Chapter Six

1617 Words
Hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang ipinagtapat ni Ryk sa akin. Parang nabibilisan ako sa mga nangyayari. Mabuti na lang at nawala na ang kaba ko sa tuwing nakikita ko ito. Ang ikinaiinis ko ay parati akong dinadalaw ng bangungot na iyon. Pilit ko na lang kinakalma ang sarili ko sa tuwing nagigising ako sa masamang panaginip na pilit umuukilkil sa utak ko. “Hija, everything is ready. Grabe ang magiging asawa mo, he really gives you the most grandiose engagement party! I can't wait to see you get married to him.” Nakangiting pahayag ni Papa sa akin. “Thanks Papa. Well, he's that rich po, kaya afford na afford ang gusto ko.” Nakangiting wika ko kay Papa. At least, kahit pakitang-tao lang ang pakikitungo nito sa akin ay masaya na rin ako. At least naranasan kong mahalin ako ni Papa, kahit sandali lang. “Anak, sigurado ka na ba sa pagpapakasal mo? Hindi mo naman mahal ‘yong ta-” “Alayna! Ano ba ‘yang pinagsasabi mo! Natuturuan ang puso, hindi naman mahirap mahalin ang anak natin eh. Bukod sa maganda na, matalino pa!” pagmamalaki sa akin ni Papa. Siguro nag-aalala lang sa akin si Mama. All my life minsan ko lang ito nakitaan ng pag-aalala sa akin. But I don't want to judge her. Maybe, she has a reason kung bakit ganoon ang pakikitungo nito sa akin. “Ma, I'm okay. We're going to work our relationship out. Papa is right, natuturuan ang puso. Not now, but sooner or later.” Nakangiti kong pahayag dito. Bumuntonghininga lang si Mama at nginitian ako. “I told you. Don't mind your Mama, Janeth. Just be kind with them. Pwede ka sigurong magpalit ng fashion style mo. Make yourself beautiful and sexy.” Suhestyon ng aking ama. “That's not gonna happen, Papa. This is who I am. At saka hindi naman nagrereklamo si Ryk sa suot ko eh.” Paliwanag ko kay Papa. “Bahala ka na nga. Basta make sure na mamahalin ka ni Harper. He's the best asset for our company, always remember that.” Seryoso ng wika ni Papa sa akin. Tumango na lang ako. “By the way Papa, si Jeneth pala nasaan? Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Hindi ba siya aattend ng engagement party ko?” tanong ko kay Papa nang mapansing wala ang kapatid ko. “Jeneth is out of the country. Magkasama sila ni Cyril, maybe next week pa ang balik niya. Kaya hindi ito makakadalo sa engagement party mo.” Sagot naman ni Papa. Tumango na lang ako sa sinabi nito. - Nasa harapan ako ng laptop ko nang malakas na tumunog ang aking cellphone. Tamad kong inabot ang nag-iingay kong cellphone. “Yes, hello?” agad kong sagot sa tumawag sa akin ng hindi man lang tiningnan kung sino ang tumatawag. “Babe,” bigla na lang lumakas ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Ryk. Lalo pa at narinig ko na naman ang tawag nito sa akin. I cleared my throat. “Hmm?” kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko. “Can I invite you for a date?” malambing ang boses nito nang tanungin ako. “Date? Saan naman?” pasimple kong tanong. “Everywhere you want to go. Ikaw ang bahala.” Sagot nito. Heto na naman siya sa ‘ikaw ang bahala’ line niya. “Ikaw ang magyayaya tapos ako ang tatanungin mo! Anong klaseng date ‘yan!” may inis sa boses kong wika sa binata. Narinig ko ang malalim nitong paghinga. “Ahm. . . I don't know the place na magugustuhan mo. I'm sorry kung parating mga gusto mo ang tinatanong ko. I just want to make you happy. Sumobra na ba ako?” masuyo nitong tanong. Imbes na magalit ay lumambot pa ang puso ko sa sinabi nito. All my life ay parating gusto ng mga magulang ko ang nasusunod, lalo na ni Papa. They never asked me what I want. It's always what they want. Kaya naninibago ako sa pakikitungo sa akin ni Ryk. Para bang isa akong espesyal at ayaw niyang masaktan ako. “I'm happy naman. Pero s‘yempre ayaw kong parating ako na lang ang nasusunod. You have your wants too. Remember we are two in this relationship, so give and take. Hindi ba?” mahinahon kong paliwanag dito. “All I want is you. Kaya kung saan ka masaya, masaya na rin ako. Don't ever doubt that. Okay?” “Fine. But for today's date, I want you to decide. Surprise me, and it will make me happy. Can you do that?” I test him. Ilang minuto itong hindi sumagot. “Deal. I will pick you up before lunch, okay, babe?” wika nito sa baritonong boses. Ramdam ko ulit ang pagiging abnormal ng puso ko. “Okay.” Tanging sagot ko. “That's it? Mukhang may nakalimutan ka yata.” Sabi nito. Kumunot ang noo ko. “Anong nakalimutan ko?” tanong ko rito. Narinig ko ang buntonghininga nito. Para bang sadyang pinarinig iyon sa akin “Is it hard to utter the word babe?” nagtatampo ang boses nitong wika sa akin. Mahina naman akong natawa sa inaasal nito. He's like a baby. “Babe. Babe, babe, babe. O, okay na ba? Ilang babe ba ang gusto mo? A hundred? A thousand?” nakangiti kong tanong kay Ryk. “One babe from you is enough, basta galing sa puso mo.” Seryoso ngunit malambing nitong wika. Para na namang sasabog ang puso ko dahil sa mga binibitiwang salita ng binata. “You have a flowery tongue huh.” Wika ko na lang nang walang makapang sabihin. “I’m serious.” Madiin nitong wika. Na-i-imagine ko tuloy ang hitsura niya habang nakanguso. “Yeah. Okay, I will prepare myself, babe.” Sabi ko rito sabay kagat ng pang-ibabang labi ko dahil sa huling sinabi. “Damn! Can't wait to see you, say it again in front of me and I swear, I will ravish your lips.” May pagbabanta sa boses na wika ni Ryk sa akin. Nanlaki tuloy ang mga mata ko at hindi nakapagsalita hanggang sa nawala na ito sa kabilang linya. - “Sir, ipapaalam ko lang po si Janeth, we're having a date. Pwede po ba?” narinig kong tanong ni Ryk sa aking ama. Napangiti naman ako. “Of course! Enjoy your date. Ingatan mo ang anak ko ah,” bilin ni Papa. “I will, sir.” “O boy, stop calling me sir, call me Papa Jereth, besides magiging manugang na kita.” Masayang sabi ni Papa sa binata. “My pleasure, Papa.” Natawa ako sa boses nitong parang hindi komportable. Tumikhim ako para malaman nila ang presensya ko. Sabay na lumingon sa akin ang dalawang lalaki. “Hija, ipinagpaalam ka na ni Harper sa akin. Enjoy your date.” Nakangiti na wika ni Papa sa akin. “Okay ‘Pa!” “Ayos na ba ‘yang damit mo? Parang hindi bagay sa date niyo ni Ryk.” Komento ni Papa sa suot ko. Napatingin tuloy ako sa damit na nakagawian kong isuot. Napahawak pa ako sa aking baseball cap. “There’s nothing wrong about her style, Papa. I more like it. I have my astig fiance. At hindi rin bastusin kaya wala akong makakaaway kung sakaling titingnan ang katawan ng fiance ko.” Pahayag ni Ryk sa aking ama. “Kungsabagay, sige na. Mag-iingat kayong dalawa.” Bilin ni Papa sa amin. Tumango na lang ako rito. Napatingin ako sa magkahawak na kamay namin ni Ryk. Sa tuwing magkasama kami o ‘di kaya ay nagmamaneho ito ay parati niya na lang hawak ang kamay ko. Para bang takot itong mawala ako. “Babe?” malambing kong tawag rito. Ngunit nagulat ako nang bigla itong magpreno. Mabuti na lang at may suot akong seatbelt. “Ryk!” malakas kong sigaw sa pangalan nito sa labis na takot. Bigla nitong iginilid ang sasakyan at inihinto. Nagmamadaling kinalas nito ang seatbelt niya at nilingon ako. “Huwag mo naman akong gulatin ng ganoon.” Hinihingal nitong pahayag sa akin. Kumunot ang noo ko rito. “Eh, ikaw nga ang nanggugulat eh! Nag-preno ka na lang bigla!” inis kong wika sa binata. “Dahil nagulat ako nang tawagin mo akong babe. I already told you, kapag tinawag mo akong babe sa harapan ko, I'm going to ravish your lips, right?” may pilyo na itong ngiti sa kanyang labi. Wala sa sariling natakpan ko ng aking dalawang palad ang bibig ko. Para bang sa pamamagitan noon ay matatakasan ko ang parusang halik na ibibigay sa akin ni Ryk. Eh, gusto ko lang namang magtanong kanina kung bakit panay hawak nito sa kamay ko. Nakita ko ang pagngisi ni Ryk sa akin. Kinalas muna nito ang seatbelt ko at unti-unting hinawakan ang mga palad kong nakatakip sa aking bibig. “Don’t you like my kiss?” his voice is seducing me. Hindi ako sumagot at nakayuko lang ako. Hinawakan naman nito ang baba ko at pinagtagpo ang mga paningin naming dalawa. “I will not force you if you don't like my kiss.” Sabi nito. Akmang ibabalik nito sa pagkakakabit ang seatbelt ko nang pigilan ko ito. Nagtataka niya akong tiningnan. “I like your kiss, babe.” Ani ko ng nakangiti. Napasinghap ako nang mabilis niyang kabigin ang mukha ko at marahang halikan ang aking labi. Napapikit ako at napakapit sa kanyang batok. Sana. . . Sana hindi ko pagsisisihan ang desisyon ko. Dahil ngayon pa lang, ay unti-unti na akong nahuhulog sa binata at ayaw ko ng pakawalan pa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD