(Edrien's Point of View)
"Totoo ba? HAHAHAHA!" kanina pa tawa ng tawa si Diether. Maaga kaming na-dismiss ngayong araw kaya umuwi nalang kaming tatlo. Actually, sa iisang bahay lang kmi nakatira, kulang pa nga kami eh, wala pa yung dalawa. 7 pm na.
"Tumigil ka Diether kung ayaw mong sa labas matulog!" galit na sabi ni Alain na habang busy sa kaka-cellphone. Naikwento ko kasi yung eksena ni Alain ay Arielle kanina.
"Natatawa lang ako. Nakakatuwa talaga si Arielle. Ewan ko ba sayo kung bakit ang init-init ng dugo mo sa kanya." ani Diether.
"Itutulad mo ako sayo na kung kayni-kaynino nakikipagkaibigan, kung kayni-kaynino nakikipagrelasyon."
"Grabe ka naman pre!" parang tinamaan ng konti si Diether don. Well, ganun talaga si Alain. Ako nga sanay na eh.
"Hoy, Edrien! Anong iniiling-iling mo dyan?"
"Wala." bigla namang tumayo si Alain, kasabay ng pagdating ni KC. Siya yung sinasabi ko na isa doon sa kaibigan namin na wala pa. He's Kean Christian Evangelista. Siya ang pinakamatanda sa aming lima (20 years old) and guess what? May sarili siyang coffeeshop dito sa Bulacan, may mga branch na yung coffeeshop sa Pampanga and some parts in Manila . Sa Halo din siya nag-aaral, but hindi namin siya kaklase.
"Saya natin ah? Anong meron?" mukhang kagagaling lang niya sa coffeeshop. May bitbit siyang cake.
"Nandyan ka na pala 'pre. Wag kang makinig sa mga yan. Nasisiraan na sila ng ulo." kalmadong sabi ni Alain pero halata mo pa ding iritado. Hirap pa din siya sa pagtatagalog, nakakatawa pa rin yung ilang words na pinopronounce niya.
"Uy cake!" kinuha ni Diether yung cake mula kay KC. Adik kase to sa desserts.
"Teka, ngayon ka lang ulit nag-uwi nito ah? Sigurado ka bang pwede tong kainin?"
Oo nga pala. Yung dati niyang tagagawa ng dessert, simula nung ma-broken, palaging masama yung lasa ng ginagawa. Minsan lang kung makatsamba na medyo maganda yung lasa. Ayun, tinanggal na niya.
"Oo. Lumipat ng school yung dati kong baker. Siguradong masarap yan. Masarap gumawa ng dessert yung bago kong baker." agad kumuha ng platito at tinidor si Diether. Mawa.
"Just make sure na may matitira for me. I'm going to sleep. Hoy Diether, kilala kita. Magtira ka." sabi ni Alain sabay akyat sa kwarto niya.
"Problema nun?"
"Nagtaka ka pa talaga? Para namang hindi ka sanay sa ugali non." si Diether habang kumakain ng cake.
"Problemado yun. Nakahanap ng katapat." natatawa kong sabi.
"Nga pala, speaking of problemado, yung nagbake ng cake na yan, maagang nag-out. Inatake na naman yung kapatid niya. Isinugod niya sa hospital"
"Kawawa naman. Bakit siya pa nagpunta? Pwede namang yung parents niya." umeksena na naman si Diether kahit may laman yung bibig niya. Baboy.
"Wala na siyang mga magulang. Sa totoo nga niyan, nagtatrabaho siya para sa kanila ng kapatid niya, tsaka para makapag-aral siya." kawawa naman.
"Kawawa naman siya. Teka, di'ba sabi mo nag-aaral siya? Saang school?" muling sabat ni Diether. Alam niyo kahit babaero yan, sobrang bait niyan hahaha
"Sa Halo."
"Ohhh. Gusto ko siyang makilala. Baka pwede natin siyang matulungan?"
"Ano ba name niya?"
"Ar- - -" naputol yung sasabihin niya nang pumasok si Bernard, ang kukumpleto sa barkada. He's Bernard Sevilla, 18 years old and sa Halo siya nag-aaral at sobrang hilig niya sa iba't ibang sports, kagaya ko. Bestfriend siya ni KC.
"Hey! Bakit ganyan itsura mo?" natatawang sabi ni KC. Halos magdugtong na kase yung mga kilay niya sa dobrang pagkakakunot. Hula ko, nag-away na naman sila.
"Nag-away na naman kayo ni Christine? Hahahaha! Kung puro kase kayo away, maghanap ka na ng iba! Daming babae dyan." singit ni Diether.
"G*go! Igagaya mo naman ako sayo!"
"Hahaha Eto yung cake. Kainin mo para medyo tumamis-tamis yang pagmumukha mo!" alok ni Diether na tinanggap naman niya agad.
"Akina nga. Wag na kayong mang-iistorbo. Matutulog na ako." at umakyat na siya sa taas, nasa second floor kasi lahat ng kwarto namin. Sumabay na din sa kanya si KC
"Matutulog na din ako. At siguro, itatabi ko na to." inilayo ko na sa kanya yung cake dahil mangangalahati na yung nakakain niya. Knowing Diether kaya niyang umubos ng maraming ganito.
Matapos itabi yung cake, wala na akong nadatnan sa sala. Naisipan ko munang maglakad-lakad. Lumabas ako ng bahay at pumunta ng park.
Ganito ang gusto kong setting, tahimik at maaliwalas. Malapit kasi ito sa hospital. May mga convenient stores at fastfood rin sa tabi-tabi kaya kapag inabutan ka ng gutom, may pwede kang puntahan.
Umupo ako sa isang bench na malapit sa puno. May kaunting liwanag na nanggagaling sa poste ng ilaw. May mangilan-ngilan pa ring tao dito kahit gabi na. Muling nagbalik sa isip ko yung panahon na kasama ko pa siya dito. Nung panahong nandito pa siya.
**Third Person's POV**
"Anong oras ka ba umuwi kagabi? Tsaka saan ka ba nagpunta? HAHAHA! Pare tingnan mo yung itsura mo! Para kang nasapak! HAHAHAHA!" tawang-tawa si Diether habang tinuturo-turo ang mga mata ni Edrien. Nasa classroom sila at hinihintay ang subject teacher na dumating. May mangilan-ngilan na ring estudyante sa loob pero marami pa rin ang wala.
"Wag mo akong pakialaman. Puyat ako." sabi ni Edrien habang nakayuko sa desk.
"Siguro galing kang motel no?" ngising tanong ni Diether.
"Igagaya mo naman ako sayo."
Hindi na rin kinulit ni Diether si Edrien dahil wala siya sa mood makipag-usap. Unti-unti nang nagpupuno ang room, ngunit wala pa rin si Arielle. Hindi naman iyon gaanong pansin dahil wala pa naman siyang gaanong kakilala at kaclose sa room.
At hindi na nga siya nakapasok ng araw na yon, pati sa mga sumunod pa. At gaya ng sinabi ko as narrator, hindi iyon pansin.
"Tinawagan ako ni Tita Loi. She asked me about Arielle, kung bakit daw hindi siya nagpapapasok." sabi ni Diether kay Adriane. He's pertaining sa kapatid ng Dad niya na uma-assess sa mga piling scholar ng Halo. She's also the guidance councilor ng Halo.
"Oo nga noh? Bakit kaya? Ano pa bang sinabi ng Tita mo?" tanong ni Edrien. Silang dalawa lang ni Diether ang nasa sala. Si Alain at Bernard ay nasa sari-sarili nitong mga kwarto, habang si KC ay nasa coffeeshop pa.
"Pakiinform daw si Arielle na pumasok na. Hindi daw pwede na mag-aabsent siya ng walang pasabi kahit kakasimula pa lang daw ng pasukan. Makakaapekto daw yun sa pagiging scholar niya."
"Scholar siya? So siya pala yung naririnig ko sa mga classmate natin." ani Edrien. Napapatango nalang siya.
"Yun nga ang kinagulat ko. Iilan lang ang scholar sa Halo. Swerte siya."
"Oo nga. So, nainform mo na ba siya?"
"Isa pa yan. Wala akong number ni Arielle." sabi ni Diether sabay inom ng juice.
"Who's Arielle?" Hindi nila napansin ang paglapit ni Bernard. Galing siya sa kwarto at bababa sana para kumuha ng makakain.
"Nandyan ka pala. Wala yun, classmate namin. Kanina ka pa ba?" tanong ni Edrien.
"Hindi ah. Kararating ko lang." napahinto siya sandali. "Siya yung scholar sa Halo di'ba?"
"Akala ko ba kararating mo lang?" tanong ni Diether.
"Konti lang naman yung narinig ko." napahinto siya ulit. "Bakit hindi niyo siya itext?"
"Hahaha! Wala kaming number non!" natatawang sabi ni Edrien.
"I-message niyo sa f*******:, instragram, twitter, mag email kayo ganon."
"Sinubukan ko na. Hindi ko makita account niya." umiiling pa si Diether.
"Sa Tita mo? Di'ba siya nag-aassist sa mga scholar?"
"Hindi ko macontact."
"Try mo humingi ng tulong kay Alain. Paano pa't naging anak siya ng may-ari ng Halo." suhestiyon ni Bernard. Nangiti ang dalawa sa narinig.
"Henyo ka talaga. Salamat 'pre!" si Diether at nagtatakbo paakyat sa kwarto ni Alain.
(Diether's Point of View)
*tok tok tok tok*
"Pre gising ka pa?" ganito palagi pag may kailangan kami sa kanya. Ayaw niyang basta-basta pumapasok sa kwarto niya.
"Ano?" Nakakunot noo niyang sabi pagkabukas ng pinto.
"Kailangan namin ng tulong mo, its about Arielle kasi k- - -" Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.
"Ayoko." sabay sarado ng pinto. Hayyss. Sinubukan kong katuk-katukin yung pinto pero di niya binuksan, meaning ayaw niya talaga. Pero tinext ko pa din siya na kung pwede hingin niya kay Tito yung mga infos ni Arielle, lalo na yung cellphone number at email.
"Huhulaan ko, hindi siya pumayag?" tanong ni Edrien..
"Ano pa nga ba?" Napailing nalang ako. Kahit kelan talaga yung lalaki nayon.
"So pano gagawin natin? Hihintayin nalang siyang pumasok?" si Edrien.
"Parang ganon na nga. Pero pansin ko lang, masyado niyo namang pinoproblema yung tao na yan. Kung sino man yang Arielle nayan." May point siya.
"Tama ka naman. Pero iba siya sa mga kilala kong gays, and even bisexuals." sabi ko.
"You mean you like him?" nanlaki yung mga mata ni Bernard.
"Hell no!" napatigil ako ng konti. "It's just that, may mga bagay kang kabibiliban at magugustuhan sa kanya."
"Like what?"
"Nagkasagutan sila ni Alain nung first day. Ay mali, inaway niya si Alain nung first day." natatawang sabi ni Edrien. Isa yan hahaha! Walang umaaway kay Alain kasi nga, anak siya ng may-ari ng Halo University. Siguro hindi pa alam ni Arielle.
"Hahahaha! Totoo? Ang tapang naman niya kung ganon! In that case, he's kinda interesting nga." si Bernard na mangiyak-ngiyak pa kakatawa.
"Ganyang-ganyan din ang reaction ko nang malaman ko yan."
"Parang gusto ko na ding makilala yang Arielle na yan. Well, aside from that scene, what else?"
"Ummm.. Yu- - -" napatigil sa pagsasalita si Adriane nang may maglapag ng folder sa harap namin.
Pagkatapos ay umalis na rin bigla at bumalik sa room niya.
Nangiti kami ni Edrien sa isa't isa. Tila pareho kami ng iniisip.
"Ayan Bernard. Si Arielle lang nakapagpagawa niyan kay Alain hahahaha!" tawang-tawa kami sabay apir.
"Grabe pare! Sa tinagal-tagal nating magkakasama, ni minsan hindi sumunod sa utos natin si Alain. Kahit ano man idahilan natin sa kanya, hindi siya sumusunod. Anong himala yun? Hahaha!" namamanghang sabi ni Bernard.
"Baka may sakit?" Natatawa ring singit ni Edrien.
"At nag-abala pa siyang i-print?" sabi ko habang hawak yung folder. Binuksan ko at binasa.
"Name, Arielle Vergara Angeles. Age, 18. Birthday, August 31. Uy malapit na birthday niya hahaha" napatawa pa kami ng bahagya.
"Wag ka na magcomment. Mamaya na yan. Tuloy." sabat ni Edrien. Naging interisado naman ata siya bigla.
"Haha sige. Father, Alexander Angeles, deceased. Mother, Angelou Angeles, deceased." naging mabagal ang pagbasa ko. Hindi ko alam na wala na pala siyang mga magulang.
"Sa tingin ko, hindi na natin dapat basahin yan." seryosong sabi ni Edrien.
"Sa tingin ko rin." kinuha ko sandali yung number at email ni Arielle.
"Heto. Ibalik mo na kay Alain. Sabihin mo itago niya." seryoso kong sabi. Nag-iba yung mood naming tatlo.
"Ha? Bakit ako? Ikaw na magsoli niyan!" pagtanggi ni Edrien.
"Ikaw yung bestfriend di'ba?"
"Sabi ko nga." agad siyang sumunod at pinuntahan sa kwarto si Alain. Ang kailangan ko nalang gawin ay tawagan si Arielle.
(Arielle's Point of View)
"Kuya umuwi na tayo. Sige naaa" kahapon pa ako kinukulit ng kapatid ko na umuwi. Four days na siyang nasa hospital at ako naman, 3 days nang hindi pumapasok sa school.
"Hindi pa pwede. Di'ba sabi ni Doc kailangan mo pa magpagaling?" pinipilit niya ako na umuwi na kami. Papaano pa ako papayag na umuwi siya agad? Pinapangunahan ako ng takot. Takot na maulit na naman yung nangyari nung lunes.
Nasa coffeeshop ako nun at nagtatrabaho. Tinawag ako ng katrabaho ko, kanina pa daw nagriring yung cellphone ko. Tinawagan ako ng kapitbahay namin at nalaman kong hinimatay na naman si Adrian. Madali kong kinuha ang mga gamit ko at nagpaalam sa boss namin, pero inihatid pa niya ako.
"Ayoko na kasi dito Kuya. Nakakatakot yung nurse na chumecheck sakin." natawa nalang ako sa rason ng kapatid ko.
"Wag kang makulit. Hindi pwede."
"Pero Kuya, kung magtatagal ako dito, lalaki bayarin mo sa hospital. May pambayad ka?" napaisip ako bigla. Tama naman siya. Grabe mang-realtalk itong kapatid ko.
Well may naitabi naman akong pera. Yung pambayad namin sa renta ng bahay, tsaka yung pambayad ko sa kalahati ng tuition ko. Remember na half-scholar ako? Medyo kukulangin pa na pambayad sa hospital pero konti nalang naman yung kulang. Bahala na.
"Hmmm.. Meron naman?" unsure kong sagot. Napatawa nalang yung kapatid ko.
"Hay nako Kuya. Tara na kasi. "
"Hindi pwede."
"Nung Saturday pala Kuya pumunta sa atin yung matabang babaeng mangkukulam, hinahanap ka." tinutukoy niya yung may-ari ng inuupahan namin. Three months na aming hindi nagkakabayad. Well, nakatabi naman yung pera, hindi ko lang binabayad. Incase na kailanganin ko. Gaya ngayon.
"Kakausapin ko nalang siya. Ang importante, magpagaling ka." pinilit ko pang ngumiti sa harap niya sa kabila ng mga problema na ibinabato sa amin ng tadhana. Basta magkasama kami, kakayanin namin ang lahat.