NANG talagang malapit na ang lalaki sa kaniya ay napapikit na lamang ng mariin si Charity at hinintay na lamang dumapo sa mukha niya ang bubog na dala nito. "Stop right there." Tila nag-skip saglit ang pagtibok ng puso ni Charity at pagkaraan ay nakaramdam ng relief nang marinig ang boses ni Cameron. Hindi siya maaring magkamali, si Cameron ang dumating. Dumilat siya at agad nilingon ito. Si Cameron nga! Parang bumalik sa kaniya ang araw na iniligtas rin siya noon ni Cameron sa madilim na eskinita mula sa mga masasamang tao. Gusto niyang maiyak dahil sa emosyong nararamdaman ng mga sandaling 'yon. "Cameron!" Ani Gab na napatayo at tuwang-tuwa nang makita ang kapatid. Walang kangiti-ngiti si Cameron, madilim ang mukha nito, nakakuyom ang mga kamao at kakaiba ang galit na mababakas s

