"GRABE napakagandang bata ni Calista, Charity. Kamukhang-kamukha ng-" hindi na tinuloy ni Milet ang nais sabihin at tinakpan ang sariling bibig. Nasa lanai silang tatlo nang mga sandaling iyon, agad nakasundo ni Calista ang kaniyang kaibigan at halos silang dalawa lamang ang nag-uusap. "Teka, dinudugo na yata ang ilong ko sa batang ito," ani Milet na kunwaring pinunasan pa ang ilong. Binalingan siya nito. "Hindi ba ito marunong magtagalog?" Natawa siya sa kaibigan. "Malamang marunong 'yan. Tinuruan ko." Tinignan niya ang anak at sinabihan ng, "Calista, magsalita ka raw ng tagalog, huwag mong pahirapan ang ninang mo." Natakip ng anak ang bibig at humagikhik. "Oh, sorry about that, ninang. Sige po magtatagalog nako," ani Calista na halatang hindi gaanong bihasa sa pagtatagalog pero naka

