.
“Because, I'm not into a relationship yet, Bruce. And I know, you can find the woman that will be your forever.” Sensiro kong wika rito.
“Tsk. That's why I like you. Have a nice day, Janeth. Bye!” paalam na ni Bruce sa akin.
“Bye!” paalam ko na rin dito.
Pag-pasok ko sa aking unit ay agad akong nagtimpla ng gatas at naghanda ng aking pagkain sa mesa.
Mabilis kong inubos ang aking almusal. May event pa akong pupuntahan. I need to be there para i-assist ang mga tauhan ko sa isang debut party. Ako kasi ang kinuhang event organizer para sa debut ng anak ng kakilala ko.
Matapos akong itapon ng ama ko rito sa Australia ay namuhay akong mag-isa. I was independent, hinayaan niya ako rito na tanging katulong lang ang kasama ko. Nang tumuntong ako ng disi-otso anyos ay inawanan na ako nang aking Yaya. Kaya namuhay ulit akong mag-isa.
Umuwi ako ng Pilipinas nang tumuntong ako ng disi-nueve. Gusto kong doon mag-aral ng kolehiyo. Walang alam si Papa sa ginawa ko. Natapos ko ang unang semester ng kurso ko nang malaman ni Papa ang pag-uwi ko sa Pilipinas.
Muli ay pinadala niya ulit ako sa Australia. Nasaktan niya pa ako dahil sa pag-alis ko ng hindi nito alam.
Kahit masakit ay tinanggap ko ang pananakit nito. Physically and emotionally.
Kaya simula noon, ay hindi ko na tinangka pang umuwi ng Pilipinas, kahit miss na miss ko na ang bansang aking sinilangan.
Malakas na tunog ng cellphone ko ang nagpabalik sa paglalakbay ng aking diwa.
Kumunot ang noo ko nang mabasa ang pangalan ng aking ama sa screen. Hindi ito madalas tumawag sa kanya. Kapag tumatawag ito ay siguradong importante ang kanyang sasabihin.
Malalim akong napabuntonghininga bago ko sinagot ang kanyang tawag.
“P-pa,” nanginig pa ang boses ko nang banggitin ko ang pangalan nito. Para kasing hindi ko ama ang kausap ko, at may takot pa rin ako sa puso ko para rito.
“Janeth, come back home. May importante tayong pag-uusapan na dalawa.” Malamig ang tono na pahayag ng aking ama.
Hindi kaagad ako sumagot. Iniisip ko pa rin ang sinabi nito.
“Janeth, are you listening to me?” may iritasyon na sa boses ng aking ama.
Marahas akong bumuntonghininga.
“Yeah! I am listening to you, ‘Pa.” Wika ko rito.
“Good. I'm expecting you next week here. Okay?” wika nito at tila nakahinga ng maluwag.
“Do I have a choice?” mahina kong tanong dito.
“You don't have. Dahil ako ang masusunod sa ating dalawa.” Anang ama ko sabay putol ng tawag.
Kumuyom ang kamao ko at nagtaas-baba ang aking dibdib dahil sa galit na nararamdaman ko para sa aking ama. Para bang hindi niya ako anak. Kungsabagay, si Jeneth lang naman ang itinuring nitong anak, ako ay parang isang extra baggage sa pamilya namin.
Si Mama naman ay walang pakialam sa akin, pero minsan nararamdaman ko ang pagmamahal nito, mukhang takot lang din ito kay Papa. Sumusunod lang naman ito sa aking ama, wala itong sariling desisyon. Kung ano ang gusto ni Papa, ay ‘yon na rin ang sa kanya. Kailanman ay hindi ko naramdaman ang tunay na pagmamahal nila sa akin.
-
Dahil isang linggo lang ang ibinigay ni Papa sa akin ay mabilis kong tinapos ang aking mga dapat gawin. Ang iba ko pang event na gagawin ay iniutos ko muna sa aking kaibigan na si Almie.
Ayaw ko kasing madagdagan pa ang galit sa akin ng aking ama kapag binigo ko ito. Kaya hangga’t kaya ko ay ginagawa ko ang lahat ng kagustuhan ng aking Papa Jareth.
“Girl, sure ka na ba sa desisyon mo? Alam mo, malaki ka na naman eh. You can decide to yourself already. Hindi ‘yong siya pa rin ang dumidikta sa ‘yo. May maganda ka namang business, ano bang ikinatatakot mo sa kanya?” sermon ni Almie sa akin.
Nginitian ko si Almie dahil sa sinabi nito.
“Alam mo kasi, ayaw kong may masabi na namang masama sa akin si Papa. Kahit naman ganoon si Papa at Mama ay mahal ko naman sila.” Paliwanag ko rito. Kahit sa loob ko ay may galit akong itinatago para kay Papa Jareth.
“Naku, girl! Marter ka lang talaga! Hmp!” nakaingos na sabi ni Almie. Hindi ko na lang ito pinatulan pa.
“Basta ikaw na ang bahala rito ah. Don't worry at babalik din naman ako agad. Alam ko namang hindi sila makakatagal sa presensya ko.” May lungkot na sa boses kong ani. Malungkot akong tiningnan ni Almie.
“Ewan ko sa pamilya mo at hindi makita kung gaano ka kabait. Ang swerte na nga nila sa ‘yo eh.” Naiiling na pahayag ng kaibigan ko.
“Hayaan mo at balang-araw mamahalin din nila ako katulad kung paano ko sila mahalin.” Hindi ko alam kung kay Almie ko ba ‘yon sinasabi o sa sarili ko.
“Naku! Sana nga, Janeth! Maawa ka naman sa sarili mo!” pahayag ng kaibigan ko.
-
Inilibot ko ang aking paningin sa buong airport ng NAIA. Kalalapag lang ng eroplanong sinasakyan ko.
Nang makasakay ng taxi ay nagpahatid na ako sa bahay namin. Malungkot akong napangiti. Ni hindi man lang ako pinasundo ng aking ama sa airport. Bigla tuloy nanikip ang dibdib ko.
Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong ako ng aking ina. Kahit naman sunod-sunuran ito kay Papa Jareth ay ramdam ko naman ang konting pagmamahal nito para sa akin.
“Janeth, maligayang pagbabalik. Nakahanda na ang iyong silid sa itaas. Magpahinga ka muna,” pormal ang mukha na ani ni Mama sa akin, pero alam kong masaya ito nang makita ako.
Ako na mismo ang yumakap sa aking ina.
“Thank you, Mama. Akyat na po muna ako.” Paalam ko rito matapos kong bitiwan ito sa pagkakayakap.
“Oh! My dearest sister is already home! Well, well, well. Alam ko namang hindi ka magtatagal dito. At isa pa, isa ka lang namang replacement ko. Kung hindi sa akin ay hindi ka makakauwi rito sa Pilipinas.” Nang-uuyam na pahayag ni Jeneth sa akin, ang aking nakababatang kapatid. Pero kung umasta ay para bang hindi niya ako ate.
“Jeneth. That's enough.” Pananaway ng aming ina sa kanya.
“Ma! Huwag niyong sabihing kakampihan mo ‘yan?” may inis sa boses na singhal ni Jeneth sa aming ina.
“Wala akong kinakampihan sa inyong dalaw-”
“Tama na ‘yan!” pare-pareho kaming napalingon sa nagsalita. Si Papa Jereth. May suot itong reading glasses at halata na ang katandaan sa kanyang mukha.
“Janeth, mag-usap tayo sa library ko.” Maotoridad nitong utos sa akin.
“Jereth, hayaan mo munang makapagpahinga ang anak mo. Kita mo namang kagagaling niya lang sa biyahe.” Sabi ni Mama.
“I don't care. Gusto ko kaagad siyang makausap ngayon. Ayaw kong mawala ang pagkakataong ito para mapalago pa natin ang kompanya. Sumunod ka sa akin, Janeth.” Malamig ang boses na muling utos ni Papa sa akin.
“Huh! Pahiya ka ano!” nakaingos na wika ni Jeneth at tinalikuran na rin kami. Lumapit naman si Mama Alayna sa akin at niyakap ako.
“Sige na, sundan mo na ang Papa mo bago ka pa niya pagalitan.” Taboy ni Mama sa akin. Tumango na lang ako rito.
Pagpasok ko pa lang sa loob ng library ay parang gusto ko na ulit tumakbo palabas ng pintoan. Huminga ako ng malalim at pilit kinokontrol ang kabang nararamdaman.
“Maupo ka.” Iminuwestra ni Papa ang upuang kaharap niya. Sinunod ko kaagad ito.
“Para saan po ang pag-uusapan nating ito, Papa?” lakas-loob kong tanong dito.
“Ipapakasal kita sa nag-iisang anak ng business partner ko. Si Jeneth nga sana ‘yon, pero may nobyo pala ang kapatid mo kaya inisip kong ikaw na lang ang ipapakasal ko sa anak ng mag-asawang Fournier. Kung may boyfriend ka man, ngayon pa lang ay makipaghiwalay ka na.” Dere-deretsong pahayag ng aking ama sa akin.
Sumikip ang aking dibdib. Para bang may milyon-milyong kutsilyo ang tumatarak doon. Mas ngayon ko lang napagtanto kung gaano kamahal ni Papa si Jeneth. And I'm jealous of her.
Pilit kong kinalma ang sarili ko.
“Wala po akong boyfriend, ‘Pa.” Wika ko rito. Nakita ko ang paglapad ng ngiti ng aking ama at pagkislap ng kanyang mga mata. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang nakita ang emosyon na iyon. Kaya kahit masakit sa parte ko na ginagamit lang ako ni Papa ay naging masaya na rin ako para sa kanya.
“That’s good to hear, hija. Bukas ay makikilala mo na ang mapapangasawa mo. Thank you dahil hindi mo ako binigo,” masayang pasasalamat ng aking ama. Iyon ang unang beses na narinig ko itong nagpasalamat sa akin.
“Isa lang po ang hihilingin ko sa inyo, ‘Pa. Itago niyo po ang sekreto ko noon.” May pakiusap sa boses kong wika.
“Don’t worry, Janeth. Sagot kita.” Wika ni Papa sa masayang tono.
Sana nga lang tama ang naging desisyon ko.