MAHABA ang pinagdugtong-dugtong na table na nasa lanai, naroon ang lahat ng tigasilbi ni Cameron. Naroon na rin sina Gab at Calista na humabol sa lunch, at talagang pinag-shopping ng bonnga ni Gab ang anak nila ni Cameron. Tuwang-tuwa naman si Calista. "Mmy, I really like Aunt Gab, she's so cool!" Komento ni Calista na ikinatawa nila. "Binobola pa ako ng baby na 'yan, hayaan mo at ipapasyal pa kita bukas," sabi pa ni Gab kay Calista. Natigilan si Gab nang makita ang mga niluto ni Charity. - "Wow! Ang sasarap naman! I really love crab-" bigla itong natigilan at nagkaroon ng bahid ng pag-aalala ang mukha nito at tinignan si Cameron. "Pero-" Tinignan ito ni Cameron na tila nag-usap sa mga mata at sinenyasan si Gab. "H-hindi ba kumakain ng crab si Cameron?" Usisa ni Charity kay Gab n

