Dumating na ang araw ng paghahatol at bilang biktima sa nangyari ay narito kami at nasa harapan ng hukuman. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Eduardo ng masilayan niya akong nakaupo at napapalibutan nila ama. Naiiyak na nag iwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin.Nilingon ko naman si ama sa tabi ko. Sumenyas siya na gawin ang napag usapan namin.Oo napag usapan namin na idiin si Eduardo ngunit dadalhin lamang ito sa malayong lugar. Kaya ko ba? Nabasa siguro ni ama ang pagdadalawang isip ko dahil tinignan niya ako ng masama. Nanghihingi ng tulong namang tinignan ko si Michael pero kahit siya ay umiwas lamang ng tingin sa akin. Napayuko at napaiyak na lamang ako. "wala kong ginawang labag sa batas.."paliwanag ni Eduardo sa isang abogado sa hukom. "kung ganoon ay dapat

