"ANONG ginagawa mo sa sarili mo?! Anong nangyari?" Bulalas ni Charity nang makita ang kaibigang si Milet na nag-ooverdose ng gamot. Hindi kasi ito sumasagot sa mga tawag at text niya kaya naisipan niyang puntahan at isinama nga niya si Stefano na pumayag naman. Dinaluhan niya ang kaibigan na umiiyak at niyakap ito. Hindi niya alam na malaki ang problema nito dahil hindi naman ito nagsasabi. Napakamasayahin ng kaibigan niya at higit sa kanilang dalawa, ito ang pinaka strong. "Iniwan na niya ako, Charity. Hindi ko kaya," anito habang umiiyak. Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito. Basta niyakap na lamang niya ang kaibigan at ipinararamdam na naroon siya at handa siyang makinig at tulungan ito. Tahimik lang na nagmamasid si Stefano at siguro ay hindi nito alam kung ano ang dapat gaw

