Halos hindi matigil ang kalbog sa dibdib ko. Kaya hangga’t maaari ay iniiwasan kong mapatitig sa binata. Dahil sa sobrang kaba ay kinuha ko ang bubble gum sa dala-dala kong sling bag.
“Naku, kumpadre, ang ganda naman pala nitong panganay mo. Hindi mo man lang ipinakita sa amin ng ilang taon.” Nakangiti na pahayag ni Mr. Fournier sa akin.
Hindi madaling kalimutan ang pangalan ng lalaking mapapangasawa ko. His name is Harper Ryk Fournier, pangalan pa lang afam na afam na. Pero hindi pa rin ako komportable sa binata.
Narinig ko na lang ang mahinang pagtawa ng aking ama.
“S‘yempre naman, mana sa akin ang mga anak ko.” May pagmamalaki sa boses ni Papa. Nagpasalamat ako na wala si Jeneth dito, dahil sigurado akong mang-aagaw ‘yon ng eksena, ayaw pa naman n‘on ng nalalamangan.
“Tama ka d‘yan kumpadre, pero mukhang may namana rin naman sa kanyang ina.” Sabi ni Mr. Helium Fournier sabay tingin kay Mama Alayna. Tipid lang na ngumiti ang aking ina.
“Salamat sa papuri mo, Mr. Fournier,” wika ni Mama.
“Ahm, kailan ang engagement party ng mga bata? Mas maaga, mas maganda hindi ba? Para makapag-prepare kaagad tayo para sa kasal.” Excited na pahayag ni Papa sa mag-asawang Fournier.
“I agree with you! Pwede bang kami nalang ng kumare ko ang mag-ayos ng engagement party? It's girl stuff, you know.” Nakangiting pahayag ni Mrs. Fournier.
“That’s a great idea! Kumuha na lang tayo ng event organizer!” excited pang wika ni Mama Alayna.
Mahina akong napaubo. Haler! Nag-uusap sila ng event organizer, eh nasa harapan na nila mismo ang pinakasikat na event organizer sa Australia.
Lahat sila ay napalingon sa akin nang umubo ako.
“Hija, are you okay?” marahang tanong ni Mrs. Fournier sa akin. Pilit ko itong nginitian. Tumango ako sa kanila.
“Ahm. . . Kung naghahanap naman po kayo ng event organizer para sa engagement party namin ni. . . R-ryk, I suggest na ako na lang ang mag-aasikaso n‘on. After all, I am an event organizer. I can arrange our engagement party.” Pahayag ko sa kanila, medyo nautal pa ako nang banggitin ko ang pangalan ng binata.
“Really? Oh, wait! Your name rings a bell! Janeth Alvarez, one of the great event organizers in Australia, right?” tuwang-tuwa na tanong ni Mrs. Fournier sa akin. Medyo nakaramdam tuloy ako ng hiya.
“Yeah,” maikli kong sagot. Dahil sa kaba ay hindi ko maiwasang palubuhin ang bubble gum sa bibig ko at ipinutok iyon.
Lahat sila napalingon ulit sa akin. Napangiwi ako at napa-peace sign.
“Sorry,” hingi ko ng pasensya sa kanila.
“It’s okay hija, alam naman naming tense pa kayo dahil kakakilala niyo lang ng anak ko. Sana maging komportable kayo sa isa’t-isa.” Mahinahong saad ng ginang sa akin. Nahihiya ko itong nginitian.
Matalim naman akong tiningnan ni Papa. Napalunok tuloy ako. Nang maging busy na ang mga magulang namin sa pag-uusap tungkol sa negosyo pagkatapos naming ikasal nitong nerd na kaharap ko ay bigla na lang akong na-bored. Kaya wala sa sariling iniluwa ko ang bubble gum at pinitik iyon gamit ang daliri ko.
Sa kasamaang-palad ay tumilapon sa buhok ni Harper Ryk ang bubble gum na kinakain ko kanina. Muli akong napangiwi. Inilibot ko ang paningin sa mesa namin kung may nakakita ng ginawa ko. Nakahinga ako ng maluwang nang makitang busy sila sa pakikipag-usap sa isa’t-isa. Well, hindi ko naman sinasadya ‘yon. Kaya lang hindi naman kakayanin ng konsensya ko kung hindi ko tatanggalin ang bubble gum sa buhok ng binata.
Nang tingnan ko si Ryk ay wala akong mabasang emosyon sa mga mata nito. Para bang balewala lang ang ginawa ko rito. Mas lalo lang tuloy akong kinain ng konsensya ko.
Kahit may takot sa puso ko para sa binata at isinantabi ko muna ‘yon. Tumayo ako at lumapit sa kinauupuan ni Ryk at hinawakan ito sa kanyang kamay. Nagulat ang binata maging ang mga magulang namin na nasa mesa sa ginawa ko.
I cleared my throat and tried my best to smile at them.
“Can we excuse ourselves? May pupuntahan lang kami.” Paalam ko sa mga magulang namin.
Napangiwi ako nang makita ang kakaibang kislap sa mga mata nila. Para bang ang saya nila na aalis kami ni Ryk sa hapag kung saan nandoon sila. Tsk. Ang weird ng mga magulang namin ngayon.
“Sure, anak. Pwede mo ring i-tour si Harper sa may garden nati-”
“Sa comfort room po kami pupunta.” Simple kong sabi bago pa kung ano-anong lumabas sa bibig ni Papa. Halos sabay-sabay na umubo ang mga taong kasama ko. Ramdam ko pa ang tension sa kamay ni Ryk na hawak ko.
May mali ba sa sinabi ko? Naitanong ko tuloy sa aking sarili.
“Ah, sige hija. Mas gusto niyo palang unahin ang honeymoon niyo eh, sana sa silid mo na lang kayo magtungo para mas komportable kayong dalawa, bakit kailangang sa banyo niyo pa naisipang bumuo ng baby.” Natatawang pahayag ni Mr. Fournier sa amin ng anak niya.
Halos mamula ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Gusto ko sanang murahin ang ginoo dahil sa pagiging dirty minded nito. Pinigilan ko lang talaga ang sarili kong magmura. Pinuno ko ng hangin ang baga ko bago ako nagsalita.
“I’m sorry, pero wala pong honeymoon na mangyayari sa comfort room. Sasamahan ko lang po ang anak niyong tanggalin ang bubble gum na dumikit sa buhok niya. Hinay-hinay naman po sa pagiging dirty minded, Dad.” May panggigigil sa boses kong pahayag kay Mr. Fournier. Mahina namang natawa ang ginoo.
“I’m sorry, hija. Na-excite lang akong magkaroon ng apo.” Wika pa nito.
“At saka po, kung gagawa man kami ng baby ni Ryk, sinisiguro ko pong hindi sa banyo mabubuo ang panganay namin. Excuse us po,” nakangiti kong pahayag kay Mr. Fournier. Hinila ko si Ryk papunta sa banyo ng mga bisita. Maghigpit ang pagkakahawak ko sa kamay nito.
Hindi ko na rin maramdaman ang takot sa puso ko kanina para sa binata. Hindi ko alam pero bigla na lang ‘yong nawala.
Nang makarating kami sa loob ng comfort room ay binitiwan ko na ang binata at hinarap ito. Tahimik lang ito at nakatitig sa akin. Isang beses lang itong nagsalita kanina.
Bumuntonghininga ako at hinilot ang noo ko.
“Kung hindi lang kita narinig kaninang magsalita, baka napagkamalan na kitang pepe.” May inis sa boses kong wika sa binata.
“Wala naman kasi akong sasabihin eh,” sabi ni Ryk. Tumaas ang kilay ko rito.
“So, kailangan pala ako parati ang maunang magsalita? Ganoon?” hindi ko na talaga naitago pa ang inis sa lalaking kaharap.
“Kailangan bang magtanong ako ng magtanong sa ‘yo? Paano kung mainis ka dahil para na akong imbistigador kakatanong sa ‘yo? Baka umatras ka sa kasal natin.” Parang may takot sa boses na wika ni Ryk sa akin. Tumaas ang kilay ko sa sinabi nito.
“As if naman mangyayari ‘yon. Lapit ka nga rito at ng matanggal ko na ‘yang bubble gum sa buhok mo.” Utos ko sa binata.
Matangkad si Ryk kaya kailangan ko pa itong paupuin sa isang monoblock chair para makita ko kaagad ang bubble gum na dumikit sa buhok ng binata.
Nakaharap ang mukha ni Ryk sa dibdib ko. Pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Binasa ko lang ang kamay ko ng tubig at dahan-dahang tinanggal ang bubble gum, mabuti nga at hindi masyadong dumikit sa buhok niya, kundi ay mahihirapan akong tanggalin iyon, or worst baka gupitin ko ang medyo kulot nitong buhok.
“Ayan wala na.” Sabi ko rito sabay layo sa binata.
“Thank you,” mahina ang boses nitong sabi. Tinaasan ko ito ng kilay. Shy type huh? Pero bakit hindi iyon ang nakita ko n‘ong makita ko siyang nakatitig sa akin sa fast food chain?
“No need. Ako naman ang may kasalanan kaya ako nga dapat ang humingi ng sorry sa ginawa ko. I'm sorry.” Sinsero kong paghingi ng tawad dito.
“It’s okay. But, can I ask a favor?” tanong ni Ryk sa akin. Nakaupo pa rin ito sa monoblock chair at tiningala ako. Hindi naman ganoon ka kapal ang kanyang suot na salamin kaya kitang-kita ko ang bughaw niyang mga mata. Kay gandang pagmasdan niyon, para bang nangungusap.
“Yes.” Sabi ko. Nagulat ako nang bigla itong tumayo, ako naman ngayon ang nakatingala rito.
“Can I kiss you?” parang nawalan ng kulay ang mukha ko dahil sa tanong nito. Nanlalaki ang mga mata ko at bigla akong napaatras. Ang gago, akala mo nanghihingi ng candy kung makahingi ng halik.
“Gago ka ba?! Kiss my ass! Tse!” inis kong pahayag sa binata.
Ito naman ang nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin.
“C-can I k-kiss your a-ass?” hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Nasapo ko ang aking noo. Really? Napakaliteral yata ng kausap ko.
Matalim ko itong tiningnan.
“Kiss my ass and I will kick your ass! Perverted jerk!” inis kong sigaw rito bago ito iniwan sa loob ng banyo.
Nagtaas-baba ang dibdib ko. Nakakainit ng ulo ang lalaking ‘yon ah, siraulo pala talaga siya. Ngunit nang maisip kong may mangyayari sa amin pagkatapos ng kasal ay bigla akong kinilabutan.
“Relax, Janeth. Relax.” Pagpapakalma ko sa sarili ko bago ako bumalik sa aming mesa. Tahimik lang akong tiningnan ng mga magulang namin, pero wapakels ako. Kebir ko sa mga iniisip nila.
Ngunit hanggang sa paghiga ko sa kama ay ang gwapong mukha pa rin ni Harper Ryk ang nakikita ko.
“Lord, sana lang huwag akong magkaroong nightmare sa lalaking ‘yon.” Munti kong panalangin bago ako tuluyang nakatulog.