"ARAY! anong problema mo?" Asik ni Cameron kay Gab nang bigla na lamang dumating itong dumating at pingutin ng huli ang tenga ni Cameron habang nag-aalmusal sila sa may hardin. "Marami akong problema sa'yo!" Pabalibag na umupo si Gab sa isang upuan. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na may anak na kayo ni Charity? Ano may balak ka bang sabihin iyon sa akin?" "Malalaman mo rin naman kasi," tila bale walang sabi ni Cameron na nagpatuloy sa paglantak. Tahimik lamang siyang nakikinig sa tila pagtatalo ng magkapatid. Kahit inabot na sila ng madaling araw ni Cameron kagabi sa pagkukwentuhan ay maaga pa rin siyang nagising dahil may usapan sila kagabi na isasama siya nito sa opisina. Bagay na hindi niya alam kung bakit naisipan nitong gawin. "Where is Calista?" Usisa ni Gab sa kaniya. "Tulog p

