Partners

1999 Words
(Alain’s point of view) "Good morning class, I will be your new Psychology professor. Mr. Jimenez will undergo a surgery kaya ako yung ipinalit ng management. Yung iba sa inyo kilala na ako, I am the registered Psychologist and also the guidance councilor of this school. My name's Loi Buenaventura." sa pagkakaalam ko, siya yung tita ni Diether. "Before we start, since hindi ko pa kayo kilala.." Hayyyy siguradong introduce yourself na naman yan. Lagi nalang. "..kindly submit 1/4 sheet of paper with your names indicated, plus, your favorite song. Pick the song that describes you the best" too boring. Pero dahil prof siya, sunod kami. "Si Diether nasaan?" biglang tanong ni Edrien. "Ayun" nasa bandang harap siya, katabi si Arielle. For sure, galit pa rin yon. Hindi naman niya ako masisisi. Ang totoo nga niyan 'medyo' nakaramdam ako ng guilt sa pinagsasabi ko sa kanya kahapon. "So for your first activity, ipe-pair ko kayo, based on the paper you have submitted." "So let's start. One Call Away, and your partner is I'll Be There. Maupo kayo sa tabi ng isa't isa." then sumunod yung mga classmates namin. Ano ba kaseng pakulo to? "Chasing Pavements, and Chasing Cars." "Diana and Cecilia" "Beauty and a Beat and Beauty and the Beast" "You and I and Love Story" "Tala and Tala" ayos nagkamukha pa sila "Payphone and Call Me Maybe" "What Makes You Beautiful and Story of My Life" "I'm Yours and Never Enough" tumayo si Edrien at yung isa naming classmate. Haha anong pinili niya don? "Run Away Baby and Break Free" tumayo si Diether at yung foreigner naming classmate. Handsome? Lakas! Halos natawag na lahat, pero ako hindi pa. May galit yata 'tong prof nato sa akin. "You Are The Reason.." Natawag na din sa wakas. "And your partner, Strong." sino yung s-- si Arielle? Nagkatinginan kami pero agad siyang nagbawi ng tingin. Marami-rami pa siyang ipinaliwanag bago niya sinimulan ang dapat simulan. Nabanggit rin niyang ito na ang magiging permanent seats namin sa subject niya. Hayyyys "So for your first activity, magshe-share kayo sa isa't isa ng tatlong bagay tungkol sa inyo na sa tingin niyo ay hindi pa alam ng kapair niyo. I'll give you ten minutes, then ise-share nyo yan sa harap." gaya ng sinabi niya ganun na nga ang ginawa namin, sila lang pala. Walang gustong magsalita. Walang gustong mauna. Ni hindi nga niya ako tinitingnan eh. Choosy pa siya! Hindi naman iyon kawalan sa akin, sa kanya oo. Bahala siya. "May problema ba, Mr. Austria? Mr. Aquino? Bakit hindi pa kayo nagsisimula?" napansin siguro na kami nalang yung walang ginagawa. Napunta tuloy ang atensyon ng lahat sa amin. "Wala po." sabay naming sabi. Pansin kong nakatingin sa amin si Diether at nagmouth siya ng 'okay ka lang' kay Arielle. Tumango naman bilang sagot. "Tapos ka na bang makipag-usap sa boyfriend mo?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko siya boyfriend." walang gana niyang sagot. Mapagtripan nga. "Talaga? Hindi ko alam yun ah? Ayan may isa ka na." pang-aasar ko sa kanya pero kagaya kanina, blangko pa din ang ekspresyon ng mukha niya. "Next, are you still virgin?" natahimik siya at kita ko ang panggigilid ng luha niya. Woah! Iiyak na naman siya? Gusto ko lang naman siya inisin. "I think, that silence means yes?" "Para san pang sasagutin kong hindi, eh hindi ka pa rin naman maniniwala sa sasabihin ko." Pinunasan niya yung luhang pumatak mula sa mga mata niya. Hindi ko alam pero parang nakonsensya ako ng konti. Konti lang naman. "Last question, nagagwapuhan ka ba sakin?" "No!" bilis sumagot ah? Nak ng? Hindi siya nagagwapuhan sa akin? "Class 3 minutes." ang bilis ng naman. Wala pa nga tong naitatanong tungkol sa akin. "Black, chocolate cake, Alvin." sabi ko at tiningnan niya lang ako ng may pagtataka. "Ha?" "My favorite color is black. Mahilig ako sa chocolate cake, and may younger brother ako, 9 years old, Alvin name niya." no reaction na naman siya. Hayyy. Kung hindi ko kasi sasabihin yon, baka kung anu-ano sabihin niya tungkol sa akin mamaya. --- Nagsimula na magshare yung iba. Kung anu-anong walang kabuluhang bagay pinagsasasabi nila. May nagshare pa ng kulay ng underwear nila. Hayyy. "So hi sa inyo. I'm Edrien and this is my partner, Armilin. First thing na nalaman ko about her, mayroon siyang kakambal na dito nag-aaral." I know, classmate yun ng girlfriend ko. "Second, she's afraid of heights, and last, she likes orange juice." nagshare na din yung partner niya. Next ay sila Diether na. "Hi guys, I'm Diether and this is Josephine. Nalaman kong foreigner pala talaga siya. Akala ko maarte lang siya magsalita." Ang babaw naman. Kahit sino naman alam na foreigner yun. "Tapos nalaman kong may boyfriend na siya. Last is mahilig siyang mag-out of town." Puro kababawan naman. Tapos yung si Ms. Foreigner na nagsalita. Lahat ng sinabi niya about kay Diether, alam ko na. Marami-rami pa yung nagsalita bago kami. May mga pumapalakpak pa nga at tumitili sa pagtayo namin. May ilang segundo na kaming nakatayo sa harap pero wala yata siyang balak magsalita. Siya lang naman yung hinihintay kong magstart. Hayyy. "I'm Alain and this is my partner, Arielle. One thing na nalaman ko about him. . . . his both parent died couple of years ago because of a car accident." tiningnan ko siya at saktong nakatingin din siya sa akin, halatang nagulat. Nagnod ako sa kanya at nahihiya siyang tumango rin. Mukhang maiiyak na naman siya. Napakaiyakin naman nito. Akala niya siguro sasabihin ko talaga yung mga sinabi ko sa kanya kanina. Hindi naman ako ganun kasama. Weh? Siguro napangunahan lang ako noon ng galit. Tama naman si Diether. Hindi si Arielle yung gumawa non sa akin. Naging mainitin lang talaga ulo ko. Paano ko nalaman yung sinabi ko about sa kanya? Aksidente kong nabasa yung mga infos niya, and to my curiosity, binasa ko lahat, lahat-lahat. Siguro iyon na din yung naging dahilan para medyo bumait ako sa kanya. "Second, may nakababata siyang kapatid, 9 years old to be exact, and Adrian yung name niya." magkaedad lang yung mga kapatid namin. Nakakagulat nga na magkabirthday din sila. "And last, mahilig siyang magbake. Yun lang." Naisip ko na sanang umupo kaso parang nakakabastos yun tingnan. (Arielle’s point of view) Hindi ko alam kung saan niya napulot at nalamam lahat ng pinagsasabi niya. Hindi ko naman yon sinabi sa kanya. Di kaya inistalk ako nito? Hindi pa nga ako nakakamove on sa mga pinagsasabi niya sa akin kahapon, tapos gumaganyan pa siya. Bigla siyang bumait. "Hoy ikaw na." mahina niyang sabi. Nataranta ako bigla. Ano nga ba yung mga sinabi niya na sabihin ko? "Hi po. I'm Arielle, and si Alain... black yung favorite color niya, mahilig siya sa chocolate cake, last is may kapatid daw siya na kasing edad ng kapatid ko." dere-deretso kong sabi tapos naupo na kami. --- Lunchbreak. Kasama ko yung tropa at nakapwesto kami sa pinakagilid ng cafe, nasa labas na part na yon at mapuno doon, may mga nakaset na tables and chairs. Andami nilang inorder. Ako nga spag at orange juice lang. "Oh God! Guys look!" sabi ni Kia sabay pakita sa amin ng phone niya. "Kakapost lang niyan sa page ng Halo." muntik ko nang mabitawan yung hawak kong tinidor nang makita ko kung ano yung video. Yung video iyon na nagkasagutan kami ni Alain. Pero yung inupload ay yung sa part lang na sinampal ko si Alain. Sino na namang hayop ang gumawa nito? "Andami na agad views and comments oh. May araw ka rin sa akin bakla ka! Hinding-hindi ko mapapatawad yung ginawa mo kay Alain." si Kia habang hawak yung phone niya? "Eto pa. Ang kapal ng mukha mo! Anong karapatan mong sampalin si Alain!" basa ni Armilin. "Gusto kong ibalik ng paulit-ulit sa pagmumukha mo yung pagsampal mo kay Alain. Wag kang magpapakita sa akin." maarteng pagbasa ni Elton. Grabe naman sila sa mga comment. Hindi naman nila alam kung ano talaga ang nangyari eh. "Teka. . . tama na nga. Tinatakot niyo na ako eh." pansin ko rin na marami-rami na yung nakatingin sa gawi namin, lalo na sa akin. Para nila akong binabalatan ng buhay base sa mga pagtitig nila ng masama. "Bakit mo ba kasi siya sinampal? Hindi mo ba alam kung ano yung ginawa mo?" "Hindi naman kasi basta ganun yung nangyari. Ano kase.." at kinuwento ko sa kanila ng detalyado. "Kasalanan naman pala ni Fafa Alain." si Alain na may patango-tango pa. "Pero bakit yung part lang na yun yung inupload? Nako bes, mukhang may galit sayo yung gumawa niyan. Pero sino naman ang gagawa niyan sayo?" dagdag pa ni Elterrn. "Hindi ko din alam." "Dummy account kasi ginamit. Ms. Terious yung name ng nagpost." si Kia. Iinom na sana ako ng juice nang may biglang humila ng buhok ko, hindi lang basta hila, malakas na hila. "Arayyyy!" feeling ko matatanggal yung buhok ko sa lakas ng pagkakahila. Luckily binitawan din naman ako agad. Punyeta. "Anong karapatan mo na gawin yon kay Alain? Si Tita nga (Mama ni Alain) hindi siya magawang pagbuhatan ng kamay. Tapos ikaw?" g na g na sabi ni Ate na hindi ko kilala, may mga kasama siya na hindi ko din know. "Sino ka ba? Tsaka wala naman akong g- - SH*T!" bigla akong binuhusan ng juice nung kasama niya. F*ck! "Teka, sumosobra ka na kayo ah?" Sumali na sa amin si Elterrn. "Hoy ikaw, wag kang makialam dito." sabi nung isa pang babae. Lima kasi sila. Isa yung nanabunot sakin, isa yung nagtapon sa akin ng juice, isa yung sumagot kay Elterrn, tapos may dalawa pa. Nagulat nalang ako nang may sumampal sa akin. The same person na sumabunot sa akin. "Ikaw bakla ka, matuto kang lumugar dito, tsaka pwede ba, lumayo-layo ka kay Alain!" "At kay Diether" sabi nung umaway kay Elterrn. "Lalo na kay Edrien." dagdag nung nagtapon sa akin ng juice. Hinintay ko pa nga na magsalita rin yung dalawa pa nilang kasama. "Bakit ba galit na galit ka? Girlfriend ka ba ni Alain?" akala niya papakabog ako sa kanya. Matagal bago siya nakasagot. "Hindi. . . at wala ka nang paki doon. Lumayo ka kay Alain, tapos!" I knew it! Kung makaasta kala mo girlfriend. "Hindi naman pala kayo kaya wala ka nang paki kung maglalapit ako kay Alain. Tsaka isa pa, wala ka namang alam sa nangyari." nananahimik ako dito tas bigla-bigla siyang mananabunot? Pasalamat siya, kahit bakla ako, hindi ako pumapatol sa babae kundi nasuntok ko na siya. "Ohh. Kala mo naman mapapaalis mo kami dito" mataray na sabi ni Juice girl. "Hindi ko gusto ang tabas ng dila mong bakla ka!" sasampalin na naman sana niya ako nang dumating si Edrien. Thank God. Ayoko kasi silang patulan baka ako pa lumabas na masama. "Jezreel! Iyan ang wag na wag mong gagawin." napansin kong umamo yung mukha ni Juice girl. "Edrien, buti dumating ka. Sinampal ako ng bakla nayan! Pinagtanggol lang ako ni Jezreel!" ako? Sinaktan siya? What the hell! "Wag niyong baligtarin ang sitwasyon. Nakita ko ang nangyari. Tsaka pwede ba, bitawan mo ako? At ikaw Jez, umalis ka na" sumunod naman sila haha "Di pa tayo tapos." edi hindi pa! Kala naman niya natatakot ako sa kanya. "Okay ka lang ba?" biglang tanong ni Edrien. Nakaalis na nga yung tinawag niyang Jezreel kasama yung mga alipores nito pero nasa amin pa rin yung atensiyon ng lahat. "Hay nako. Buti nalang dumating ka. Tingnan mo yung itsura ng friend namin." basa kasi ako. "Pasensya na kayo sa inaanak ng Daddy ko. Arielle, may extra uniform ako sa locker, gamitin mo muna." Iyan ang gusto ko kay Edrien. Super bait niya. "Salamat." sobrang bait niya. "Wait, ibig mong sabihin, kinakapatid mo yung baliw na babae na yun?" gulat na tanong ni Kia. Obvious ba? "Ah.. Oo.. Ganun talaga ugali non. Tsaka patay na patay yun kay Alain." "Bagay naman sila eh, parehong masama yung ugali" sinadya kong hinaan yung dulong part, baka may makarinig na naman eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD