Chapter Nine

1527 Words
“Papa, binabawi ko na po ang sinabi kong hindi ako magpapakasal. Cyril and I are already done! Bakit niyo kasi hindi sinabing multi-billionaire pala ang pakakasalan ko! Eh, ‘di sana pumayag ako sa kasunduang ipapakasal ako kay Harper!” narinig ko ang malakas na sigaw ni Jeneth habang kausap ang aming ama. Kumuyom ang aking kamao. “Jeneth, hija. Hindi na pwedeng iurong ni Janeth ang pagpapakasal kay Harper, at isa pa, mukhang nagugustuhan niya na ang kapati-” “I don't care, Papa! She's just my replacement! Hindi ako papayag na siya ang magpakasal kay Harper! Ako dapat! Ako lang dapat!” malakas na sigaw ni Jeneth kay Papa. Nasa harapan ako ng study room ni Papa at bahagyang nakabukas ang pinto at malakas din ang boses ng kapatid ko kaya rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila. “Jeneth, look. Maayos na ang usapan ng mga pamilya natin, hindi ko na iyon pwede pang baguhin, unless kung si Harper mismo ang pipili ng pakakasalan niya sa inyong dalawa ng kapatid mo.” Seryosong pahayag ni Papa kay Jeneth. “That's better, Papa. I will make sure na ako ang pipiliin ni Harper at hindi ang walang puso kong kapatid.” May diing wika ni Jeneth. Agad akong lumayo at nagtago nang marinig ko ang mga yabag ni Jeneth. Hindi ako makakapayag na agawin niya si Ryk sa akin. Lalo pa at naisuko ko na sa binata ang lahat-lahat sa akin. - Kinagabihan ay tinawagan ako ni Ryk. Agad ko namang sinagot ang tawag ng binata. “Babe, hindi ka na ba busy?” tanong ko kaagad dito. “Not anymore. I'm sorry kung hindi kita natatawagan o nate-text man lang. Pero babawi ako sa iyo bukas. Can we have our date? Tapos pag-usapan na rin natin ang tungkol sa ating kasal. It's two months from now, right?” sabi ng binata sa akin. Napangiti naman ako. Kailangan kong mas mapalapit kay Ryk, upang ako ang piliin niya. “Sure. Let's have a date tomorrow. Hmm. . . May sasabihin din ako sa iyo bukas.” Sabi ko rito. I want to talk to him about kung sino ang pipiliin niya sa amin ni Jeneth. Desperada na kung desperada pero ayaw kong sirain kami ng kapatid ko dahil lang nalaman nitong multi-billionaire ang binata. “Sige, see you tomorrow. Good night, babe. Dream of me.” Malambing nitong pahayag. “Good night too. Sweet dreams, babe.” Nakangiti kong paalam kay Ryk. Natawa pa ako nang marinig ang malakas na tunog ng halik niya. “Can’t wait to see you tomorrow, babe. Kumain ka ng marami at may mahaba-habang bakbakan bukas,” makahulugan nitong pahayag sa akin. “Ha? Bakit may gagawin ba tayong activities bukas?” nagtataka kong tanong dito. “Yeah, and it will be pleasurable.” Seryoso nitong pahayag. Hanggang sa pagtulong ay tumatakbo pa rin sa utak ko ang pleasurable activities na gagawin namin ng binata. - Kinabukasan ay maaga akong nagising. Mabuti na lang at nakapaghanda na ang kasambahay namin ng almusal. “Good morning, Janeth!” bati sa akin ni Mama. Hinalikan ko ito sa kanyang pisngi. Habang tumatagal ay nakasanayan ko na ang presensya nila. Ramdam ko rin ang pagmamahal ni Mama sa akin na labis kong ikinatuwa. Nang tingnan ko si Papa ay seryoso ang mukha nito. Kumuha ako ng mug at nagtimpla ng gatas ko. Kailangan kong magkaroon ng energy ngayon dahil may date pa kami ni Ryk. Nasa hapag na ako at nagsasandok ng kanin nang magsalita si Papa. “Janeth, can I ask you a favor?” seryosong tanong ni Papa sa akin. Bigla akong kinabahan, alam kong ang pag-uusapan namin ay ang tungkol kay Ryk. Inilapag ko ang aking kubyertos at walang emosyong tiningnan ko ang aking ama. “What is it Papa?” tanong ko rito. Malakas itong bumuntonghininga. “Pwede bang kumalas ka sa engagement mo kay Harper? Sabihin mong hindi mo siya gusto at ayaw mo ng pakasalan siya.” Sabi ni Papa. Para bang kay dali ng ipinapagawa nito sa akin. “Pa, ano sa tingin mo ang iisipin niya sa akin kapag ginawa ko ‘yon?” may inis sa boses kong tanong dito. “Basta sundin mo na lang ang pinapagawa ko! Gusto ni Jeneth na siya ang ikasal kay Harper! Wala na sila ng nobyo niya kaya naman pwede ko ng ituloy ang dati kong plano. Si Jeneth ang pakakasalan ni Harper.” Maawtoridad na wika ng aking ama. Tumawa ako ng malakas na tila ba may nakakatawa sa sinabi nito. “Iba ka rin Papa eh. After mo akong pauwiin dito at sabihing ipapakasal kay Ryk at ipamalita sa lahat ng tao na ikakasal na kami ng binata ay saka mo sa akin sasabihin ‘yan? Ako ba ay pinagluluko niyo? Ano bang rason mo kung bakit bigla-bigla na lang nagbago ang desisyon niyo?” naghahalo ang inis at galit ko para sa aking ama. Lalo na kay Jeneth na siyang dahilan ng lahat. “Huwag mo akong sigawan! Anak lang kita, at lahat ng sasabihin ko ay siyang susundin mo! Pasalamat ka nga at naging replacement ka ng kapatid mo!” pasigaw na wika ni Papa sa akin. Hindi ko napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. “You’re so unfair, Papa. Akala ko pa naman may puwang na ako d‘yan sa puso mo. Na kahit konti ay mahal mo na ako bilang anak mo. Pero mukhang nagkamali ako. You just used me for your own good. Ginawa ko ang lahat para maging proud kayo sa akin, pero wala pa rin pala akong kwentang anak para sa inyo. Fine, sasabihin ko kay Ryk ang gusto mong ipagawa sa akin. Kakalas ako sa engagement naming dalawa, at huwag niyo akong sisisihin kapag pumalpak ‘yang mga plano niyo.” Pahayag ko bago ko sila tinalikuran. Nakita ko pa ang matagumpay na ngisi ni Jeneth sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin at tuloy-tuloy na umakyat sa kwarto ko. Nagbihis ako at dinala ang mahahalagang gamit ko. Aalis na ako sa bahay na ito. They didn't deserve my kindness. They are all pretentious. Nasa labas na ako ng gate ng bahay ng mga magulang ko. Tinawagan ko si Ryk para sunduin ako. Inayos ko ang sarili ko. “You are crying. May problema ba?” masuyong tanong ni Ryk sa akin. Malakas akong bumuntonghininga. Tiningnan nito ang aking dala-dalang bag. Kumunot ang noo nito. “Where are you going?” tanong ng binata sa akin. “Sa sasakyan na natin pag-usapan.” Malamig kong wika rito. “Ihatid mo muna ako sa pinakamalapit na hotel.” Sabi ko rito. Sandali niya akong tinitigan bago niya ako sinunod. Habang nasa biyahe ay panay ang sulyap sa akin ni Ryk. Hindi ko na lang ito pinansin pa. Pagdating namin sa hotel ay nag-check in ako, it's good for two days. Maghahanap pa ako ng condo unit na bibilhin ko, or babalik na lang ako sa Australia, at hindi na ako magpapa-kontrol pa sa mga magulang ko, lalo na kay Papa. “Pasok ka.” Yaya ko sa binata. Umupo ako sa isang bakanteng sofa at sinenyasan ko rin ang binatang umupo sa kaharap kong upuan. “Ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak? Bakit ka umalis ng bahay niyo?” sunod-sunod na tanong ni Ryk sa akin. “Let's finish our relationship here. Hindi na ako magpapakasal sa ‘yo. We are done.” Malamig ang boses kong wika kay Ryk. Walang emosyon ang mukha kong nakatingin sa binata. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata nito. “What are you saying? We're already engaged! May nagawa ba akong mali? Kung meron man, I'm sorry. Hindi ‘yong ganito na basta-basta ka na lang kakalas sa kasal natin.” May pakiusap na saad ng binata sa akin. “I’m sorry. But, I'm just a replacement of my sister. Ang totoo ay si Jeneth talaga ang nakatakda mong pakasalan. I hope you understand.” Kahit pinipiga ang puso ko ay pinatatag ko ang sarili ko. Hindi ko ipinakita ang sakit na nararamdaman ko. Nakapasok na ang binata sa puso ko at masakit ang bitiwan siya. Pero ito na ang huling pabor na gagawin ko para sa aking ama. “W-what? I don't understand you. Replacement? Wala namang sinasabi ang mga magulang ko tungko-” “Just leave. Replacement lang ako, ‘yon ang totoo. I'm so sorry sa ginawa namin sa pamilya mo at sa iyo. Isa lang ang hihilingin ko sa ‘yo, just accept my sister. ‘Yon lang. And before you leave, please, lock the door.” Malamig kong pahayag sa binata at mabilis na itong tinalikuran bago pa nito makita ang mga luha kong sunod-sunod na pumatak. “Janeth! Let's talk!” pasigaw nitong pakiusap sa akin, ngunit hindi ko na ito nilingon pa. Nang lumapat ang dahon ng pinto ay doon ko pinakawalan ang sakit na nararamdaman ko. Binabawi ko na ang sinabi kong ipaglalaban ko siya. Dahil alam kong wala akong laban, lalo na sa kapatid ko. Jeneth has everything, while me? I'm just nothing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD