Crush

1917 Words
(Arielle's Point of View) "Kuya umuwi na tayo. Sige naaa" kahapon pa ako kinukulit ng kapatid ko na umuwi. Four days na siyang nasa hospital at ako naman, 3 days nang hindi pumapasok sa school. "Hindi pa pwede. Di'ba sabi ni Doc kailangan mo pa magpagaling?" pinipilit niya ako na umuwi na kami. Papaano pa ako papayag na umuwi siya agad? Pinapangunahan ako ng takot. Takot na maulit na naman yung nangyari nung lunes. Nasa coffeeshop ako nun at nagtatrabaho. Tinawag ako ng katrabaho ko, kanina pa daw nagriring yung cellphone ko. Tinawagan ako ng kapitbahay namin at nalaman kong inatake na naman si Adrian. Madali kong kinuha ang mga gamit ko at nagpaalam sa boss namin, pero inihatid pa niya ako. "Ayoko na kasi dito Kuya. Nakakatakot yung nurse na chumecheck sakin." natawa nalang ako sa rason ng kapatid ko. "Wag kang makulit. Hindi pwede." "Pero Kuya, kung magtatagal ako dito, lalaki bayarin mo sa hospital. May pambayad ka?" napaisip ako bigla. Tama naman siya. Grabe mang-realtalk itong kapatid ko. Well may naitabi naman akong pera. Yung pambayad namin sa renta ng bahay, tsaka yung pambayad ko sa kalahati ng tuition ko. Remember na half-scholar ako? Medyo kukulangin pa na pambayad sa hospital pero konti nalang naman yung kulang. Bahala na. "Hmmm.. Meron naman?" unsure kong sagot. Napatawa nalang yung kapatid ko. "Hay nako Kuya. Tara na kasi. " "Hindi pwede." "Nung Saturday pala Kuya pumunta sa atin yung matabang babaeng mangkukulam, hinahanap ka." tinutukoy niya yung may-ari ng inuupahan naming bahay. Three months na aming hindi nagkakabayad. Well, nakatabi naman yung pera, hindi ko lang binabayad. Incase na kailanganin ko. Gaya ngayon. "Kakausapin ko nalang siya. Ang importante, magpagaling ka." pinilit ko pang ngumiti sa harap niya sa kabila ng mga problema na ibinabato sa amin ng tadhana. Basta magkasama kami, kakayanin namin ang lahat. *This is a shout out to my ex Heard he's inlove with some other chick* Biglang nagring yung cellphone ko. 0936*******. Hindi nakaregister sa phone ko, Hala? Sino naman kaya to? Pero di ko pa feel sagutin kaya sinabayan ko nalang muna yung ringtone ko. Ganda kasi we. "... Yeah yeah, that hurt me, I'll admit . . . Forget that boy, I'm over it. . . I hope she's getting better s*x. . Hope she a- - -" "Sasagutin mo ba yan o kakanta ka nalang? Kuya ampanget ng boses mo!" ang lakas talaga mang badtrip nitong bata nato. Kung hindi lang siya bata, baka binugbog ko na to. "Eto na nga oh? Sasagutin na. Shatap ka muna dyan." kakaloka naman kasi tong tumatawag na to. "Hello?" "Hello? Is this Arielle?" parang pamilyar yung boses. "Ako nga. Sino ba to?" "Awts. Ako to, si Diether mo to. Nakalimutan mo na ako agad? Kakatampo ka po." siya lang pala. Pero anong sinabi niya? Diether ko daw siya? Ewe! "Bakit ka ba tumawag? Gabi na po kaya." "Namimiss na kase kita, baby ko." What the? Anong baby? Napansin kong nagulat si Adrian sa narinig niya. Naka-loudspeaker kase. "Alam mo, DIETHER, kung wala ka namang sasabihing maganda, ibaba ko na to." medyo diniinan ko yung pagkakasabi ng pangalan niya para isipin niyang galit ako, kahit medyo nakakakilig. Medyo lang. "Sandaliiii! Ikaw naman baby di ka mabiro. Nasaan ka ba ngayon?" bakit ba may baby pa? "Bakit mo naman naitanong? Ano naman sayo kung nasaan ako, DIETHER?" "You know Ma'am Loi? Yung nasa guidance? Hinahanap ka niya. Ilang araw ka na daw hindi pumapasok. Kailangan mo daw magreport sa kanya. Makakaapekto daw sa scholarship mo yung hindi mo pagpasok, tapos wala pang pasabi." Hala? Alam na niya. "Ohhh. Ganun ba? Pakisabi nalang na next week siguro ako papasok. May. . . may inaasikaso lang akong importante." *tok tok tok* "Excuse me, kailangan na pong magpahinga ng pasyente." biglang singit ng nurse ni Adrian. Paepal naman masyado haha. Tumango nalang ako sa kanya, mabuti naman at umalis na siya. "Nasa hospital ka?" Patay. Narinig niya. "Ha? Wala ah! Sige na, bye!" Anubayan. Kung anu-ano na nalaman ng lalaki nayon tungkol sa akin. Haysss. Pero saan niya nakuha yung number ko? "Hoy ikaw! Narinig mo yung nurse mo di'ba? Magpahinga ka na!" "Sino yung tumawag Kuya? Boypren mo?" nagulat ako sa sinabi niya. Jusko! Ke-bata-bata pa, kung anu-ano na nalalaman. "Ikaw no? Kung anu-ano na nalalaman mo! Magpahinga ka na nga sabe eh." "San ka pupunta? Iiwanan mo ako?" "May bibilin ako. Sandali lang ako." Napasandal nalang ako sa pintuan ng kwarto ni Adrian. Ang dami-daming problema ang dumadating. Ang daming gumugulo sa akin. Including yung mga expenses namin. *This is a shout out to my ex Heard he's inlove with some other chick* Nagring na naman yung cellphone ko. Its the same unregistered number na tumatawag kanina. Si Diether na naman. Baka mangungulit na naman, so hindi ko nalang sinagot, wala ako sa mood. "Arielle.." napalingon ako bigla sa tumawag sa akin. Hala? Anong ginagawa niya dito? "Sir? Bakit nandito kayo?" "Masama bang pumunta? Haha." nakangiti niyang sabi. Ang gwapo talaga ni Sir. "Hindi naman po sa ganun hehe" "Ilang araw na daw kase hindi pumapasok sa school, pati sa coffee shop. Kaya nga pinuntahan na kita dito" "Kaynino niyo po nalaman?" "Kay Kia and Armilin, nagtatrabaho din sila sa coffee shop. Classmates mo sila." Classmates? Hindi ko naman sila kilala haha. "Eh Sir, hindi ko po sila kilala hehe" "Wag mo na nga ako tawaging Sir. Wala naman tayo sa coffee shop. KC nalang itawag mo sa akin." "Opo Si- - este KC" "Isa pa palang dahilan yung bakit ako nagpunta dito, here. Take this." nag-abot siya ng sobre. "Pero.. hindi ko po pwedeng tanggapin to." "Isipin mo nalang na sweldo mo yan, doble nga lang. Alam kong marami-rami kayong expenses ngayon. Makakatulong sayo yan. And regarding about your brother, pwede na siyang i-discharge bukas." "Maraming salamat po." "One more thing. Wag mo na ako pinopo. Parang ang dating sakin ang tanda ko na hahahaha" "Ah okay - -" naiilang pa din ako. "And by the way, I have to go. I need to give this to my housemates. Gustong-gusto nila yung cake na gawa mo. And, take this also. Alam kong nakakatawa na bibigyan kita kahit ikaw gumawa niyan. Pero sayo na yan hahaha" inabutan niya ako ng cake. Doon ko lang napansin na may bitbit siyang dalawa. "Salamat po." "Bye. Kita kits sa coffee shop." At umalis na siya. - - - - - Sunday. Since walang pasok si Adrian ay naisipan ko siyang isama sa coffee shop, para na rin mas mabantayan ko siya. Ipinagpaalam ko muna sa boss ko syemre. Mabilis naman niyang nakasundo yung mga katrabaho ko, lalo na si Sir KC, close na close na nga sila eh. Actually nagvolunteer si Sir na siya nalang daw magbabantay kay Adrian dun sa office niya. Nakilala ko na din yung sinasabi ni Sir na mga classmates ko, na hindi ko naman kilala haha. And believe it or not, we're bessies na. "Ummm.. Arielle, pwedeng ikaw na kumuha ng order nung dalawang yun? Kanina pa kasi sila nag-aaway. Nakakatakot si Ate gurl." si Kia habang tinuturo-turo yung lalaki at babae na nakaupo sa may left part ng coffee shop. Nakaharap sa gawi namin si Ate gurl na talak ng talak tapos nakatalikod samin si Kuya. Buti wala pa kaming gaanong customers kasi for sure, gaya ko, maiirita rin sila kay Ate gurl. "Ah sige." Papalapit ako kela Ate gurl and my God! Super lakas ng boses niya! Kakairita. "So ito yung naiisip mong solusyon? Ang makipagbreak? The hell naman babe!" malakas na sabi ni Ate with matching hampas pa sa table. Kahit naman siguro ako, kung ako si Kuya, ganun din gagawin ko. "Why not? Its the only thing I see para matapos na lahat ng pag-aaway, pagdududa at pagbubunganga mo. Nakakasawa na, CHRISTINE. Ayoko na ng puro away at pagtatalo. Itigil na natin to." kalmadong sabi ni Kuya. Kasalanan naman pala si Ate gurl. "Ah.. Excuse me, Sir.. Ma'am.. can I hav- - -" "Hindi mo ba nakikita na nag-uusap kami?!" ang sarap patulan ni Ate. Sigawan daw ba ako? "Pasensya na po." Kailangan ko pa ding magtimpi lalo't nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho. "I think bago ka lang dito. Yung usual na inoorder ko, yun yung akin." sabi ni poging guy. OMG! Did I just say pogi? Oh Sh*t! Pogi nga! "Two minutes Sir. Excuse me po ulet." buti nalang pogi si Kuya. Kakawala ng stress na dulot ni Ate gurl, na tinawag niyang Christine. "At nagawa mo pang umorder?" rinig ko pang talak ni Ate gurl. "Ummm.. Armilin, kilala niyo mo yun? Yung lagi daw niyang inoorder yung kanya." tumingin sila doon sa gawi nila Poging guy. "Si Bernard yun. Isang cappuccino, orange juice na walang yelo pero malamig, tsaka isang slice ng dark chocolate cake." wow. Kabisado niya? Ganun ba kadalas si pogi dito? In fairness, Bernard pala name niya. "Si Bernard pala yun. Di ko napansin." Singit pa ni Kia. Seriously, di ko knows si Pogi. "Sino ba yun?" Tanong ko. Kaka-curious eh. "Hindi mo kilala si Bernard?" natatawang sabi ni Armilin. Eh sa di ko kilala eh ? "Ikukwento ko sayo mamaya. Dalin mo muna to kay Fafa B." si Kia na nangingiti pa. Siguro crush niya si Bernard. Well, interesting naman yung Bernard. Gwapo, matangos ang ilong, brown eyes, my God! "Fine! Kung iyan ang gusto mo!" muli ko na namang narinig ang nakakairitang boses ni Ate gurl. Iskandalosa masyado. Kitang ayaw na nga ni Pogi sa kanya. "Excuse me Sir. Here's - - - " biglang hinawi ni Ate gurl yung hawak-hawak kong tray, so ang ending? Tumapon sa akin yung hawak ko. Grrrr! "Ikaw kanina ka pang bakla ka! Hindi mo ba nakikitang nag-uusap kami? Bastos ka!" sasampalin na sana niya ako nang salagin ni Pogi yung kamay niya na dapat sana ay lalanding sa maganda kong mukha. Gawa ng nangyari, nasa amin ngayon ang attention ng lahat. "Iyan ba ang sinasabi mo na hindi ko dapat pakawalan? Mas lalo mo lang pinapakita sa akin na tama lang na makipaghiwalay ako sayo." seryosong sabi ni Bernard a.k.a. Poging guy. "Anong nangyari?" dumating na si Sir kasama yung kapatid ko. "Kuya anong ginawa niya sayo?" "Adrian, dun muna tayo. Bawal sa bata yung makikita at maririnig mo." inilayo ni Kia si Adrian. "Ang mabuti pa Christine, umalis ka na. Bago kita ipakaladkad sa guard, o kaya ako na mismo ang hihila sayo palabas." Sumeryoso din si Sir KC. Nahiya tuloy ako sa nangyari. At dahil no choice si CHRISTINE a.k.a Ate gurl, umalis na nga siya, with taas kilay. Kung hindi ako nakapagpigil kanina, nakalbo ko na siya. "Okay ka lang ba?" biglang tanong sakin ni Sir KC. Nahiya naman ako bigla. "Ikaw naman kolokoy ka, bakit di mo pinigilan yung dragon mong girlfriend na mag-eskandalo sa coffeeshop ko?" kinutusan pa ni Sir si Bernard. Teka, magkakilala sila? "Kaya nga nakipagbreak na ako sa kanya." "Woah! Buti naman at nauntog ka na?" natatawang sabi ni Sir KC. "Nga pala, Arielle, si Bernard pala. Isa sa mga bestfriends ko." pagpapakilala ni Sir kay Bernard. MGA bestfriends talaga? Seriously? "Hello po. Sorry po pala sa nangyari." "No, its my ex's fault. Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa niya sayo." kinamayan niya ako. Geezzzz! "Magkamabutihan pa kayo? Hahaha. Arielle may extra shirt ako sa office. Gamitin mo muna." "Okay po. Mauna na po ako. Magpapalit muna ko." pagpapaalam ko sa kanina. "Samahan na kita magbihis? Haha joke lang." pahabol pa ni Bernard. s**t.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD