bc

Hey, I Love You!

book_age18+
16
FOLLOW
1K
READ
revenge
second chance
student
drama
sweet
bisexual
heavy
straight
weak to strong
gay
like
intro-logo
Blurb

When his parents died because of a car accident, and got thrown out out of their own house, Arielle had to work for their living, for his schooling, and for the medication of his younger brother. He's doing everything to give his brother a good life despite of growing up without their parents to raise them. He thought that he already experienced his biggest hardships in life, but a more heartbreaking one will come.

This story is about love: love for family, friends, and the memories with the people you value. This story will test each characters' feelings towards one another as they face the biggest heart-breaking problems in life.

This is the story of Arielle, Alain, Edrien, Diether, Bernard, and KC as destiny brought then to meet each other.

chap-preview
Free preview
First Day!
(Arielle’s POV) "Ang laki pala talaga ng Halo University." Kasalukuyan akong nakatayo sa tapat ng malaking silver gate ng school kung saan ako nagtransfer. May ilang minuto ko na rin itong tinititigan mula dito sa labas at manghang-mangha pa din ako. Kung ganito na ito kaganda sa labas, paano pa kaya sa loob? Napatakip nalang ako sa tainga dahil halos mabingi ako sa lakas ng pagkakabusina sa akin. Agad akong nagpunta sa driver ng sasakyan. "Hoy! Sino ka sa tingin mo para businahan ako? Ano? Dahil nakakotse ka gumaganyan ka? Bumaba ka dyan!” matapang kong sabi habang kinakatok-katok yung bintana. Akala niya matatakot ako sa kanya, kung sino man siya. Bakit ba kasi tinted yung salamin? Dahil first day of school, marami-rami na ring estudyante, siyempre, agaw eksena ang ginagawa ko. Well, I don't care. Mas nilakasan ko pa nga yung pagkatok ko sa bintana. "Lumabas ka dyan kung ayaw mong basagin ko to! Labas!" at mabuti naman, bumukas na yung pinto ng kotse. Masakit na din kase yung kamay ko. "Ikaw! Anong karapatan mo na businahan a-a-ko? Si-si---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil sa isang gwapong nilalang na lumabas sa sasakyan. "Hey! Ano bang problema mo? Haharang-harang ka na nga dyan sa gate, babasagin mo pa yung salamin ng kotse ko!" para siyang tigreng galit with matching kunot ng noo. Pero wow lang huh? At siya pa talaga yung galit? "Ikaw pa talaga may ganang magalit? Eh ikaw nga 'tong makabusina, kala mong hindi ako mabibingi sa lakas. Feeling prinsipe ka masyado dito porque nakakotse ka!" gwapo sana, masama pala ugali. "At ikaw naman? Ang kapal mong magbunganga! Ikaw tong nakaharang dyan, para kang tanga!" Ako? Mukhang tanga? Eh siraulo pala 'to e. "Parang tanga? Ikaw naman mayabang tsaka feeling prinsipe! Mukha ka namang palaka!" "Sinong tinawag mong mayabang? Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. Hindi mo ba ako kilala?" pananakot niya sa akin. Talagang pananakot yung ginawa niya kase, talagang natakot ako. Lumapit pa kase siya sa akin. Malapit na malapit. Tapos tiningnan niya ako ng masama. Hanggang tenga niya lang pala ako. Nakakaloka. Ang gwapo niya talaga. "W-wala akong pakialam kung sino ka! Kala mo natatakot ako sayo?" tapang-tapangan kong sabi. Lalo namang tumalim yung titig niya at mas lumapit pa sakin. Geeezzz, anong gagawin niya? "Alain! Tama na yan! Late na tayo!" at bumaba rin mula sa kotse nung mayabang nato. . . . ang isa ring gwapong nilalang. Lumapit siya sakin, este kay yabang at medyo inilayo sa akin. Gaya ng sinabi ko, gwapo si kuyang lumabas sa kotse. Mas matangkad lang si yabang sa kanya. "Pagpasensyahan niyo na po itong kaibigan ko na to. Pinaglihi lang talaga siya sa sama ng loob." nakangiti siyang sabi, na mas lalo pang nagpaangat ng kagwapuhan niya. Inakay niya papasok sa kotse si. . . Alain? Yun yung narinig kong sabi ni cute guy kanina eh. "Hindi pa ako tapos sayo." pagbabanta niya. Kala naman niya natatakot ako? Well, sa gwapo niyang yan, kahit sinong takutin niya hindi matatakot. Baka nga kiligin pa eh. Nginitian ko pa siya ng nakakaasar, at ang mayabang nayun, naasar nga. Hahaha! One point for me! Pero bago pa man din sila pumasok sa gate, binusinahan na naman niya ako, this time paulit-ulit at muntik pa akong sagasaan. Hayup talaga. So dahil late na ako, parang walang nangyari akong pumasok sa school at iginala ang mga mata ko habang naglalakad. Gaya ng inaasahan ko, sobrang laki ng Halo. Hindi malabong maligaw ako dito. Room 21-A ang unang room ko. At ayon sa napagtanungan ko, sa second floor yun, so akyat agad ako. Walang masyadong estudyante dito. Katakot. Nasa hallway na ako, biglang may lalaking sumulpot at nabangga ako, at. . . ang gwapo niya! Hindi ako nagkamali sa school na pinag-enrollan. Ang daming gwapo dito! Char hahaha Magsasalita sana ako nang bigla niya akong hilahin at nagtatakbo kami. Tapos bigla niya akong ipinasok sa isang room. Basta ang bilis ng mga pangyayari. Hindi kaya? OMG! "Anong gaga---" bigla niyang tinakpan ang bibig ko at lalo pang lumapit sa akin. Bale, magkadikit yung katawan namin at. . . superlapit ng mukha niya sa mukha ko! "Wag ka munang magsalita, please." Ang bangooo ng hininga niyaaaa! Ngayon ko lang din napansin, ang ganda ng mata niya! Medyo matangkad lang siya ng konti sakin. But wait, anong sabi niya? Wag daw akong maingay? "Saan kaya nagtago yung lalaki nayun?" "Natakasan na naman ako ng bwisit nayun! Grrr." "Akala ko ako lang dinedate niya! All this time niloloko niya lang pala akoooo! "Hayup talaga yung lalaki nayun! Baka dun siya nagpunta! Tara girls!" Rinig kong boses ng mga babae mula sa labas ng room kung saan kami nagkukubli ni. . . ano nga ba name nito? Nevermind. At base sa mga narinig ko, siya yung hinahanap nung mga babae. Gwapo sana, babaero lang. A very very big ✘. But then, gwapo siya. "Hayyy. Salamat umalis na din sila!" parang nakahinga na siya ng maluwag at tinanggal na niya yung kamay niya na nakatakip sa bibig ko. Nakatingin pa din ako sa kanya habang siya, tawa lang ng tawa. Baliw yata to eh. Bigla kong naalala na late na pala ako. "So pwede na ba akong lumabas? Wala yung mga babae mo." muli siyang lumapit sakin. "Pasensya na nga pala kanina. Nataranta kasi ako nung nabangga kita, kaya natangay na kita dito. I'm Diether pala." nakangiti niyang sabi sabay abot ng kamay niya, na hindi ko naman tinanggap. "Alam mo ba na dahil sa ginawa mo, Super late na ako sa first class ko. Dinamay mo pa ako sa kalokohan mo! Dyan ka na!" at iniwan ko na siya sa loob. Nakakaloka. Makikipagkamay sana ako sa kanya, kaso naalala ko na dahil sa kanya, late na ako. Kailangan kong pagbutihin ang pag-aaral ko. Lalo na at half-scholar lang ako dito. Di pa nga ako nagbabayad sa kalahati. "Uy! Hindi mo man lang sinabi pangalan mo" at talagang nag-effort pa siya na habulin ako. Kakastress. "At bakit ko naman sasabihin sayo?" binilisan ko pa ang lakad at binilisan din niya yung lakad niya. Problema nito? "Pa-hard to get ka naman. Ganyan ang mga gusto ko." "Pwede ba tigilan mo ako? Wala kang mapapala sa akin. Tsaka naiirita na ako sayo. Nandito na ako sa klase ko. Shoooo! Alis!" tinalikuran ko na siya. Wtf. Nasa loob na yung prof. "Goo--" naputol yung sasabihin ko nang may magsalita sa likod. "Good morning Sir! Sorry we're late!" narinig ko na naman ang pamilyar at nakakairitang boses na iyon mula sa likod ko kasabay ng biglang pag-akbay sa akin. OMG! Don't tell me na kaklase ko siya? "Its okay. This is just an orientation of the subject, basta wag niyo nalang uulitin. Since nasa harap na rin kayo, please do introduce yourself ." sabi nung prof na medyo may edad na. Bigla namang nagsimulang maglakad yung lalaking nakaakbay sa akin, so ang nangyari, pati ako napalakad. "Hello guys! Yung ilan siguro dito kilala na ako. I'm Diether Alcantara, 19 years old, single and ready to mingle." at kumindat-kindat pa siya. Harot talaga ng lalaki nato. Tumingin pa siya sa akin at ngumiti. "Ikaw na." bulong pa niya. Feeling close ah? "Hi po. I'm Arielle Angeles, 18 years old, Ummm.... Nice meeting you all." nakangiti pa akong nilibot ang paningin ko sa lahat, pero nawala yung ngiting yon nang mapatingin ako sa bandang likuran. Isang lalaking ang sama ng tingin sa akin ang nakita ko. Fvck! Bakit nandito siya? Napalakad na naman ako ng wala sa oras nang muling maglakad yung nakaakbay sa akin. Feel na feel niya talaga. Huli na nang mapansin ko na sa likod niya ako dinala, sa tabi nung Allan na masama yung ugali, at ni cutie guy na hindi ko pa din alam yung name. At gaya kanina, ang sama pa din ng tingin nung Alain sa akin. "Guys. . . si Arielle pala. My new found friend." pagpapakilala sa akin ni Diether. Wow ha? New found friend? Ano tingin niya sakin? Aso? Pero wait, magkakakilala sila? "Tsss. Bakit kasama mo yan? Kelan ka pa natutong dumikit sa pangit?" Woah! Anong tinawag niya sakin? Pangit? "Sana man lang nanalamin ka bago mo sinabi yan. Kung ayaw mo sa pangit, ako din naman. Ayoko sa mga katulad niyo." galit kong sabi. Kala naman niya magpapatalo ako sa kanya. "Magkakilala kayo?" tanong ni Diether. Kumakamot pa siya sa ulo na parang nagtataka. Kala naman niya kinapogi niya yon. "No!" sabay naming sigaw ni Alain kaya napatingin sa amin ang karamihan sa room, including si prof. "What's going on there? Take your seat! Give respect sa mga nagpapakilala dito sa harap." maotoridad na sabi ni prof. G na G na po siya. So kahit ayokong umupo sa tabi niya, umupo na rin ako. So bale ganito kami nakaupo: si Mr. Babaero, Ako, si Mr. Yabang, and si . . . ano nga ulit name ni Cute guy? Natahimik nalang ako dahil natahimik na din naman si Alain. Hahahaha. So nakinig nalang ako sa mga nagpapakilala at wala naman akong natandaan kahit isa. Hanggang sa yung dalawa na dito sa tabi ko yung magpapakilala. "Hello! I guess yung iba dito kilala rin ako. I'm Edrien Innoncillo, 19 years old and mahilig ako sa mga ball sports. Nice meeting you guys." So Edrien pala name niya. So cute naman. Nakangiti pa siyang bumalik sa upuan niya. Nakita kong ngumiti din siya sakin kaya nginitian ko na din siya. Ang cute cute niya. Kapangalan pa niya yung younger brother ko. "I think most of you inside this classroom have already know me by name. I'm Alain Austria. Hindi ko na kailangang ipakilala ng husto ang sarili ko. Ang akin lang, matututo kayong lumugar, lalo na sa mga hindi pa ako kilala ng lubusan." Hype talaga tong lalaki nato. Hindi pa deretsuhin na ako talaga yung pinapatamaan niya. Gusto pa yata niya, magtaas ako ng kamay at sabihin sa lahat na ako yung tinutukoy niya. Hype ka. At naupo na nga siya nang hindi man lang ngumingiti sa kahit sa sino sa classroom nato. Hindi na nga niya hinintay na paupuin siya si Sir. Bastos talaga. ••••• So yun na nga, pauwi na ako dahil course orientation pa lang ang naganap sa dalawang subject namin sa araw na ito. Tsaka okay nga na maaga kami nadismiss, para may dagdag oras ako sa trabaho ko. Yes po, nagwo-work na ako, para sa amin ng kapatid ko. The reason why I am working? Wala na din kaming magulang. Its just me and my younger brother. But that's a very long story. Baka maiyak pa ako. "Adrian, nandito na ako." alam ko kasing nandito na siya. Hanggang 2:30 lang klase niya. 3:30 na. Grade 5 na siya. "Kuyaaaaaaa!" tuwang-tuwa siya na nagtatakbo papalapit sa akin at niyakap ako. Ganyan siya ka-sweet sa akin. Siguro dahil kami na lang dalawa ang magkasama. "Teka, bakit may hawak kang walis? Di'ba sabi ko ako na gagawa nyan? Baka mapagod ka." nakakalungkot isipin na mahina ang puso niya. Nadadalas na nga siyang atakihin nitong nagdaang buwan. "Hayaan mo na Kuya, wala naman akong masyadong ginagawa. Tsaka alam kong pagod ka from school, tapos may trabaho ka pa. Ummm. . . basta kuya wag kang magpapagod, baka ikaw naman magkasakit." sabi niya habang inaabutan ako ng maiinom. "Opo" boses bata kong sabi. "Basta Kuya pasalubong ko ah?" "Oo na. Kailan ba kita hindi inuwian ng pasalubong? Gusto mo may kape pa eh." Sa coffeeshop kasi ako nagtatrabaho. Taga-gawa ako ng deserts at minsan, nagseserve na rin ako. Depende sa hinihingi ng oras at pagkakataon. I am working sa Cafe Principé every Saturday, Sunday, holidays, or basta walang pasok at may free time ako. Buti nag-agree yung boss ko sa ganong setup, thank God at sobrang bait niyang boss. Alam din niya kasi yung kalagayan namin ngayon, lalo na ng kapatid ko. "Sige Kuya. Dun lang ako kela Kuya Ivan" at nagtatakbo siya palabas. "Wag kang masyadong magpapagod!" pahabol kong sabi sa kanya. Mahirap na, baka atakihin na naman siya. Lalo ngayong dumadalas na yung hindi siya makahinga ng maayos. Nadadaan naman sa gamot, pero nag-aalala pa din ako. Nawalan na ako ng magulang. Ayokong pati siya mawala sakin. Siya nalang ang mayroon ako ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.9K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

Rewrite The Stars

read
101.5K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.8K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook