Chapter Four

1801 Words
Hinihingal kong naidilat ang aking mga mata. That nightmare again. Ilang taon na ring hindi bumabalik ang bangungot ko na iyon. Bakit bumalik ngayon? Dahil ba ‘yon kay Ryk? Kaya muling bumabalik ang takot sa puso ko? Pinahid ko ang pawis sa noo ko. Bumangon ako at tinungo ang mini ref, kumuha ako ng baso doon at uminom ng malamig na tubig. I should face this fear inside of me. Hindi habang panahon ay makakapagtago ako sa aking nakaraan. Pagkatapos na kumalma ng sarili ko ay naligo na rin ako. Isang navy blue loose t-shirt ang sinuot ko at jogger. Dahil mainit ang klima ng Pilipinas ay hindi na ako nagsuot ng jacket. Sinuklay ko ang aking buhok at isinuot ang baseball cap ko ng pabaliktad. Pagbaba ko ay nakita ko si Jeneth, masama ang mukha niyang tiningnan ako. Tinaasan ko ito ng kilay. “Morning,” bati ko rito. Inismiran niya lang ako, ni hindi ako binati pabalik. “Anong ginawa mo kay Papa! Bakit panay ang pagmamalaki niya sa ‘yo? You're seducing your fiance right? Kaya malakas ka ngayon kay Papa!” wika nito na may inis sa kanyang boses. Mahina naman akong natawa sa inaasal ng kapatid ko. She's acting like a child. “Excuse me, I don't have to seduce my soon to be husband, because I'm confident that I'm beautiful enough for him to like me.” Mataray kong pahayag sa kapatid ko. Huh! Kung noon hinahayaan ko lang siya dahil ako ang panganay, pero ngayon, I will never allow her to insult me. May alas ako ngayon, at iyon ay ang pagpayag ko na magpakasal sa anak ng business partner ni Papa. I will use that as my advantage. “Wow ha! Ang yabang at tapang mo na ngayon! Hindi ka naman makakauwi ng Pilipinas kung hindi dahil sa akin, ako sana ang magiging fiance niyang fiance mo kung pumayag ako! So, you owe that to me!” matapang nitong pahayag. Muli akong natawa ng malakas. “Seriously? Kung iyan pala ang ipagpuputok ng butche mo, sana pumayag ka na lang na magpakasal sa anak ng mag-asawang Fournier. Eh, ‘di sana wala akong problema. And for your information, I don't owe you. It's your decision, and your choice. If you'll excuse me.” Seryoso kong pahayag sa kapatid ko. Nang dumaan ako sa harapan niya ay hinaklit nito ang braso ko. “We are not done yet. Hindi mo maagaw ang meron ako, lalo na ang pagmamahal ni Papa. Just a warning, my dear sister. You don't know what I'm capable of doing. So, be careful.” Seryoso nitong pagbabanta bago marahas na binitiwan ang braso ko. Medyo kinabahan ako sa pagbabanta ng kapatid ko. I don't know her anymore. Dati-rati ay isa lang itong inosente at masayahing bata, how come na naging ganoon kasama ang ugali nito? Sa aming dalawa, dapat ako ang magselos sa kanya, dahil ang atensyon ng mga magulang namin ay nasa kanya. Bakit parang ito pa ang galit sa akin? May nagawa ba akong ikinagalit nito? Pumasok na lang ako sa dining room para kumain ng almusal kesa isipin ang kabaliwan ng kapatid ko. “Good morning, hija! Come here, saluhan mo na kami ng Mama mo.” Nakangiti na bati at aya ng aking ama. “Good morning din po, ‘Pa and ‘Ma.” Bati ko sa kanila. Hindi ako sanay na humalik sa kanilang pisngi kaya umupo na lang ako. “Anyway hija, tumawag si Harper sa akin, sabi niya, baka pwede na raw niyong simulan ang preparation ng engagement party ninyo. You're the one who will organize it, right? I hope you don't mind if I will suggest for your engagement party,” sabi ni Papa. “Sure, ‘Pa. Can I hear your suggestion? Para ma-note ko po,” wika ko rito. “I want a grandiose engagement party for you. Alam mo naman sa mundong ginagalawan natin ay dapat tayong makihalubilo, lalo na sa may mga malalaking kompanya. And I also want to know the world, how beautiful my daughter is.” May pagmamalaking wika ng aking ama. Kahit taliwas sa engrandeng engagement party ang gusto ko, ay tumango pa rin ako sa kanya. I don't want to fail him. “Okay, ‘Pa. I will make our engagement party as the talk of town. Ako na ang bahala sa invitation, and I will talk to Ryk to spread the invitation with his wide connection.” Ani ko pa rito. Mas lalong lumapad ang ngiti ng aking ama. “Thank you, hija. You never failed me. Inaasahan ko na ang pagdagsa ng mga investors natin.” Masayang sabi ni Papa. Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy na sa pagkain. Pagkatapos naming mag-agahan ay ibinigay sa akin ni Papa ang calling card ni Ryk. Sabi nito tawagan ko raw ang binata na agad ko rin namang ginawa. “Hello?” sagot ng baritonong boses sa kabilang linya. I cleared my throat. “Hi! This is Janeth. Can we meet? Sisimulan ko na sana ang pag-o-organize para sa engagement party natin.” Pinakaswal ko ang aking boses kahit na nga ba kinakabahan ako. Naalala ko na naman kasi ‘yong napanaginipan ko kagabi. At isa pa, naiinis pa ako rito kagabi. He's asking for a kiss! As if bibigyan ko siya. He has this innocent look, but I know he's hiding something in that innocent face. Hindi ko nga lang matukoy kong ano. “Oh, yes sure. Saan mo gustong magkita tayo? Or I can pick you up para less hassle ka na.” Suhestyon nito. “No, I can manage. Thank you, sa Wonderland Home of Decorations na lang tayo magkita. Alam mo naman siguro kung saan ‘yon?” tanong ko sa binata. I will surprise my friend there na siyang may-ari ng Wonderland Home of Decorations, isa rin itong event organizer at nakilala ko ito sa Australia. Doon na lang ako makikiusap sa kanya na sila ang mag-o-organize ng engagement party ko, pero ako ang masusunod sa bawat detalye. “Anong sasakyan mo?” tanong ng binata. “Sasakay ako sa sapatos at maglalakad papunta sa Wonderland.” Sarkastiko kong pahayag dito. Anong akala niya sa akin, hindi marunong mag-drive? “Ha? Maglalakad ka lang? Baka mapagod ka. I insist, I will pick you up. Malapit na rin naman ako. Mapapagod ka lang kapag naglakad ka. Bye!” sabi nito sabay putol ng tawag ko. Nakatulala na lang akong nakatitig sa screen ng cellphone ko. Seriously? Ganoon talaga siya ka-literal? Hindi niya alam ‘yong salitang sarcasm? Nagulat na lang ako nang may bumusina ng sunod-sunod sa labas ng gate namin. Mabilis kong hinablot ang aking bag pack at nag-spray ako ng cologne sa katawan ko bago nagmamadali bumaba. Hindi na nga ako nakapagpaalam pa sa mga magulang ko. Kungsabagay ay alam na naman ni Papa ang pakikipagkita ko kay Ryk ngayon. He is a gentleman. Pinagbuksan niya ako ng pinto bago ito sumakay sa driver seat. Katulad kahapon ay nerd pa rin ang kaharap ko. Napailing na lang ako. Akma kong isusuot ang aking seatbelt nang maunahan ako ng binata. Halos mahigit ko ang aking paghinga dahil sa pagkakalapit ng mga mukha namin. Nagkatitigan kaming dalawa ng binata. Kung kanina ay may namumuo na namang takot sa puso ko, ngayon ay bigla na lang ulit nawala. Habang nakatitig ako sa mga asul niyang mga mata ay para bang hinihigop ako niyon. Bumaba ang mga mata ko sa kanyang mga mapupulang labi nang kagatin niya iyon. Panay tuloy ang lunok ko. His lips is inviting me to taste it. Pero bago ko pa magawa ang sinasabi ng utak ko ay mabilis na tumunog ang cellphone ko. Dahil sa gulat ay napatalon ako at tumama ang kamay ko sa salaming suot ni Ryk. Natataranta ko itong inayos. “I. . . I'm sorry!” hingi ko ng despensa rito at agad na sinagot ang nag-iingay kong cellphone. Nakita kong umayos na rin ng upo si Ryk. Nakahinga ako ng maluwang dahil doon. “Y-yes, ‘Pa.” Nautal pa ako nang sagutin ko ang aking ama. “Anak, magkasama na ba kayo ni Harper?” tanong ng aking ama. “Yes po. We're going to Wonderland Home of Decorations.” Sabi ko rito. “Okay, ang mga ibinilin ko sa iyo. Don't forget okay? And one more thing, make him fall for you. Kapag nagawa mo ‘yon, ay magiging sunod-sunuran sa iyo ang asawa mo. Got me?” seryoso na bilin ni Papa sa akin. “Yeah.” Walang buhay kong sagot dito. Nawalan ako ng imik matapos kong makausap si Papa. Knowing that he's just using me hurt me so bad. “You okay?” tanong ni Ryk sa akin. “Yeah. Anyway, ang bilis mo namang nakarating kanina sa bahay, ganoon ba kalapit ang pinuntahan mo sa bahay namin?” tanong ko rito nang maalala ang mabilis nitong pagdating kanina. Mahina namang umubo ang binata. Napakamot pa ito sa kanyang panga na tila ba gustong lusutan ang tanong ko. “Don’t you dare lie to me.” May warning sa boses kong ani. Napangiwi naman ito. “Ahm, I'm just outside your house. I'm thinking kung papasok ba ako upang ayain ka, or I will just wait for your call. And I'm glad that you called me.” Paliwanag nito. “Anong oras ka dumating kanina?” tanong ko ulit. He cleared his throat again at parang walang balak na sagutin ako. “I'm asking you,” madiin kong wika rito. “Six in the morning.” Mahina nitong sagot. Nanlaki ang mga mata ko itong tiningnan. “What?! It's already nine am! Basically, tatlong oras kang naghintay sa labas ng bahay? Bakit hindi ka na lang pumasok kanina?” ewan ko ba kung bakit naiirita ako sa binatang kaharap ko. Tatlong oras itong naghintay. That long? Baliw na yata ang binata. “I am shy.” Sagot lang nito. Inismiran ko naman ito. “Shy my ass. Kung makahingi ka nga ng kiss akala mo nanghihingi ka lang ng candy, tsk.” Pabulong kong wika. “I really wanted to kiss you.” Wika nito. Agad ko itong hinarap. Lumakas ang t***k ng puso ko nang igilid at ihinto nito ang kotse. Kinalas nito ang kanyang seatbelt at lumapit sa akin. Walang sabi-sabi‘y ay hinalikan niya ako sa aking labi. Dilat na dilat ang mga mata ko dahil sa gulat, habang ang binata ay nakapikit ang mga mata habang ninanamnam ang paglalapat ng labi naming dalawa. Tila libo-libong kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan. What the hell is he doing! Sigaw ng utak ko. Pero gustuhin ko man siyang itulak, ay ayaw namang sumunod ng katawan ko. Kinulam niya ba ako? Possible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD