"SAAN ka galing?" Pinakatitigan ni Charity si Cameron at sabay pinagkrus niya ang kamay sa kaniyang harapan. "Bakit ka nagtatanong kung saan ako galing?" Nakataas ang kilay na saad ni Charity sa kaharap. "Just answer my question," matigas na turan ni Cameron. Tumawa ng pagak si Charity. "Kasama ko ang fiance ko, bakit?" Ayaw sanang sabihin ni Charity ang bagay na iyon, pero gusto niyang makita ang magiging reaction ni Cameron. "That Stefano guy?" Naglakad si Cameron palapit sa kaniya pero tumigil din nang nasa kalahati na. "Sino pa nga ba? Teka, bakit ka ba nagtatanong? Samantalang ako hindi naman ako nagtatanong kapag umaalis at dumarating ka," ani Charity na sadyang matabil talaga ang dila sa tuwinv lasing. Natahimik si Cameron at nanatiling nakamasid lang sa babaeng nasa harapa

