NGAYON ang unang araw ni Charity sa hospital at hindi siya makaramdam ng saya gaya ng dati sa tuwing nagttrabaho siya. Siguro dahil na rin sa mga bagay na bumabagabag sa kaniya. Pero somehow, hindi niya maiwasang maging proud sa sarili niya sa tuwing naiisip na naharap niya si Cameron noong gabing iyon. "Doc, heto na po ang record ng pasyenteng ipinasa po sainyo ni Dr. Cruz," anang isang nurse at sabay abot sa kaniya ng record ng isang pasyente. "Thanks, Lizzy," aniya sa babae at inilagay sa mga files na naroon ang nasabing record na isa-isa niyang pag-aaralan mamaya. Limang operasyon sa buwan na iyon ang agad na hahawakan ni Charity. Kailangan niyang hamigin ang sarili dahil ayaw niyang sumasalang sa operating room ng magulo o stress ang utak. Maya-maya pa ay pumasok sa private room

