TATLONG araw matapos ang tagpo sa bar ay hindi na nila muling napag-usapan ni Cameron ang tungkol doon. Basta nabalitaan na lang niya na pinasara ni Cameron ang nasabing Bar and lounge na pinangyarihan. Nakaka-trauma man ang nangyari sa kaniya pero pinipilit na lamang niyang kalimutan. Nakaalis na rin pala ng bansa si Gab at hindi nila alam kung kailan nila ito muling makakasama. "Mommy, I'm ready!" Napatingin si Charity sa anak niya na lumabas mula sa silid nito. Dala-dala ang maliit nitong bag. Ngayong araw kasi ay ipapasyal nila ito kay Senior Silvestre. Siyempre kasama si Cameron. "Tara na, hinihintay na tayo ng daddy mo sa baba." Hinawakan niya sa kamay ang anak at pinuntahan si Cameron na nasa sasakyan na. "Hindi yata si Servant Kim ang magd-drive?" Usisa niya kay Cameron nang m

