Pagod man at masakit ang mga paa ay nagawa ko paring puntahan si Eduardo sa piitan. "Amelia?"napakunot ang noo ko ng makasalubong ko ito palabas. "Veronica!"nanlaki ang mata nito ng makita ako. "anong ginagawa mo rito?"tanong ko. "hindi ko mapapatawad ang nagtangka sa iyo ng masama Veronica kaya naman pinuntahan ko ang lalaking yun.."she looked so guilty while saying that. "walang ginawa sa akin si Eduardo na masama.."seryosong wika ko. Umiwas ito ng tingin at halatang naiiyak rin kaya naman kumunot ang noo ko. "alam ko..hindi niya magagawa iyon.."tumingala ito para pigilin ang luha. Naguguluhan ko naman siyang tinignan dahil sa masyado siyang emosyonal at concern sa amin nila Eduardo. "sabi ko naman kasi sa kanya..huwag na ikaw..hayaan ka nalang niya pero mapilit siya.."garalgal

