Hanggang sa nakarating kami sa Wonderland Home of Decorations ay wala kaming imikan ni Ryk. I'm still blushing after he kissed me! God! He's my first kiss at hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong naramdaman sa paglalapat ng mga labi namin ng binata.
“Hey, are you okay?” masuyong tanong ni Ryk. Matalim ko itong tiningnan.
“Lumayo-layo ka nga sa akin. Baka hindi kita matantiya at tamaan ka sa akin.” Inis kong wika rito. Malakas namang natawa si Ryk sa sinabi ko.
“Gusto mong ibalik ang kiss ko sa ‘yo?” pilyo nitong tanong sa akin. Mas tinaliman ko ito ng tingin.
“Heh! Anong akala mo sa akin? Uto-uto?” nakaingos kong wika. Sasagot pa sana ang binata nang dumating ang kaibigan ko.
“Janeth? It's really you!” bati ni Kiara sa akin nang makita ako.
“Kiara!” tawag ko sa pangalan nito at nagbeso kaming dalawa.
“How are you? You really surprised me!”
“I’m fine. Gusto talaga kitang surpresahen. Anyways, I'm here para kunin ang service niyo, pero ako ang mag-o-organize ng engagement party,” sabi ko rito habang hinihila niya ako paupo sa bakanteng upuan.
“Engagement? Kanino?” takang-taka nitong tanong. I bit my lower lip to suppress my smile.
“My engagement party. I'm getting married!” wika ko rito na may ngiti sa aking labi. Yeah, hindi ko maikakailang masaya ako, may iba kasi akong naramdaman nang halikan ako ng binata. His kiss calms me, para bang kayang-kaya niya akong protektahan?
“Really? Kanino?” excited din na tanong ni Kiara sa akin. Nilingon ko si Ryk at sinenyasan na lumapit sa tabi namin. Tumayo ako at hinawakan sa kamay ang binata.
“Meet my fiance, Harper Ryk Fournier. Ryk, my friend, Kiara.” Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Tumayo si Kiara para makipag-kamay kay Ryk.
“Nice meeting you!” ngiting-ngiti na wika ni Kiara.
“Me too.” Simple at pormal na sagot ni Ryk.
“Ikaw ah! Hindi mo man lang sinabi na isang multi-billionaire pala ang mapapangasawa mo! Ang swerte mo naman!” masayang pahayag ni Kiara sa akin.
Humigpit ang pagkakahawak ni Ryk sa kamay ko.
“Mas swerte ako sa kanya. She's beautiful, inside and out. I know she's going to be a good wife. Right, babe?” sabi ni Ryk at nakangiti akong binalingan. My heart skipped a beat when he called me using his endearment. Wala sa sariling tumango ako rito.
“Wow! Ang sweet naman! Bago pa kayo langgamin d‘yan, halina kayo, ipapakita ko sa inyo ang mga album na pwede niyong pagpilian. Ano bang gusto mo, Janeth? Package deal na ba?” tanong ni Kiara sa akin.
“Oo. Package deal na, para isahan na lang. Magiging hands on naman ako sa mga decorations eh.” Sabi ko kay Kiara.
“Sure. Just wait here at kukunin ko muna ang mga albums para pagpilian niyo.” Paalam sa amin ni Kiara na agad naming tinanguan.
Nang maalala ang sinabi ni Papa ay biglang nawala ang inis ko sa binata dahil sa panghahalik niya sa akin kanina.
“Ahm, Ryk, can I ask you a favor?” nahihiya man sa pabor na hihingin ko ay kailangan kong gawin iyon.
“Call me babe.” Malumanay nitong wika. Wala sa sarili akong napabaling sa binata. Halos maduling ako dahil sa lapit ng mga mukha namin sa isa’t-isa.
“H-huh?” gulat kong ani rito. Hinawakan nito ang magkabila kong braso.
“From now on, you should call me babe. Okay?” mas nilambingan pa nito ang kanyang boses. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Kailangan ko pang huminga ng malalim para kinalma ang puso ko.
“Okay,” tanging nasabi ko.
“Try to say it, babe. Hindi ba at may pabor kang hihingin? Tell me.” Sabi ng binata. Nilaro-laro ko ang mga daliri sa kamay ko.
“Well, I want a grandiose engagement party. Is it okay with you. . . Babe?” laking pasalamat ko at hindi ako nautal sa pagkakabigkas ko ng babe.
Lumiwanag ang mukha ni Ryk nang tawagin ko itong babe. Bigla na lang niya akong niyakap at pinaghahalikan ang tuktok ng ulo ko.
“I will grant anything you wish for. I will give you everything I have. And I will make you the happiest woman on earth.” Madamdamin nitong pahayag.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto ng binata. Para bang matagal na niya akong kilala? O may gusto na ito sa akin, dati pa.
“Thank you.” Tanging nasabi ko.
“At ako na ang bahala sa mga bisita natin, I will invite every business tycoon to our engagement party. How's that sound? Is it okay with you? Gusto kong ipagmalaki ang magiging asawa ko sa kanila.” Masayang pahayag ni Ryk sa akin. At sino ba naman ako para tumanggi?
“Sure. Mag-iimbita rin ako ng mga kaibigan at kakilala ko.” Imporma ko rito.
Dumating si Kiara dala-dala ang mga album kung saan kami pwedeng mamili.
“Miss, do you have a private room? Baka abutin kami ng hapon kakapamili eh. Gusto kong makapagpahinga mamaya ang fiance ko.” Halos mamula ang mukha ko nang tumili si Kiara dahil sa sinabi ni Ryk.
“Grabe! Maawa naman kayo sa walang mga jowa! But anyways, meron naman akong private room. Nasa second floor, tulungan ko na kayo sa pag-akyat nitong mga album.” Sabi ni Kiara.
Hindi na rin ako tumutol nang umakyat kami sa itaas. Dahil alam kong mamaya pa kami matatapos sa pamimili ng mga desinyo at motif para sa engagement party namin.
“Sige, maiwan ko na kayo. Alam mo naman kung anong gagawin kapag nakapamili na kayo. Bye!” paalam ni Kiara sa amin. Iginiya naman ako ni Ryk sa sofa.
“Sit here. Sabihin mo lang kapag pagod ka na, pwede ka namang magpahinga.” Masuyo nitong sabi sa akin. Ang tiyan ko ay parang pinipilit dahil sa sobrang kilig na nararamdaman. Tumikhim ako.
“Hindi mo ba ako sasamahang mamili?” tanong ko sa binata. Umupo ito sa tabi ko.
“Ikaw na ang mamili, everything and anything you want, ay iyon na rin ang akin.” Wika nito. Hindi ko nakayanan ang intensidad sa mga titig ni Ryk kaya yumuko ako at kinagat ang aking pang-ibabang labi.
“B-bahala ka nga,” sabi ko na lang. Ngunit habang namimili ako ay nasa tabi ko naman ang binata. Paminsan-minsan ay hinihingi ko ang suggestions nito, pero parating ‘ikaw ang masusunod’ lang ang sinasagot nito. Hindi na lang ako kumibo pa at para na akong sasabog sa sobrang kilig.
Hindi ko alam na ganito pala ka-sweet ang mapapangasawa ko. Am I that lucky?
Patapos na ako nang makaramdam ako ng antok.
“Sleepy?” masuyong tanong ni Ryk sa akin.
“Hmmm. . .” tumatango kong sagot dito.
Inalalayan niya akong tumayo at inihiga sa malapad na kama.
“Sleep here. Tama na ba ang lakas ng aircon? O gusto mong hinaan ko?” ewan ko ba kung bakit ang lambing-lambing ng boses nito.
“Tama na ‘yan. Iidlip lang ako, maya-maya gisingin mo ako ah,” bilin ko sa binata.
“Can I sleep beside you?” tanong ni Ryk sa akin. Sa sobrang antok ko ay tumango na lang ako. Naramdaman ko ang pagtabi ng binata sa akin at iniyakap nito ang isang braso sa aking baywang. Hinayaan ko na lang ito. Total magiging asawa ko na rin ito in no time.
May ngiti sa labi ko nang tuluyan akong tangayin ng antok.
Nagising ako sa mahihinang haplos sa buhok ko. Nang magmulat ako ay agad na nagtama ang paningin namin ni Ryk. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.
“Maayos ba ang naging tulog mo?” masuyo nitong tanong sa akin. Tumango ako rito at nginitian ito.
“Yeah. Thank you. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa oras dito sa Pilipinas.” Sabi ko rito.
“You're very much welcome. Tapos ka na ba sa pamimili for our engagement party?”
“Nope. Pero konti na lang naman. Teka lang at tatapusin ko na.” Sabi ko sabay tayo.
“Eat first. Nag-order ako ng foods for us. Let's eat first.” Aya nito sa akin. Hindi na rin ako tumanggi pa.
Pagkatapos naming kumain ay tinapos ko na nga ang pamimili ng mga dekorasyon at iba pang kailangan para sa engagement party namin ni Ryk.
He used his card to pay for all the expenses.
“The next day ay food tasting na. Make sure na makakarating kayong dalawa, okay?” bilin ni Kiara sa amin.
“Sure. Salamat ah,” pasasalamat ko sa kaibigan.
“Naku, ikaw pa! You're my friend at masaya ako na nakahanap ka na ng lalaking para sa ‘yo.” Sinsero na sabi ni Kiara sa akin. Niyakap ko lang ito bago kami tuluyang umalis.
Hinawakan ni Ryk ang kamay ko at dinala iyon sa kanyang labi para halikan. Nagtatanong ang mga mata ko itong tiningnan. Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin.
“Do you believe me if I say, I like you?” seryoso ang mukha nitong tanong sa akin. Hindi ako nakasagot sa sinabi nito. Dahil ramdam na ramdam ko ang papabilis na t***k ng puso ko.