Hindi ako makapaniwala sa nakikita na hitsura ko. Parang hindi ako. Kung sabagay ay nasanay naman kasi akong magsuot ng loose t-shirt at jogger. Hindi kagaya ng suot ko ngayon. Sa Australia naman ay hindi ako masyadong pupunta sa mga party, kahit na nga ba ako ang nag-o-organize. At kung pumunta man ako ay mga komportableng damit lang ang isinusuot ko.
I am wearing a black evening dress. Backless ang likod nito at may slit sa kaliwang hita ko. Siguradong bawat hakbang ko ay makikita ang makikinis at mahahaba kong biyas.
Naka-messy bun ang buhok ko. Hindi naman masyadong makapal ang make up ko. Sa mansion ng mga Fournier gaganapin ang engagement party. Malaki ang mansion ng mga Fournier. Malawak din ang kanilang harden. Mas malawak pa sa amin. Iba nga naman kapag multi-billionaire. Kaya pala gustong-gusto ni Papa na maikasal ako kaagad sa nag-iisang anak ng mga Fournier.
Sunod-sunod na katok ang nagpalingon sa akin.
“Hija, let's go. Baka ma-late tayo sa engagement party mo.” Narinig ko ang boses ng aking ina.
“Coming, Mama!” malakas kong sagot. Pinasadahan ko pa ng isang beses ang aking hitsura bago ko kinuha ang clutch bag ko.
Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko kaagad ang mga magulang ko. Halatang hinihintay na ako. Napanganga pa si Papa at nagningning naman ang mga mata ni Mama.
“You're so beautiful, hija. Kamukhang-kamukha mo ang Mama Alayna mo noong kabataan niya.” Puri sa akin ni Papa Jereth. Ngumiti ako sa kanya.
“Salamat po, Papa.” Sabi ko na lang. Napagitnaan nila ako at inalalayang makasakay sa limousine na pagmamay-ari ni Ryk.
Palakas ng palakas ang kaba sa dibdib ko habang papalapit na kami sa mansion ng mga Fournier. Panay pa ang buntonghininga ko.
“Anak, ayos ka lang ba?” puno ng pag-aalalang tanong ni Mama sa akin. Tiningnan ko ito at nginitian.
“Maayos lang po ako, Mama. Medyo kinakabahan lang.” Sagot ko rito.
“Relax. Ganoon naman talaga kapag first time. Mamaya mare-relax ka na kapag nakita mo na ang fiance mo. Sigurado akong gwapo ito ngayon. Katulad kung gaano ka kaganda ngayon anak.” Sabi ni Mama sa akin. Nginitian ko lang ito.
Pagpasok pa lang ng limousine sa loob ng malaking gate ay nagsunod-sunod na ang nagkikislapang camera.
Nauna ng bumaba ang mga magulang ko. Nang bumukas ang pinto ay nagulat ako nang makitang si Ryk ang nagbukas niyon. Akala ko kasi ang driver nito.
“Hi! You're so gorgeous tonight.” Nakangiting puri ni Ryk sa akin. Ngumiti rin ako rito.
“And you are handsome too.” Puri ko rin rito. Mahina itong tumawa.
“So, does it mean we're perfect for each other?” pilyo niya akong nginitian.
“Maybe?” patanong kong sagot. Medyo natatakpan niya ako kaya hindi ko makita ang nasa labas. Pero base sa ingay na naririnig ko ay nagkakagulo na ang mga tao sa labas ng sinasakyan ko.
Napatitig ako kay Ryk ng hindi ito gumalaw. Tinaasan ko ito ng kilay.
“Ayaw mo ba akong pababain?” natatawa ko ritong tanong.
“Kung pwede lang na itago kita ay ginawa ko na. But I can't do that, so before I let them see you, let me mark you first.” Seryosong sabi ni Ryk sa akin. Naguguluhan ko itong tiningnan. Bago pa ako makapagtanong ay bumaba na agad ang mukha nito at sinakop ang labi ko. Napasinghap ako dahil sa gulat. Ngunit kalaunan ay nalunod na rin ako sa mapusok nitong halik. Mabuti na lang at kiss proof ang ginamit ko sa aking labi, kung hindi ay mababaliw ako kung paano ko aayusin ang hitsura ko.
Hindi nagtagal ang halikan namin. Tinitigan niya ako sa aking mga mata na puno ng paghanga.
“And now, I'm going to mark you. Mark you as mine. Mine alone.” Seryoso ang boses nitong saad. Bago pa ulit ako makapag-protesta ay nahawakan na nito ang aking panga at itinagilid iyon. Doon ko lang napagtanto kung saan niya ako hahalikan. Nanlalaki ang mga mata ko.
“Ryk! No!” protests ko rito. But it's too late, dahil naramdaman ko na lang na sinisipsip nito ang aking leeg na para bang isa itong bampira.
Nang matapos niya akong bigyan ng kiss mark ay tiningnan niya ulit ako sa aking mga mata. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata. Habang ako ay nakasimangot na tiningnan ang binata. Nakakahiya kaya!
“That’s perfect. Let's go,” nakangiti nitong aya sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin.
“Perfect my ass! Nakakainis ka alam mo ba!” nakanguso kong wika sa binata.
“Don't pout, I may kiss you. Baka hindi ka na makababa pa rito.” May bahid na pagbabanta sa kanyang boses kaya natahimik ako.
Halos magkagulo ang lahat nang tuluyan na akong makababa sa sasakyan.
“Ladies and gentlemen! Let's welcome our love birds! Mr. Harper Ryk Fournier and Miss Janeth Alvarez! Around of applause everyone!” malakas na pagbati sa amin ng emcee.
Habang naglalakad kami ay panay ang kislap ng camera sa amin. Medyo nasisilaw ako. Nawala lahat ng kaba ko kanina dahil sa mga pinaggagawa ni Ryk sa akin. Mamaya lang talaga ito sa akin.
Nakita kong nasa iisang mesa ang mga magulang ko at mga magulang ni Ryk.
Inalalayan ako ni Ryk habang papaakyat kami sa stage. Nang nakaharap na kami sa lahat ay hinapit niya ako papalapit sa kanya. Katulad ng dati ay may makapal at mabilog na salaming suot si Ryk. Imbes na ma-turn off sa binata ay parang mas lalo pa itong gumwapo sa paningin ko. Feeling ko tuloy ay kinulam talaga ako ni Ryk.
“Don’t stare at me like that, babe. Iba ang iniisip ko habang tinititigan mo ako ng ganyan.” May biro nitong wika sa akin. Iniiwas ko na lang ang tingin ko rito at baka saan pa mapunta ang usapan naming dalawa. Nasa harapan pa naman kami ng maraming tao.
“Tonight let's witness the engagement party of our couple here! Mga titigan pa lang nila kanina, in love na in love talaga sa isa’t-isa. Pwede ba naming makita ang kiss niyong dalawa?” nakatili na sabi ni ng emcee. Umingay naman ang buong paligid.
“Kiss! Kiss!” malakas nilang hiyaw.
Namumula ang mukha kong napatitig kay Ryk. Nakita ko ang pagngisi nito. Napanguso tuloy ako. Ngunit naramdaman ko na lang na lumapat na ang labi ni Ryk sa labi ko. Ang bilis talaga nitong kumilos. Naramdaman ko na lang ang kamay nitong nakaalalay sa aking likuran.
Mapusok ang halikan naming dalawa. Nawala sa aming isipan kung nasaan kaming dalawa ng binata. Kung hindi lang sa malakas na hiyawan ng mga tao ay hindi pa kami maghihiwalay ni Ryk.
Pulang-pula ang mukha ko nang bumaba kami sa stage at saluhan ang mga magulang namin sa mesa. Kagat-kagat ko ang labi ko dahil sa sobrang hiya. Pero si Ryk ay wala man lang pakialam. Pangiti-ngiti pa ito.
“You’re so beautiful hija. Akala ko wala ka pang igaganda, my goodness anak, napaka-swerte mo sa mapapangasawa mo. Botong-boto kami sa kanya.” Pahayag ng Mommy ni Ryk.
“Thank you, Tita.” Mahina kong ani.
“Tita? No, you should call me Mommy Freya from now on.” Nakangiti nitong pahayag. Tumango na lang ako rito.
Panay ang kwentuhan ng mga magulang namin, habang ako ay nakikinig lang. Napaigtad pa ako nang maramdaman ko ang kamay ni Ryk sa hita ko. Agad ko itong nilingon at pinanlisikan ng mga mata. Ngunit ang loko-loko ay nginisihan lang ako. Marahan nitong hinihimas ang makinis kong hita. Bigla na lang nag-init ang katawan ko. Mariin kong pinagsiklop ang hita ko dahil feeling ko nababasa na ang aking p********e.
Nang marahan niya iyong pisilin ay napasinghap ako. Lahat tuloy sila ay napabaling sa gawi ko.
“Hija, are you okay?” may pag-aalala sa boses ng ina ni Ryk. Gusto ko sanang kusutan ang binata dahil sa mga pinaggagawa nito sa ilalim ng mesa. Sasagot sana ako nang maunahan ako ni Ryk.
“Mom, can I take her upstairs? Baka po nahilo siya dahil sa pagod. Babe, take a rest first, hmm?” malambing nitong ani sa akin. Matalim ko itong tiningnan.
“Sure hijo. Dalhin mo muna si Janeth sa itaas. Let her rest. Is it okay with you, hija? Hindi pa kasi tapos ang party. Sasamahan ka na lang muna ni Harper sa itaas.” Sabi ni Mommy Freya. Isang ngiti lang ang isinagot ko rito. Dahil kapag nagsalita ako ay baka masabi kong hindi naman talaga ako nahihilo, napasinghap ako dahil sa likot ng kamay ng anak niya.
Namangha ako sa silid ng binata. Simpleng black and white lang ang kulay ng pintura nito. Malinis din ang buong paligid.
Napalingon ako nang marinig ang pag-lock ng pinto.
“Hoy! Bakit mo ini-lock?” tanong ko rito. Hindi na ako nasagot ng binata nang agad nitong sugurin ng halik ang aking labi.
“I want to be alone with you.” Hinihingal nitong pahayag at muling sinunggaban ang aking labi.
Mukhang mauuna talaga ang honeymoon naming dalawa. Sana lang talaga hindi ko pagsisisihan ang pagiging padalos-dalos ko.