Diether

1999 Words
(Arielle’s point of view) Maaga na naman kami nadismiss ngayong araw. Nagkayayaan sila Kia na magmall. Hindi sana ako sasama dahil walang kasama si Adrian sa bahay, plus wala sa budget ko ang mga biglaang galaan na ganyan, alam yon ni Kia at Armilin. Sandali lang naman daw kami at wag daw akong mag-alala dahil sagot naman nila yung gala. Siguro, ibibilin ko nalang si Adrian kay Ivan, yung kaibigan ko na kapitbahay namin na nangungupahan din. Nalaman ko yung dahilan kung bakit nagtratrabaho si Kia at Armilin sa Café Principe, yung coffee shop kung saan din ako nagtatrabaho. Si Armilin, kaya lang nagwo-work work work para samahan si Kia. And ang reason naman ni Kia sa pagtatrabaho is dahil may binabantayan daw siya na ayaw naman niyang sabihin kung sino. Mga baliw ata. Gets niyo na? Haha. "Guys CR lang ako." paalam ni Elton. Nasa kalagitnaan kami ng pagwawaldas ng pera, ayy sila lang pala haha. "Sama ko." medyo nawiwiwi na din si akooo. Kanina pa kasi kami naglilibot. Maraming tao sa men's restroom. Hindi naman ako yung tipo na sa urinal nagwiwiwi, like hello? Ako? Sa urinal? I'm sure ganun din si Elterrn. Sa cubicle ako nagbawas haha Nagdesisyon akong hintayin si Elterrn sa labas, hindi pa tapos si Elterrnn eh ang dami-daming tao sa loob. Naglalakad-lakad ako nang may mabangga ako, or should I say may nakabangga sa akin na babae. May kasama siyang guy at base sa pagkakapulupot ni Ate kay Kuya, mukhang magjowa sila. "Pasensya na po." paghingi ko ng tawad kahit alam kong siya naman talaga ang may kasalanan. And in fairness, ang ganda niya at ang pogi ni Kuya. "Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo." tinaasan niya ako ng kilay. Aba't malandi. "Babe tara na nga." At tuluyan na nga silang nawala, kasabay ng pagdating ni Elteerrn. Kinuwento ko sa kanya yung nangyari, nagjoke pa nga siya na hanapin daw namin yung babae at sugurin. Gaya ng inaasahan, namili sila ng kung ano ano. Halos nalibot din namin yung buong mall. Puro damit, stuff toys at pagkain yung pinamili nila. Nagulat pa nga ako na pati ako meron haha. Pero pinakagusto ko yung bigay ni Kia na black T-shirt na may print na 'I love you'. Gabi na ng makauwi kami, ako lang pala haha. Tulog na yung kapatid ko nang makarating ako. Naligo lang ako sandali at nahiga na sa tabi niya. Mabilis akong nakatulog dahil sa pagod. (Diether’s point of view) "Miss, bibilin ko to." nasa mall kaming tatlo ni Edrien at Alain, nagpasama lang akong mamili, ako kasi namimili ng stocks sa ref, tapos si KC nagluluto, siya lang kasi marunong sa aming lima. Tsaka sinabay ko na ring mamili ng mga damit, trip ko lang haha. "Ibili ko na din kaya sila?" tanong ko sa sarili ko. Nasa CR kasi si Alain at Edrien, hindi pa bumabalik. Yaan mo na nga. Mahilig si Edrien sa mga damit na kulay pula, yun kasi napapansin ko sa bahay. So hakot ako ng mga kulay pula. Si Alain naman, mga kulay black na damit. May napansin akong black na T-shirt na may print na 'I love you too.' Teka parang pang couple to ah? "Miss, pang couple ba to?" tanong ko sa saleslady. "Yes, Sir. Actually, kanina po may babaeng bumili nung isang ka-pair niyan. Binayaran nga din po yan pero ang sabi, yung isa lang kukunin. Bakit Sir? Gusto niyo po ba nyan? May stock po kami nung ka-couple niyan." May mas maganda akong naisip. "Ah hindi na Miss. Ito nalang din kukunin ko. I think nakatadhanang mangyari to para sa kaibigan ko." evil smile. "Ah okay po. Iyon lang po ba lahat?" Tumango ako at umalis na siya. Kasabay ng pagdating ng dalawa. "Lets go, ginabi na tayo." inip na sabi ni Alain. "Wait lang, babayaran ko lang yun." hahaha. Ang wish ko lang, sana magkita sila nung babaeng bumili ng kapair nung kanya. Hahaha! (Edrien’s point of view) Malapit na magsimula yung first class namin pero kakarating lang namin sa school, hanep di'ba? At gaya ng alam niyo na, magkakasabay kami nila Diether at Alain. "Hey baby wait!" biglang sigaw ni Diether. Akala ko kung sino na namang babae ang tinawag niya. To my surprise, it was Arielle. Nung minsang tinanong ko si Diether, kaya pala baby tawag niya kay Arielle, nanganak na yung asawa ni Kuya Dex, kuya ni Diether, and ang ipinangalan sa baby ay Arielle Jhaye. Natutuwa lang siyang tawaging baby si Arielle gaya ng sa pamangkin niya. "Tss.." rinig kong naiirita na naman yung kasama ko. Lagi naman eh. At ayun, masama na naman yung timpla ng mukha. "Sabing tigilan mo na ko sa katatawag mo ng baby eh! Mukha ba akong sanggol?!" hindi naman sa inaano ko sila ni Arielle, pero bagay sila tingnan hahaha. "Arte." Singit ni Alain. Narinig yun ni Arielle kaya napahinto siya, pati kami. "Anong sabi mo?" patay away to. Hinawakan ko sa balikat si Alain. Kalmado pa naman siya, sa ngayon. "Wala naman akong sinasabi ah?" "Meron! Narinig ko!" naiinis na si Arielle. Sinenyasan ko si Diether na ilayo na kung maaari si Arielle. Baka maging issue na naman to, katulad nung nakaraan, may video pa. "You heard it naman pala. Bakit pinapaulit mo pa?" "Tama na pre." awat ko. "Pre, be nice to Arielle naman." awat rin ni Diether. "Nice? Gusto mong maging mabait ako sa kanya? Tapos ano? Sasamantalahin niya lang yun." galit na sabi ni Alain. Kita ko ang panggigilid ng luha ni Arielle. "Hindi ako katulad ng ibang b- - " "Yes! You're not like them 'cause I'm sure na mas malala ka pa sa kanila! Tama ako di'ba? Kase katawan lang naman ang habol niyo samin?" "Tama na Alain. Hindi na tama yang sinasabi mo." "Wag kang makialam Diether. Hahaha. Sabihin mo nga sakin, ilang lalaki na ba ang natikman mo? Sawa ka na ba? How about Diether? So tell me, sino isusunod mo? Ako? Si Edrien? Tell me." alam ko kung bakit ganyan kagalit si Alain. Hindi pa rin pala niya nakakalimutan yon. Nagulat nalang ako nang sampalin ni Arielle si Alain. Patay. "Hindi mo ako kilala at lalong hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ko ngayon. Malinis akong tao at wala kang karapatang husgahan ako. Uulitin ko, hindi ako katulad ng mga sinasabi mo." umiiyak na sabi niya at biglang umalis. Kita ko ang pag-iling ni Diether at patakbong sinundan si Arielle. "You're all the same. Alam ko yun." sabi ni Alain bago umalis. Muli siyang sumakay sa kotse at lumabas ng school. I guess, hindi na yun papasok. Sana lang makalimutan na niya yun. Ilang taon na rin naman na nakalipas. (Diether’s point of view) Maling-mali. Maling-mali yung mga sinabi ni Alain kay Arielle. Alam kong nasaktan siya ng sobra, ikaw ba naman sabihan ng ganon. Si Alain naman kase masyadong pinepersonal lahat ng bagay. Nagsimula yung mga galit niya sa mga bakla nung second year high kame. Gaya ngayon, magkakaklase rin kaming tatlo nila Edrien that time. Nagkaroon kami ng group project at nagdesisyong sa bahay nalang ng classmate namin gumawa. Anim kami, kaming tatlo yung lalaki, dalawang babae, at isang alanganin. Doon na nga rin pala kami natulog dahil walang pasok kinabukasan. Mga bandang madaling araw nagising kami nang biglang galit na galit na nagsisigaw si Alain. Puro mura ang maririnig mo sa kanya, kasabay ng pagpapakawala ng malalakas na suntok sa classmate namin. Nang oras din ayon ay inuwi na namin si Alain. Iniwan naming bugbog yung kaklase namin, kasama yung iba na nagpaiwan. Galit na galit niyang ikinuwento na nagising nalang siya na pinagsasamantalahan siya nung kaklase namin. Mula non, hindi na pumasok yung gumawa non kay Alain sa school kung saan kami nag-aaral, ang balita namin lumipat na ng school. Mula rin non, galit na galit na siya sa mga bakla. Kagaya ngayon, parang bumabalik yung lahat ng galit niya at lahat ng yon, nabaling kay Arielle. Pero gaya ng sinabi ko, maling-mali. Sobra na kasi yung mga ginagawa at pinagsasasabi niya, to the fact na iba si Arielle doon sa gumawa noon sa kanya. Well, heto ako ngayon at sinusundan si Arielle. Nagpunta siya sa bandang likod ng school, sa mini forest namin dito sa Halo. Ginagamit yon at pinag-aaralan yon ng mga biology students. Naupo siya at sumandal sa isang puno. Umiiyak pa din pala siya. Tumingala siya habang nakapikit at umaagos ang luha sa kanyang pisngi. s**t. "Nakakainis. Ang sabi ko pa naman hinding-hindi ko iiyakan yung lalaki na yon." Hayyyy. Si Alain talaga. Tahimik akong naupo sa tabi niya para hindi masira yung moment niya (hahahaha). Pero parang naramdaman niya yung presensya ko kaya napalingon siya sakin. "Anong ginagawa mo dito?" "Sinasamahan ka." sabay smile. "Hindi ko kailangan ng kasama." "Kailangan mo." "Hindi nga. Ang mabuti pa, yung magaling mong kaibigan yung samahan mo." "Malaki na yun. Kaya na niya yung sarili niya." wala akong maisip na paraan kung paano ko siya mapapasaya, kahit konti, or kahit madivert man lang yung topic. "Hayyyss." napabuntong-hininga siya ng malalim. "Pasensya na ha, nakikita mo akong umiiyak." "Kahit sino namang sabihan niya nun, siguradong maiiyak din." ang hirap pala. Hindi ko talaga alam kung paano ko mapapagaan ang loob niya. Bakit kapag babae, ang dali-dali lang? "Pasensya ka na kay Alain ah? Ganun lang talaga yun." "Hayyy. Dapat siya ang magsabi niyan, pero salamat." Ayos! Ngumiti siya sa akin at nagpunas ng luha. Inabot ko yung panyo ko sa kanya. Natawa pa nga siya bago niya iyon tinanggap. "Dapat kanina mo pa ito binigay. Kita mo namang kanina pa ako umiiyak eh" napakamot ako ng ulo. "Ah hehe.. sorry.." ngayon lang ako nahiya ng ganito. Sandaling katahimikan. "Alam mo ba kung anong tawag sa bulati na nasa gitna ng daan?" out of nowhere na sabi ko, just to break the awkwardness. "Ewe! Bulati talaga?" nandidiri niyang sabi pero nakangiti siya. "Tanong mo kung ano." "Hahaha ano?" "Edi bulati pa din." nakangiti niya akong inirapan. "Okay" "Pero napangiti ka." biglang tumunog yung tiyan niya na sabay naming ikinatawa. "Hehehe. Pasensya na, hindi pa kase ako kumakain ng breakfast." Nahihiya niyang sabi. "Tara." tumayo ako at hinawakan yung kamay niya. Tumayo din siya at tiningnan ako ng makahulugan. "Saan?" "Di'ba sabi mo hindi ka pa nagbe'breakfast?" Kaya siguro parang nanlalata din siya. "Huh? Wag na. Tsaka ano.. Ummm.. Wala akong pera. Hindi pa dumadating sweldo ko." nahihiya niyang sabi. Nagwowork na siya? "Don't worry. Its my treat." "Ha?" parang nagulat pa siya. Don't worry Arielle. Babawi ako sayo. Ako gagawa. Alam ko namang hindi gagawin ni Alain yon. "Lets go. . . . baby ko." - - - "Seryoso? Lahat ng 'to kakainin natin?" Ang dami niyang inorder. Parang maghapon na naming pagkain 'to ni Adrian. Nahiya tuloy ako dahil gumastos pa siya. "Yes baby. . ." "Ayan ka na naman sa baby baby na yan. Tsaka wag ka ngang ngumingiti. Mukha kang timang." kunwari naaasar ako. "Masanay ka na. And about sa pagngiti ko, anong masama don?" at ngumiti na naman siya. Alam ko kasi yung ngiti lang sa ngiting nang-aano. "Mukha-kang-timang" "Hahaha okay okay. Kumain ka na. Gusto mo subuan kita?" nataranta ako at biglang napakain. Hanggat maaari, piniligilan kong malaglag, alam niyo na kung bakit. Tsaka ito, I mean lahat ng ginagawa niya, siguradong ginagawa niya rin sa iba, or else sa lahat. Hayy. "About pala sa activity natin outside the school, sa resort namin yun gaganapin." "Nabanggit nga ni Edrien. . tungkol pala diyan, baka ano. . hindi ako makasama." "Bakit?" G na G niyang tanong. As in Gulat na Gulat. "Kasi ano.. walang kasama yung kapatid ko. Tsaka.. ano.. yung gastos.. Di'ba nga nabanggit kong nagwowork pa ako? Tapos naalala mo nung tumawag ka sakin? Nasa hospital talaga ako nun." mabuti nang malaman niya. Mamaya mag-expect pa siya na sasama ako. Tsaka ayoko din. Nandun si Alain. "Bakit ka nga pala nasa hospital non?" parang nagworry siya bigla, o keme ko lang yon haha "May sakit si Adrian."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD