NATARANTA si Charity nang may mga nurses at doctor na nagmamadaling nagtungo sa room ni Servant Kim. Napatayo siya sa kaba, dahil bilang isang doctor kapag ganoon ay alam mo na ano ang nangyayari. Nakita niyang lumabas si Cameron sa silid at bagsak ang balikat nito. Agad niya itong sinalubong. "Cameron-" Nagulat siya nang bigla na lamang yumakap ito sa kaniya. "He's gone..." Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang tahimik nitong pag-iyak na tila nilalabas ang lahat ng nararamdamang bigat. Ginantihan niya ang yakap ni Cameron at hinayaan lamang niya ito sa ganoong ayos. For the first time, she saw him vulnerable. Malayong malayo sa Cameron na laging walang emosyon at sa oras na iyon, alam ni Charity na sobra itong naapektuhan sa pagkawala ni Servant kim. Hindi na rin niya napigilan ang sa

