Nang magmulat ako ng mata ay nanlaki ang mga mata ko lalo na at tumambad sa aking harapan si Julio. Agad akong napasandal sa headboard ng kama at itinakip ko sa aking katawan ang puting kumot. "lumayo ka sa akin!"puno ng galit na sigaw ko. Kumunot naman ang noo nito na para bang isang kataka takang galawan ang ginawa ko. "per--" "lumayo ka sabi!layuan mo ako!"malakas na sigaw ko. "sis anong nangyayari?may ginawa ba sa iyo si Julius?!"nakita ko ang pagbakas ng galit sa mukha ni kuya ng lapitan niya ako. "J-Julius?"I stuttered. "ang sabi mo ay hindi mo alam kung bakit hinimatay ang kapatid ko!bakit ganito ang kanyang naging reaksyon niya ng makita ka?!ha!"tumayo si kuya at akmang aambaan ng suntok si Julius na halatang naguguluhan sa nangyayari. Nakabalik ako? No! Ang katawan ko s

