Chapter two

1739 Words
Nakatitig ako sa puting kisame ng aking kwarto. Ni wala man lang masyadong dekorasyo sa aking silid. Simple lang at minimal ang kulay. Kaya kung sinomang kakilala ko ang makakakita ng silid na ito ay hindi maniniwala na ako ang may-ari. Ang isang sikat ba naman na event organizer ay wala pa lang kaayos-ayos ang silid. Weird ‘di ba? Dahil sa pagod at pag-iisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Mahihinang katok ang nagpagising sa akin. Bumangon ako at pinagbuksan ang kumakatok sa labas ng aking silid. “Ma’am, pinapatawag na po kayo ng Papa niyo para saluhan sila sa hapunan,” magalang na pahayag ni Aling Melding sa akin. “Sige po, susunod na ako.” Sagot ko rito. Mabilis akong naghilamos at nagbihis. Wala na namang bago sa pananamit ko. Kung saan ako komportable ay doon ako. Itinali ko lang pataas ang aking buhok. Bumaba na ako sa dining room. “Alam mo ‘Pa, napakagaling ni Cyril, he's company is now growing fast. Siya kasi ang nagma-manage eh,” rinig kong kwento ng kapatid ko sa aming ama. Ipinagmamalaki nito ang kanyang boyfriend. “Really? Ganyan dapat ang tamang pagpili sa lalaki, ‘yong magaling sa business.” Pahayag naman ng aking ama. Pumasok na ako sa dining room. Tumikhim muna ako upang ipaalam sa kanila ang aking presensya. “O, hija. Halika na saluhan mo kaming kumain. Matagal-tagal ka rin naming hindi nakasalo.” Paanyaya ng aking ama. Kahit konti ay sumaya ang puso ko, pero alam kong ang kasiyahang ipinapakita nito ay dahil sa pagpayag kong pagpapakasal sa anak ng kanyang business partner. Dahil kung hindi ako pumayag, sira ang transaction niya. “Janeth, hindi ba at paborito mo itong buong manok na may pineapple chunks? Ayan, pinaluto ko para sa ‘yo ang favorite mo.” Nakangiti na pahayag sa akin ni Papa. “Salamat po, ‘Pa.” Simple kong pasasalamat dito at kiming ngumiti. Nakita ko ang pag-ismid ni Jeneth sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin pa. Medyo nagdiwang ang puso ko dahil sa inis na nakikita ko sa mukha ng kapatid ko. “Pa, ‘yong favorite ko po? Bakit hindi mo ipinaluto?” nakasimangot na tanong ni Jeneth sa aming ama. Malakas na tumawa si Papa. “Makakalimutan ba naman kita? Aling Melding, pakilabas ng beef steak para kay Jeneth,” utos ni Papa sa kasambahay namin. “Thank you, Papa! I love you so much!” masayang sabi ni Jeneth at nginisihan ako. Hindi na lang ako umimik. Habang kumakain ay tahimik lang ako. Si Jeneth lang ang panay kwento tungkol sa boyfriend nito. “Janeth, naipaalam ko na pala sa aking kumpadre na pumayag ka na sa kasal niyo ng anak niya. Bukas ay mamamanhikan na sila rito. Bukas ng umaga ay pumunta ka ng salon, magpaganda ka para agad ka nilang magustuhan. You should buy a new dress too. ‘Yong mamahalin at maganda ha, dapat nakakaakit. Impress them with your beauty, okay?” excited na wika ni Papa sa akin. “Yes, Papa. I won't let you down.” Pilya akong napangiti dahil sa naisip kong kalokohan. I just want to test my soon to be fiance tomorrow. Magustuhan pa kaya niya ako? - Kinabukasan ay maaga akong binulabog ng aking ama. Medyo naninibago pa ako sa pagkakaiba ng oras sa Australia at dito sa Pilipinas kaya hindi kaagad ako nakatulog ng maayos kagabi. Tapos ngayon ay maaga naman akong nagising. Baka mamaya maging zombie ang hitsura ko habang kaharap ang aking mapapangasawa. “Pa, inaantok pa po ako. Pwede bang mamaya na lang? Hindi kaagad ako nakatulog ng maayos kagab-” “Janeth, this day is important to you. Hindi ba at sinabi ko ng magpapaganda ka ngayon? Here is my card, buy anything you want to impress your future husband. This time, make me proud of you.” Kita ko ang pagiging seryoso ng aking ama. Tumango ako rito. “I will, Papa.” Tangi kong sagot dito. Tinapik-tapik niya ang aking balikat bago ako iwanan at inilagay pa nito sa aking kamay ang credit card nito. Kahit inaantok pa ay kumilos na ako. Ayaw kong magalit si Papa lalo pa at nasa mood itong pakitunguhan ako ng maayos. Sana lang ay okay pa rin ang mood niya mamaya pagkatapos ng gagawin ko. Sa salon ako unang nagpunta. Medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakapag-salon. Mabuti naman at makakapag-relax ako kahit papaano. Itinago ko ang credit card ng aking ama. May sarili naman akong pera. Iyon ang gagamitin ko. Halos abutin ako ng dalawang oras sa salon. Mula sa pagpapa-rebond hanggang sa pedicure ang service na kinuha ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako sa aking sarili. Bumili ako ng wig na kulay gray ang kulay. Isinukat ko iyon at napangiti ako nang bumagay ‘yon sa akin. Hanggang balikat lang ang haba ng buhok ko kaya kailangan ko ng wig para mamaya. Nang ma-satisfied sa hitsura ay binalingan ko ang baklang nag-make over sa akin. “Nice job. Here's my payment! With tip na ‘yan!” hininaan ko na ang huling sinabi sabay kindat dito. “Ay madam! Thank you bery bery much!” malandi nitong pasasalamat sa akin. Kinindatan ko lang ito bago lumabas ng salon. Dahil nagutom ako ay nagpunta muna ako sa isang fast food chain. Na-miss ko ring kumain ng fried chicken. Sa Australia kasi ay wala akong time gumala. I always focus on my work there. Kaya nag-order ako ng marami. Para lang akong patay-gutom. Dinilaan ko pa ang hinlalaki ko na nalagyan ng gravy. Papikit-pikit pa ako. Naramdaman kong parang may mainit na mga matang nakatingin sa akin, kaya naman iminulat ko ang aking mga mata. Agad na nagtama ang paningin namin ng lalaking kaharap ko ang mesa. Tumaas ang kilay ko sa uri ng titig nito sa akin. Gwapo ito at malinis manamit. Ang ganda ng kanyang mga mata na kulay light blue. Para bang nangungusap ang mga iyon. Dahil parang wala itong balak na iiwas ang tingin sa akin ay ako na lang ang umiwas. May kakaiba kasi akong naramdaman para sa binata. Pagkatapos kong kumain ay sa mall na ako dumeretso. Naghanap ako ng damit na susuotin mamaya. Naglibot-libot ako nang may umagaw sa aking atensyon na isang itim na ternong damit. Sinipat niya ng mabuti ang damit at napangiti ako. Ito ang bagay sa akin. “Miss, I will buy this one.” Sabi ko kaagad sa saleslady. “Sure ma'am, ibabalot ko lang.” Tugon ng saleslady. Ibinigay ko ang card ko rito at nang makapirma ako ay mabilis ko ng kinuha ang card at paper bag na naglalaman ng damit. Pumunta ako sa shoe department at naghanap ng magandang ipapares sa damit na isusuot ko. Nakakita naman kaagad ako at mabilis ko ‘yong binili. Naglibot-libot pa ako sa loob ng mall hanggang sa madaanan ko ang isang tattoo shop. Pumasok ako doon. Pero imbes na magpa-tattoo ay nagpalagay lang ako ng henna sa kanang braso ko. Ayaw ko naman ng permanent tattoo. Pag-uwi ko sa bahay ay medyo hapon na rin. Dumeretso ako sa aking silid at humiga sa kama ko. Nakaramdam ako ng pagod sa ginawa ko kanina kaya wala pang ilang minuto ay nakaidlip na ako. Boses ng aking ama ang nagpagising sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at napatitig kay Papa Jareth. “Pa, anong ginagawa mo rito?” tanong ko rito sabay bangon. “Maghanda ka na. Malapit na silang dumating, kanina pa kita ginigising kaya lang mukhang napasarap yata ang tulog mo.” Ani ng aking ama. “Naninibago kasi ako sa oras dito sa Pilipinas kaya napapahaba o kaya ay napapaikli ang tulog ko.” Paliwanag ko rito. “Sige na, maghanda ka na.” Wika ni Papa. “Ah, ‘Pa. ‘Yong card niyo pala. Hindi ko na ginalaw, may pera naman po ako.” Sabi ko kay Papa sabay abot ng credit card nito. Tinitigan muna ni Papa ng ilang segundo ang credit card nito bago kinuha sa kamay ko. “Sana ginamit mo na lang. Minsan lang naman kita mabilihan ng mga kailangan mo. But anyways, mag-ayos ka na. Kailangan natin silang salubungin sa ibaba,” sabi ni Papa bago lumabas sa silid ko. Napatitig pa ako sa pintong nilabasan nito. Tama ba ang nahimigan kong lungkot sa boses niya? Napailing-iling na lang ako. Ang labo kung oo ang sagot. Mabilis akong nagbihis. Tiningnan ko ang suot ko. Isang sleeveless na crop top at may hood na kulay itim ang suot ko, pinaresan ko ‘yon ng skirt na hanggang sa ankle ko ang haba at may slit sa bawat gilid. Nagsuot ako ng hand sock sa kaliwang braso ko. Wala akong inilagay na maraming kolorete sa aking mukha. Tanging pulbos lang at lipgloss. Isinuot ko ang hood ng suot kong damit sa aking ulo. Nang ma-satisfy sa aking hitsura ay bumaba na ako. “Bakit ganyan ang suot mo?” may himig iritasyon sa boses ng aking ama. Ngumiti ako rito. “Pa, style ‘to ngayon.” Nakangiti kong wika rito. “Style? Eh para kang aattend ng lamay d‘yan sa suot mo!” may gigil sa boses ng aking ama. Hindi ko na lang ito pinansin. Mabuti na lang at dumating na ang mga bisita namin. Napatitig ako sa lalaking nasa likuran ng mag-asawa na ngiting-ngiti na nakipag-kamay sa aking mga magulang. He seemed familiar. Mas lalong kumunot ang noo ko nang mamukhaan ito. Siya ang lalaking nakita niya kanina sa fast food chain. Kilala niya na ba ako kaya ganoon siya makatitig sa akin? Nang makita ang hitsura niya na malayo sa hitsura niya kanina ay bigla akong kinilabutan. Nanlamig ang buo kong katawan. He's a nerd, how come? Hindi naman ganoon ang stilo nito kanina sa pananamit ah. Bakit biglang nagbago? Napahakbang ako ng dalawang beses paatras. Malakas din ang kalabog ng dibdib ko nang matitigan ang buo nitong hitsura. “Janeth? Are you okay?” bulong ng aking ina. Pilit akong tumango rito. “I. . . I'm fine, Mama.” Tangi kong sagot sa aking ina, kahit na nga ba ang totoo ay nanginginig ang buo kong katawan habang nakatitig sa lalaking nerd na nasa harapan ko. Iniwasan ko na lang na mapatitig sa binata. I can do this. I can do this. Paulit-ulit kong sabi sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD