PAGBALIK nila sa hardin at dala ang mga kape ay hindi nila nakita si Senior Silvestre at Madam Ada. Lumapit sila kina Milet at Stefano at nagtanong kung nasaan ang mga ito. Nginuso ng dalawa ang isang bahagi ng hardin na malayo kung nasaan sila ngayon. Pagkalapag nila sa kape ay tinungo nila ni Cameron ang bahaging iyon at natanaw nilang tila seryosong nag-uusap ang dalawa. "I think we have no business here," aniya kay Cameron. "Yah. I think so," sagot naman ni Cameron at inakbayan siya nito at tahimik na bumalik at nakipag-umpukan kina Gab. "Mukhang magkakaroon pa tayo ng kapatid, ah?" Natatawang biro ni Gab kay Cameron nang makaupo sila malapit dito. Abala ito sa pakikipaglaro kay Calista. Titang ina talaga ang peg nito. "Shut up. Nakakakilabot ang sinabi mo," masungit na sabi naman

