CHAPTER 83

1084 Words

"SIGE na pumasok ka na, dito na lang ako para makapag-usap kayo ng maayos at masinsinan. Wala pa akong sinabi na kahit ano kay Tita. Ang alam lang niya ay gusto mo siyang makasap," ani Charity kay Cameron nang nasa pintuan na sila ng library. Nasa loob si Madam Ada at hinihintay ang anak. "You sure?" Paninigurado niyang tanong sa babae. Nakangiti itong tumango at bahagya pa siyang itinulak papasok sa library. Napabuntong hininga siya at marahang pumasok sa loob. Siya ngayon ay nakakaramdam ng hiya sa pagharap sa kaniyang ina. Pumapasok kasi sa isipan niya ang mga sinabi niya noon dito. "Cameron," bungad ng kaniyang ina nang makita siya. Garalgal ang tinig nito. Hindi siya agad nakakibo at tinitigan ang babaeng nasa harapan niya. Ngayon niya napatunayan na kamukha pala talaga niya ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD