MALAMIG na tubig na sumaboy sa mukha ni Charity ang gumising sa kaniya. Halos hinabol pa niya ang kaniyang paghinga dahil sa tila pagkalunod. Habang nahihirapan pang himulat ang mga mata ay ramdam niyang nakaupo siya sa isang silya at nakatali ang dalawang kamay sa likod, pati ang paa niya ay ramdam niyang mahigpit na nakatali. Kinain ng takot ang buong sistema niya. "Gising na!" Boses ng isang babae. Sa nanlalabong paningin ay tumingin siya sa kaniyang harapan at nakita ang isang babae na nakatunghay sa kaniya, may tatlong lalaki itong kasama na nakatunghay at nakangisi rin sa kaniya. Pilit niyang binalikan sa ala-ala kung bakit naroon siya sa ganoong sitwasyon. Ang huling natatandaan niya ay lumapit ang babaeng nasa harapan niya sa kaniya noon sa resort. Sa pag-aakalang katiwala o nagt

