KINAGABIHAN, hindi alam ni Charity kung bakit bigla siyang nilagnat, nanlalamig din siya at hindi talaga maganda ang pakiramdam niya. Baka dahil siguro sa pagligo niya sa dagat kaninang hapon habang malakas at malamig ang simoy ng hangin. Pero dati naman na niyang ginagawa iyon. Namaluktot siya sa gitna ng kaniyang kama at ibinalot ng kumot ang sarili, nais niyang maiyak sa helplessness na nararamdaman ng gabing iyon. Dati naman niyang nararamdaman ang magkasakit at walang ibang nag-aalaga sa kaniya maliban sa sarili niya, at okay lang iyon sa kaniya. Pero iba kasi ngayon, may bata sa sinapupunan niya kaya mas nakakaramdam siya ng takot hindi para sa sarili niya kung hindi para sa anak niya. Wala naman siyang mahingan ng tulong since silang tatlo lang nina Kier at Miss Salve ang nasa isla

