Nakahiga ako sa braso ni Ryk. Magkayakap kaming dalawa. Parehong hubad sa ilalim ng comforter. Marahan nitong hinahaplos ang aking buhok. Akala ko makakatulog kaagad ako matapos naming gawin ang bagay na ‘yon. Wala na, ibinigay ko na ang aking perlas ng silangan. Naiusuko ko na ang aking bataan. Pareho kaming walang imik na dalawa pagkatapos ng namagitan sa amin. Kahit na naka-full ang aircon ay hindi ko maramdaman ang lamig n’on.
“Do you regret it?” mahinang tanong ni Ryk sa akin. Nagsisisi nga ba ako sa nangyari sa aming dalawa? Ang sagot ng puso at isipan ko ay hindi. Why should I?
Umiling ako sa binata. Tiningala ko ito at nagkatitigan kaming dalawa.
“Hindi ko pinagsisisihan ang nangyari sa atin. It's my gift for you after our wedding, pero in-advance mo na eh,” biro ko sa huling sinab. Nakita ko ang saya sa mukha nito.
Tumagilid si Ryk at hinaplos ng marahan ang aking pisngi.
“Ikaw ang magandang nangyari sa buhay ko. When I first saw you, I knew then that you're the woman for me. Alam kong sinusunod lang natin ang gusto ng mga magulang natin. But, when I saw you, gusto kong pakasalan kita kaagad. Hindi dahil sa gusto ng mga magulang ko. Pero dahil gusto kita.” Mahabang paliwanag ng binata sa akin. Kumabog ang puso ko dahil sa sinabi nito. Matamis ko itong nginitian.
“Let’s work out our marriage. Okay?” sabi ko na lang dito at unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata. Panatag ang puso at isipan ko kasama si Ryk. After what happened between us ay mag-u-upgrade na ang relasyon naming dalawa.
Nagising ako dahil sa masuyong haplos sa aking pisngi. Nang magmulat ako ng mga mata ay agad na nagtama ang mga paningin namin ni Ryk. Ngingiti na sana ako ngunit nauwi sa ngiwi dahil biglang sumakit ang p********e ko.
“Are you hurt? Still store?” sunod-sunod na tanong sa akin ng binata. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang pag-aalala sa akin. Namula naman ako sa uri ng tanong nito. Pero dahil mahapdi talaga ang p********e ko plus masakit ang aking katawan ay tumango ako kay Ryk. May isang butil pa ng luha ang pumatak sa aking pisngi dahil sa nararamdamang hapdi sa aking p********e.
“Shhh. . . Don't cry, nandito lang ako. Wait, tatawag ako sa doctor kung anong pwedeng gawin sa na. . . Ahm, sa first time makipagtalik.” Napapalunok nitong pahayag.
“H-huh? Doctor? Hindi ba at nakakahiya ‘yon?” tanong ko sa binata.
“No! Ayaw kong makita kitang nasasaktan. Don't worry dahil kaibigan ko ang doctor. Please, hindi ako mapapakali hangga’t, hindi ka magiging maayos.” Pakiusap nito sa akin. Nahabag ako sa sinabi nito, kaya tumango ako rito.
Mabilis nitong tinawagan ang kaibigan. Nasa tabi niya lang ako.
“Yes, pare. Ahm. . . Can you give me some advice? Well, my fiance, we. . . We made love five hours ago, then, you know, her ahm. . . Her private part is hurting, I think she's sore. What should I do to lessen her soreness?” halos hindi magkaundagaga sa pagtatanong si Ryk. Imbes na mahiya ay natawa ako sa boses ni Ryk.
Ilang sandali itong hindi nagsalita. Nakikinig sa kanyang kausap. Humiga na lang ako ng maayos at hinintay na matapos makipag-usap si Ryk sa kaibigang doctor.
“Babe, let me clean you.” Napamulat ako nang marinig ang boses ni Ryk.
“Clean me? No, ako na ang maglilinis ng sarili ko.” Tanggi ko rito.
“Babe, listen to me, please? Sabi ng doctor ay dapat kitang linisan ng maligamgam na tubig. Magpapadala ng gamot ang kaibigan kong doctor dito. After I clean you, ay ipaghahanda kita ng sopas para maka-inom ka kaagad ng gamot.” Paliwanag ni Ryk. Hindi na ako umimik pa.
Halos mapapikit ako nang dumampi ang maligamgam na tuwalya sa aking p********e. Hiyang-hiya ako. Nakabukaka ako sa harapan ni Ryk. Sinong hindi mahihiya?
Pero kanina, panay ungol mo at tawag sa pangalan ni Ryk. May pa faster-faster ka pang sinisigaw, wala ka ngang hiya eh, bakit ngayon nahihiya ka na? Pangungutya ng isipan ko sa akin. Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi ko.
“Done. Let me change your clothes. Pupunasan na rin kita.” Pahayag ni Ryk. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa bawat sabihin ng binata.
Ngayon ay nakahubad na ako sa harapan ni Ryk. Kitang-kita ko ang pagnanasa at paghanga sa kanyang mga mata. Panay lunok nito. Hindi na lang ako kumibo at iniwas ang paningin sa binata.
Marahan at masuyo ang bawat pagdampi ng basang tuwalya sa katawan ko. Nang matapos akong punasan ni Ryk ay ito na rin ang nagbihis sa akin.
“Sa kusina muna ako, ipaghahanda kita ng sopas.” Paalam ni Ryk sa akin. Tumango lang ako rito.
Hinalikan niya ako sa aking noo. Mariin na lang akong napapikit.
“Ahm, sina Papa at Mama? Nasaan na sila?” tanong ko sa binata.
“Nakauwi na sila. Don't worry, sinabi kong masama ang pakiramdam mo.” Sagot nito sabay labas ng kanyang silid.
Kinabukasan ay magaling na ako. Sino ba naman ang hindi gagaling kung ang galing mag-alaga ng fiance mo.
Masasabi kong napaka-swerte ko sa kanya. Magkayakap kami habang natutulog.
“Ryk, uuwi na ako. Ihatid mo na ako.” Sabi ko sa binata.
Habang nasa biyahe ay panay ang tingin sa akin ni Ryk. Kumunot ang noo ko sa binata.
“May sasabihin ka ba?” tanong ko rito. Mabuti na lang at maayos na ang paglalakad ko. Hindi na ako iika-ika.
“I’m just thinking kung may nabuo na kaya tayo?” malakas akong napaubo sa tanong nito.
“Ryk! Ano ba ‘yang tanong mo! Hindi pa tayo sure. K-kagabi lang natin ‘yon ginawa! Malay ko ba kung may nabuo na o wala pa!” namumula ang mukha kong sagot sa binata. Mahinang tumawa si Ryk.
“Excited lang ako. By the way, bagay na bagay pala sa ‘yo ang damit ko.” Komento nito sa damit nitong suot ko.
“Oo na. Lahat na lang talaga napupuna mo ano?” naiiling kong wika rito. Ngumiti lang naman sa akin ang binata.
Nagpakita lang si Ryk sa mga magulang ko at hindi na rin ito nagtagal dahil ang dami pa nitong kailangang gawin sa office nito.
“Anak, ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Mama sa akin.
“Maayos na po, ang galing mag-alaga ni Ryk eh,” nakangiting sagot ko kay Mama.
“Mukhang nagkakasundo na kayong dalawa ah,” puna nito. Nginitian ko lang si Mama.
“Mabait naman po siya eh. Maalaga pa. Siguro kapag nakilala pa namin ang isa’t-isa ay baka may tsansang mahulog ang loob namin sa isa’t-isa.” Wika ko kay Mama.
“Mabuti naman kung ganoon, hija. Hindi ako magi-guilty kung sakaling hindi naging maayos ang pagsasama niyo. Ang sa Papa mo naman ay para sa inyo ng kapatid mo ang kanyang ginagawa. Kapag naikasal na kayong dalawa ay masi-secure na ang kompanya natin at ang future niyo,” paliwanag ng aking ina. Ngumiti lang ako rito bago nagpaalam na aakyat na sa aking silid.
Lumipas ang isang linggo ay hindi kami nagkita ni Ryk. Medyo na-miss ko ang binata. But, I understand him. Malaking kompanya ang hawak niya, at isa siyang busy na tao.
Nabobored na ako rito sa bahay. Kaya naman naisipan kong tawagan si Almie, wala pa itong alam sa nangyayari sa akin ngayon.
“Gaga! Bakit ngayon ka lang tumawag sa akin? Alam mo bang kalat na kalat na sa internet ang pagpapakasal mo? Kaya ka ba pinapunta ng Papa mo para ipakasal? Pinilit ka nila ano? Ano ka ba naman Janeth! Mag-desisyon ka naman para sa sarili mo! Hindi iyong para na lang sa kanila parati! Pa-martir lang ganern? Naku day! Ikaw lang ang magiging kawawa sa bandang huli, sinasabi ko sa ‘yo!” mahabang litanya kaagad ni Almie sa akin. Ni hindi niya nga ako kinumusta o binati man lang.
Malakas akong natawa rito.
“Ayos lang ako, Almie. At isa pa, mukhang mabait naman ang mapapangasawa ko. Kumusta na pala ang negosyo natin d‘yan? Ikaw kumusta ka na?” tanong ko rito.
“Heto at maganda pa rin. Ang negosyo natin ay mas lalo pang dumami ang customer. Kaya hanapan mo na ako ng makakasama rito. Naku, Janeth sinasabi ko sa ‘yo, tatandang dalaga ako rito kapag hindi ka pa bumalik.” Mahabang sagot naman nito.
“Sige na, mag-hire ka d‘yan ng dalawang makakasama mo. Salamat sa lahat, Almie. Always take care of yourself. Sana rin magka-afam ka na.” Biro ko sa huling sinabi.
“Magdilang angel ka sana.” Pakikisabay ng kaibigan ko sa akin. Ilang minuto pa kaming nag-usap bago kami nag-paalam isa’t-isa.
Inayos ko ang sarili ko at naisipan kong bumaba.
Pagbaba ko ay hindi ko inaasahang makikita si Jeneth. Matalim ang mga mata niya akong tiningnan.
“Jeneth, nakabalik ka na pal-”
“I will not let you to be happy.” She cut me off.
Natigilan ako sa sinabi nito.
“Jeneth, ano bang pinagsasabi mo?” tanong ko rito.
“Babawiin ko ang lahat sa ‘yo. Hindi ka magiging masaya! Hindi ako papayag!” malakas na sigaw ni Jeneth sa akin sabay tinalikuran ako. Bigla na lang binundol ang puso ko ng kaba dahil sa sinabi ng aking kapatid.