"WHAT are you doing here?" Nakasimangot na tanong ni Cameron kay Charity nang mabungaran ito sa harapan ng pintuan ng kaniyang silid nang gabing iyon. "Gusto ko ng gatas," anito na tila batang nanghihingi ng candy. Nagkasalubong ang kilay ni Cameron. "So?" Sarkastikong turan nito. "Gawan mo ako, please?" "Hindi ka baldado." Tsaka niya nilampasan ang babae at bumaba upang kumain ng dinner. Nakasunod pa rin dito si Charity na nakasuot ng mahabang pantulog. "Hindi nga ako baldado pero ikaw ang gusto kong magtimpla ng kape ko," aniya habang habull-habol ang malalaking hakbang ng lalaki. Biglang humarap ang lalaki sa kaniya at halos bumangga siya sa dibdib nito. "Akala ko bang gatas ang gusto mo at bakit naging kape?" Kunot noong tanong ni Cameron sa babae. Natigilan si Charity at napai

