Friends

2241 Words
(Edrien's Point of View) "HAHAHAHA!" napuno ng halakhak ang LR namin. Sa lakas ba naman ng boses ni Diether. Nalaman kasi naming nakipagbreak na si Bernard sa girlfriend niya. Buti naman! Hahaha! "Kaya nga nag-uwi ako ng cake." natatawa ring sabi ni KC. "This calls for a celebratioooooon! HAHAHA! Bibili ako ng makakain" nagtatakbo palabas si Diether bitbit yung susi ng kotse niya. 9 pm na. San bibili yun? "Magpapalit lang ako ng pambahay." nagtatakbo si KC paakyat sa kwarto niya. Halos kakarating lang kasi nila. "Magpapalit din ako." walang emosyong sabi ni Bernard. Seriously? Dapat nga matuwa pa siya. "Tatawagin ko si Alain. Sabay na tayo." "Sige." "Bakit parang ang lata mo hahaha" "Wala to. Siguro... nanghihinayang lang ako sa dalawang taon." Parang hindi naman siya nalulungkot sa tono ng pananalita niya. Parang nanghihinayang nga lang talaga siya. Knowing Bernard, maloko yan, pero most of the time seryoso. Hindi ko rin siya masisisi sa nararamdaman niya. Ang alam ko kasi si Christine ang pinakamatagal na naging karelasyon niya. "Nanghihinayang ka sa dalawang taon? Dalawang taon na puro away at lokohan? C'mon! Cheer up pare!" Napaisip siya sandali. "HAHAHA! Oo nga noh? Dapat magsaya pa nga ako." anyare? "Sige pare. Dun na ako sa kwarto ko." parang siyang baliw na sumaya yung mood niya. Dumeretso na siya sa kwarto niya, habang ako, papunta sa kwarto ni Alain. Magkakahiwalay kasi kami ng kwarto. Pag-akyat mo ng hagdan, sa gawing kanan yung kwarto ni KC, yung kwarto ni Bernard, at yung guest room namin. Sa kaliwang part naman yung kwarto ni Diether, yung kwarto ko, at pinakadulo yung kwarto ni Alain, katabi yung stairs paakyat sa rooftop. Wala nang katok-katok. Deretso pasok ako sa loob at nakita ko siyang nakahiga sa kama niya at nagcecellphone. Naupo ako sa tabi niya. "Pwede kang kumatok." sarkastikong sabi niya. Napakamot ako ng ulo. Parang hindi naman siya nasanay na hindi ako palakatok sa pinto hahaha. "Alam mo ba- - -" "Break na sila ng girlfriend niya? Tinext ako ni Diether." Deretsahan niyang sabi. Sa tono ng pananalita niya, parang wala siyang pakialam. Sa aming lima kase, si Alain at Bernard yung hindi 'gaanong' magkaclose. Nagpapansinan naman sila pero hindi sila masyadong close gaya nalang namin ni Diether, o kaya si KC at Bernard, or si KC at Diether. Ganun lang talaga siguro. Marami silang hindi napagkakasunduan. "May ce- - -" "May celebration kayo mamaya. Hindi ako interisado. May pasok pa bukas. Ayokong matulog ng late." bakit kaya hindi niya muna ako patapusin magsalita? Ganyan talaga yan. Ako nga na bestfriend sanay na eh. "Ah okay." nilibot ko yung tingin ko sa kwarto. Palagi nalang madilim pag papasok ako dito. Mustulang gabi sa loob. Black kasi yung fav color ng mokong nato. "Nandun pa pala yun?" napatingin ako sa study table niya. Nandun pa din yung folder na isinauli namin sa kanya. Yung folder na naglalaman ng mga personal infos ni Arielle. Dun ko kase nilagay, at ganun na ganun pa din ang ayos. Hindi nagalaw. Napatingin siya kung saan ako nakatingin. Pero madali niyang binawi yung tingin niya at nagfocus sa ginagawa niya. 2048? Hahaha "Kung gusto mo itapon mo na. Hindi ko kailangan yan." "Importante naman y- - -" "Importante para sa inyo. Basura para sa akin. Besides, I don't need that and wala akong pake sa laman niyan." hayyy. Isa pa to. Kung hindi siya close kay Bernard, kay Arielle naman wala siyang kapaki-pakialam. "Grabe ka naman hahaha" "Sabagay. Hayaan mo nalang dyan. Baka kailanganin niyo ulit. Para hindi niyo na ulit ako kulitin" siguro hindi pa niya nababasa yun. Kase kung nabasa niya yon, baka sakaling bumait-bait siya kay Arielle. "Hindi mo man lang ba binasa k- - " "No." tipid niyang sagot. Pansin niyo bang hindi niya ako pinapatapos magsalita? "Kahit konti?" "Hindi. Hindi ko nga alam na nandyan yan sa study table ko eh" "Ohh. Hindi mo alam na wala na siyang m- - -" "I'm not interested. Kulet hahaha." pineke pa niya yung tawa niya. "Ah okay. Shut up nalang ako. Haha." Lalabas na sana ako nang may maalala ako bigla. "Diba dito muna titira si Alvin? Kelan siya pupunta dito?" nabanggit niya kase kahapon na dito daw muna titira yung younger brother niya. Sobrang bait ng bata na yon, and he reminds me of my younger brother, before. Nung may kapatid pa ako. "Next next week." malapit na pala. Malapit ko na rin maramdaman ULIT kung paano magkaroon ng kapatid. (Arielle's Point of View) Marami ang napatingin sa akin ng pumasok ako sa room. Akala siguro nila na late enrollee ako or transferee. Kasi naman, isang beses lang ako pumasok nung first week ng pasukan. "Arielleeeee!" napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Kia and Armilin. Good thing na classmates ko sila. Atleast may kasama na ako. "Mabuti naman pumasok ka na? Namimiss ka na ng mga classmates natin." really huh? "As if namang natatandaan nila or kilala nila ako." Totoo naman eh. "Grabe ka naman sa sarili mo hahaha. By the way, mga friends namin. Rovelyn, Diana, Josephine, Elton and Angelito. Guys this is Arielle. You know him naman na siguro." sabay ngiti ng makahulugan ni Kia. Paano ako makikilala ng mga ito eh ngayon ko lang sila nakita. "Hi!" pakilala ni Ate na parang pinaglihi sa labanos. Gosh. Ang puti. Kinamayan niya ako. "Hello. I'm Josephine. I hope we can be friends." pakilala ni Ateng mala-foreigner yung accent at pag-eenglish. "Foreigner talaga yan. From England siya." bulong ni Armilin. Napa-ohhhh nalang ako. Kaya pala. Sabi na eh. "Bes, Elterrrnnn pala. Ganda mo pala teh sa personal. Idol na kita." parang sa pagkakatanda ko, Elton yun eh. Pak! Naamoy ko na kaagad. And ano daw? Maganda ako? Tagal na hahaha! Well, okay sa akin yung ganito. Hindi perfect group kagaya ng ginugusto ng iba, pero sure akong hindi nila ako paplastikin, plus kalog silang lahat. "Umm.. Hi sa inyo. I'm A---" "Arielle Angeles. . . yes, we know you already. So sikat ka kaya." sabi ni Dina or Kyla or Dina Kyla or Diana. Dami kasing name eh. Pero ano daw? Ako sikat? "Ha? Ako? Sikat? Bakit? Paano?" "You mean, you didn't know the video?" tanong ni Ms. Foreignay. Gosh! Need ko ng maraming tissue. "Aling video?" juice colored. "Eto." pinakita nila sakin yung video namin ni Alain nung first day, yung eksena namin sa gate? Gosh! May nagvideo pala nun? Kaya pala kanina, ang daming napapatingin sa akin. "Oh my gosh beh, you're so sikat na. Kita mo yung dami ng views? Tsaka yung mga comments. Eto yung isang comment, Hayop na bakla yan. Anong karapatan niyang gawin yun kay Alain? Dami mo na haters beh." si Elton na parang tinatakot pa ako. "May copy din ako ng video nyan. Pero ito yung pinakagusto kong comment, Kapag nakita ko siya sa school, kakatukin ko din yung mukha niya kagaya ng pagkatok niya sa salamin ng sasakyan ni Fafa Alain." si Diana. "Mas nakakatawa yung comment nato, Faggot! Mamamaga ang pisngi mo sa akin pag nakita kita." -Armilin "I like this comment, Neg-erkeylah nah nge akow ng snipers." parang sa halip na matakot, matatawa pa ako kay Josephine. Yung snipers lang nabasa niya ng maayos. "Basta bes, be ready nalang ha?" paalala ni Kia. Kinakabahan tuloy ako. "You're so tapang naman kase bes. Hindi mo ba kilala binabangga mo?" Tanong ni Elternnn o Elton. "Si Alain?" "Yes! Siya lang naman ang a- - - " Hindi na niya natapos ang sasabihin niya. Basta napatigil siya at napatitig sa pinto. Nakatalikod ako sa pinto at nakaharap sa kanila, so sila yung nakaharap sa pinto. "Ummm.. ah.. ano..." hindi siya makapagsalita. Problema niya? "Anong nangy- - Aray!" biglang may bumangga sa akin. Hindi lang basta bangga, malakas na bangga. And to my surprise, its him. Kaklase ko nga pala to. "Ano bang problema mo?" galit kong tanong. Nakita ko pang iniilingan ako nila Armilin na parang binabawalan ako or something. "Anong problema? Ang aga-aga mong makipaglandian at nakaharang ka pa sa daan, tapos tatanungin mo ako kung anong problema?" "Pwede namang makiraan ka, tapos mangbabangga ka na lang?" nakakainit ng dugo. Kala mong kung sino. "Pwede rin naman na hindi kayo sa daan mag-usap para hindi kayo nakaharang di'ba?" nag smirk pa. Bwiset. Magsasalita na sana ako nang dumating bigla yung prof namin, so pumunta na kami sa mga upuan namin. Tumabi nalang ako kayla Armilin at Kia incase na may manggugulo na naman sa akin. "Good morning class. Ang konti niyo naman. Bakit wala pa yung iba? And by the way, go back to your seats , kung saan kayo nakaupo nung Monday. That will be your permanent seats on my subject." so bumalik na nga kami sa mga seats namin. Gosh! Katabi ko nga pala si- -. "Good morning Sir. Sorry we're late." napatingin kami sa pintuan at nakita kong nakatayo doon si Edrien at Diether. Lumakad sila papalapit sa amin. Katabi ko nga pala si Diether, si. . Alain, at si Edrien. Hell. Napatingin ako sa kanila. Mukha silang mga puyat. Napansin naman ako ni Diether na nakatingin sa kanila at nagulat ako ng kindatan niya ako. Alam kong napansin yon ng iba naming kaklase kase lumingon pa sila sa likod. Hayop talaga yung lalaki nato. Hindi ko pa nakakalimutan yung sa kagabi, tapos heto na naman siya. > Kakauwi lang namin galing sa coffee shop. Hinatid pa ng kami ni Sir KC. Tumanggi ako nung una, nakakahiya kase. Pero hindi siya pumayag na hindi kami maihatid. Dahilan niya, masyado na raw gabi at delikado na sa daan kung magcocommute pa kami. Kagagaling ko lang non sa banyo. Katatapos ko lang maligo. Tinabihan ko yung kapatid ko na nakatulog na marahil sa pagod. Biglang tumunog yung cellphone ko. May nagtext na number lang. "Hey baby. ." BABYYYYY? What the! Sa pagkakaalam ko, wala naman akong boyfriend or what na pwedeng tamawag sakin ng b- - teka, hindi kaya siya to? "Wrong send ka yata." "Awww. Nakalimutan mo na naman? Ako to. Si Diether mo to, baby" Yak! Sabi na eh. Hindi ko nga pala sinave yung number niya. Kikiligin sana ako ng konti kaso naalala kong babaero nga pala siya. So technically speaking, hindi lang ako ang nasabihan niya ng, errr, baby. Sayang. In fairness sa kanya, hindi siya jeje sa text. Complete letters. Gaya ko. "Ano na namang kailangan mo? Tsaka pwede bang tigilan mo ang katatawag sa akin ng baby?" "Wala lang po. Tsaka ano namang masama kung tawagin kita ng baby? Masama ba na tawagin kita ng ganun? " "Hindi kasi ako natutuwa" "Yieehh. Kinikilig ka lang e. By the way 'by, pumasok ka na bukas. Namimiss na kita." "Alam mo gwapo ka. Crush na sana kita kaso babaero ka lang." --yan gusto kong ireply sa kanya. Pero siyempre, di ko gagawin yun. "Okay." "Wag ka na galit.. " "Tse! Sige na. Matutulog na ako." pass 9 pm na rin kase. May pasok pa ako bukas, pati si Adrian. At para iwas ano, sinave ko na number ng lalaki nato. "Sige po. Good night baby. Don't forget to dream of me. Muahh." Wahhhh! Ang landi-landi mo Diether! "Asa! Matulog ka na. Antok lang yan." "Haha! Nasa convenience store ako. Matulog ka na 'by. Wag mo na ako hintayin. Love you!" Grrrr! Sobrang landi niya! I'm sure naman na hindi lang niya sakin sinasabi yung mga yon. Pero wait, nasa convenience store siya? Gabi na ah? Bahala siya. Hindi ko na siya nireplyan dahil for sure hahaba pa yung convo namin. Humiga na ako't natulog sa tabi ng kapatid ko. > Grrr! Nanggigigil pa din ako sa kanya! Wag siyang makalapit-lapit sa akin. Ay teka, magkatabi nga pala kami. Hayys. "Good morning Arielle! Buti naman pumasok ka na?" ngiting bati sa akin ni Adriane. Yung pantay-pantay niyang ngipin plus yung maganda niyang ngiti? Shet! Nahiya naman ako. Hihihi. "Ahh. Good morning dinnn." "Hi baby.." tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan sa ginawa niya. Nasa tabi ko na pala siya. "Ano na naman?" galit kong tanong at nilingon ko siya. Medyo nagulat pa ako dahil sobrang lapit lang mga face namin. My God! Ano ba Diether? "Wala lang po, baby ko." aniya at ngumiti. Pansin kong maraming nakatingin sa amin, narinig nila. Hayuf. Narinig din yun for sure ni Edrien. Nakakahiya. "Tsss. Landi." rinig kong sabi ni Alain. Bahala siya. Ayokong masira ang araw ko. "Class, listen. Pinapaalala ko lang yung activity niyo outside the school. Iready niyo na lahat parang hindi kayo marush." Hala? Aling activity? Bakit di ko alam? "I guess hindi ka pa naiinform. May activity tayo outside and I think, it will last to 3 days. Part lang yun ng physical fitness, under ng subject natin. Napag-usapan nung Wednesday, nung absent ka." biglang singit ni Edrien. Well, no need naman na pormal pa kaming magpakilala sa isa't isa. He knows my name at alam ko din yung kanya. "Ohh. Pero bakit kailangang outside the school? Tsaka kelan at saan yun?" "Para daw maging bonded tayo as a whole section, since hindi naman daw lahat tayo naging magkaklase na. Next week na yun, Friday, Saturday and Sunday. Sa resort nila Diether." Edi siya na may Resort. Sabi pa ni Adriane na kamag-anak daw ni Diether si Sir, kaya naman pala. "Hindi pa pala tayo nakakapagpakilala sa isa't isa. I'm Edrien Innoncillo. Nice meeting you., again." "Arielle Angeles. Nice meeting you din." nakipagshake-hands siya sakin. Shettttt. Hindi na ako maghuhugas ng kamay! Joke. "So friends?" "Friends"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD