"NASAAN si Charity?" Tanong ni Cameron kay Gab nang hindi mahagilap ng kaniyang mga mata ang babae. "Hindi ba't ikaw ang kasama niya magmula kanina?" Kunot noong sagot naman ni Gab. "Yah. Pero nagpaalam siya kanina na may titignan lang siya. Calista is looking for her, inaantok na ang bata," aniya sa kapatid. It's almost 12 midnight at inaantok na si Calista kaya hinahanap na niya si Charity para makapagpahinga na sila. May mga ibang bisita pa na nagkakasiyahan at nag-iinuman pero mangilan-ngilan na lamang ang mga 'yon. "Hindi ko naman siya nakita. Maybe we're too busy kaya hindi ko na napansin, wait, itatanong ko siya kina Dra. Lesley," ani Gab na umalis saglit. Halos thirty minutes na niya itong hinahanap at imposibleng hindi niya ito makita lalo na at kakaunti na lamang ang mga bi

