"BAKIT namumugto ang mga mo?" Puna ni Stefano sa mga mata ni Charity. Nag-iwas ng tingin ang babae at itinuon sa plato ang mga mata. Kasalukuyan niyang nag-aalmusal at bumaba ito, tulog pa si Calista at sina Madam Ada. "Hey, may problema ba?" Si Stefano muli na hindi niya namalayang nakalapit na pala at sinilip siya mula sa pagkakayuko. "Don't mind me,Stef. May napanood akong drama kagabi and that's the reason." Totoo naman iyon, mahilig siya sa mga tragic movie at ang ending ay namumugto ang mga mata niya. "Oh, ganoon ba?" Lumayo ito at kumuha ng tubig sa ref. Mukhang kagagaling lang nito sa jogging, dahil pawisan pa ito. "Are you free this coming weekend?" Doon niya tinignan si Stefano. "Yeah, by monday next week pa ang duty ko sa hospital and from there for sure busy na naman ako.

