INAYOS ni Charity ang nagulong buhok at nalihis na tshirt dahil sa kaharutan ni Cameron bago bumaba ng van. Tinototoo nito ang halik lamang, kaso ay may kasamang panghipo at ang halik ay sadyang nakakadarang. Kung wala lang sila sa van ay malamang sa malamang ay bumigay na nman siya sa mga haplos nito, lalo na at aminin man niya o hindi ay nasasabik din siya sa lalaki. "Mamaya na lang natin ituloy?" Pilyo pa nitong bulong habang pinapanood siyang mag-ayos ng sarili. Tinignan niya ito ng masama. "Magtigil ka nga muna sa kaharutan mo?" Angil niya sa lalaki na binigyan lang siya ng nakakalokong ngisi. "Cold hands?" Natatawang sabi ni Cameron nang hawakan siya sa kamay upang alalayang bumaba sa van. "Paanong hindi ako kakabahan, haharap ako sa ama mong demon-" pinigilan niya ang sarili u

