bc

Daywalker Series 5: Derek Rivas, The Devil Flirt

book_age18+
1.1K
FOLLOW
2.9K
READ
murder
dark
forbidden
reincarnation/transmigration
family
arrogant
dominant
bxg
vampire
apocalypse
like
intro-logo
Blurb

MAHAL ni Farah ang trabaho niya bilang pulis. At sa propesyon din na iyon niya natagpuan ang lalaking unang nagpatibok sa kanyang puso. Ngunit dahil sa virus na kumakalat sa bayan nila na naging sanhi ng zombie apocalypse ay biglang naglaho ang mundong matagal niyang minahal. Nawala ang kanyang ina at mga kapatid, maging ang lalaking mahal niya.

But it’s not the end of the world when she meets Derek Rivas, one of her saviors. He opened the new world that she love instantly. Hindi niya akalaing mabilis siyang mahuhulog sa binata. Hindi hadlang ang dark side nito para maging komportable siya.

Alam niya’ng suntok sa buwan ang inaasam niyang sagot dahil hindi lang siya ang babaeng puwede nitong mahalin. Isang pekeng halik, iyon ang pinaghahawakan niya. Pero hanggang kailan siya aasa na mamahalin siya nito pabalik? Gayung ilang beses nitong sabihin sa kanya na gusto siya nito… bilang kaibigan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Derek’s Identity Name: Derek Rivas Age: 28 Height: 5’11’ Favorite Color: Black/White Short Profile: “Less talk more action” That was Derek Rivas. He was the second son of Dario. He’s lucky because he got his Dad’s charm. But he’s not the kind of vampire that always depends on their culture and legacy.  He’s wild sometimes. The only thing in the world can get him calm was the little seed of raspberry. He’s naughty, an arrogant vampire but has a good heart.   Chapter 1 HINDI ininda ni Derek ang natamong suntok mula sa kanyang ama. Sanay na siya sa pananakit nito. Kahit kailan ay hindi talaga sila magkasundo ng daddy niya. May sarili siyang prinsipyo na taliwas sa batas nito. “Kailan ka ba titino, Derek? Pag-aaral na nga lang ang gagawin mo, hindi mo pa siniseryoso! Ibang-iba ka sa kuya mo!” nanggagalaiting asik ni Dario sa anak. “I didn’t force Devey to be part of the organization. He voluntarily does his responsibility because he wants to help. What about you?” Derek wiped the blood from his ripped lip with his hand after accepting his dad’s punch. He didn’t mind the pain. He just stared at her mother while silently watching them. Kapag ganoong galit na galit ang daddy niya ay hindi na nakikialam ang mommy niya lalo na kapag may kasalanan siya. “I’m sorry Dad. I want to take a course in a normal school. I hate Sangre Academy. I want to be a normal pilot,” sabi niya. “In this times of apocalypse, there’s no normal school nor normal life, Derek. You have to accept the reality and adjust yourself. Mahirap bang initindihan ‘yon, Derek? Nakita mo naman ang sitwasyon natin. We’re not living in a normal world.” Bumaba na ang timbre ng boses ng daddy niya pero nasa mga mata pa rin nito ang galit. “I know that Dad, but I don’t like the rules of Sangre academy. There’s no freedom here.” “Do you want freedom? Then, leave us! Find the world that you think was compatible for you!” nawawalan ng pasensiyang sbai ng daddy niya. Pagkuwan ay iniwan siya nito. Lalo siyang nairita. Alam niya na hindi siya pakikinggan ng daddy niya at kukunsintihin sa gusto niya pero sadyang hindi niya gusto ang batas nito. Gusto nito kontrolin ang lahat. Nang napansin niya ang tangkang paglapit sa kanya ng mommy niya ay nagmadali siyang umalis. “Derek!” tawag ng mommy niya pero hindi niya ito nilingon. Palabas na ng academy si Derek nang masalabong niya sa bulwagan ang kuya niya’ng si Devey. Nakasandal ang kapatid sa paanan ng hagdanan at mukhang inaabangan siya. Isa rin itong kontrabido sa lahat ng desisyon niya but he didn’t feel bad at him. Siya itong may problema. Humakbang ito palapit sa kanya. “Saan ka na naman pupunta, Derek?” tanong nito. “Sa lugar na tahimik at walang namumuna sa mga ginagawa ko,” padaskol niyang sagot. Hinawakan ni Devey ang kanang balikat niya. “Pinagalitan ka na naman ni daddy, ano?” anito. “As usual. Kailan ba niya ako hindi pinagalitan?” “Eh kasi palagi mo siyang binibigyan ng dahilan para magalit sa ‘yo. Nahihirapan ka bang sundin siya? Wala namang mawawala sa ‘yo kung susundin mo siya. He just doing his responsibility as a good father. Walang mangyayari kung susunod ka.” “Akala mo lang wala, kuya!” He shrieked. He felt bad while comparing himself to Devey that he never got a degree in a normal school, unlike Devey. “Mabuti ikaw, nakaabot ka sa normal school! E ako, simple lang ang pangarap ko, bakit ayaw niya akong bigyan ng kalayaan? There’s a lot of countries that still free from virus. I can go there alone. Isa pa, nariyan ka naman para humalinhin sa kanya,” giit niya. “Hindi mo naiintindihan si daddy, Derek. May mas maganda siyang plano para sa atin.” “I don’t mind what his f*****g plan is! I want the freedom to choose my life, a freedom to decide!” “Then, do what you want.” Lalo siyang nairita. Iwinaksi niya ang kamay ng kapatid. “Pareho kayo ni daddy mag-isip. Aalis ako and please, don’t follow me,” aniya at tuluyan iniwan ang kausap. “Bahala ka sa buhay mo, Derek,” pahabol pa ni Devey. Umalis ng academy si Derek at naghanap ng komportableng lugar. Pero mukhang wala na siyang mapuntahang malapit na komportableng lugar sa gabing iyon. Mulaula sa rooftop ng limang palapag na gusali na kinatatayuan niya ay nakikita niya ang ilang taong infected ng virus na sumasalakay sa mga kabahayan. Naroon siya sa bayan ng Lapu-lapu. May ilang baranggay pa na hindi napapasok ng mga taong infected ng virus pero inuunti-unti nilang nire-rescue.  May mga tao pa kasing matitigas ang ulo at ayaw sumunod. Mas gusto ng mg ito na manatili sa kanilang mga bahay. Ang iba naman ay hindi naniniwala na nagiging halimaw ang infected ng rabia escota virus. May mga pulis nang nagroronda pero wala na siyang tiwala na magagawang pigilan ng mga ito ang mga halimaw. He can’t take to watch them. Kahit ayaw na niya sa Sangre Academy, his heart still willing to help those in need the way he wants. HINDI malaman ni Farah ang gagawin nang makita niya ang kasamang pulis na pinapapak ng lalaking infected ng virus. Hawak na niya ang kanyang baril pero sa sobrang nerbiyos ay hindi niya maiputok ang baril para sana barilin ang halimaw. Pakiramdam niya’y babaliktad na ang sikmura niya lalo pa’t parang sarap na sarap pa ang halimaw sa pagpapak ng bituka ng kasama niya. Kumislot siya nang biglang nasira ang bintana sa kanyang likuran. Lumusot doon ang kamay ng isa pang halimaw. Sa pagkakataong iyon ay naiputok niya ang kanyang baril at tinamaan sa ulo ang halimaw na babae. Pagkuwa’y tumakbo siya palabas ng opisina ngunit bumulaga sa kanya ang isa pang halimaw na mas maliksi kumilos. Bago ito tuluyang makalapit sa kanya ay binaril niya ang ulo nito. Dahil abot kamay na niya ito, tumalsik sa mukha niya ang malansa nitong dugo. Ayaw nang tumigil ng daliri niya sa pagkalabit ng gatilyo hanggang sa hindi na niya alam kung sino ang binabaril niya. Nagpa-panic na siya. “Aw! s**t!” daing ng lalaki. Pagtingin niya sa kanyang harapan ay nakatayo roon ang matangkad na lalaki, nakasuot ng itim na pantalon at itim na jacket. Titig na titig siya sa guwapong mukha nito. No, hindi apektado ng virus ang lalaking ito bakit niya binaril? Pagtingin niya sa kanang hita ng lalaki ay dumudugo iyon. Nagulat siya nang parang kidlat na bigla na lang sumulpot sa harapan niya ang lalaki-sobrang lapit, na halos pasan na niya ang bigat nito dahil nakayakap ito sa kanya habang ang isang kamay nito ay lumagpas sa ulo niya. Hindi siya nakagalaw dahil ga-daliri na lamang ang pagitan ng mga labi nila ng lalaki. Pero may naramdaman siyang mabigat sa likod niya, at may narinig siyang daing at haginit. Nang maramdaman niya ang mainit na likidong bumasa sa likod niya ay itinulak niya ang lalaking nasa harapan niya. Pagpihit niya sa kanyang likuran ay bumulagta roon ang halimaw na durog ang ulo. Tiningnan niya ang guwapong lalaki. Namumutakti sa dugo ang kamay nito. Malamang ang kamay nito’ng iyon ang dumurog sa ulo ng halimaw na malamang ay kakagatin sana siya. May kakaiba siyang nararamdaman sa kanyang puso habang nakatitig siya sa lalaki na matapang na dinudukot ng mahahabang kuko ang balang bumaon sa hita nito. Doon niya napagtanto na hindi ito ordinaryong tao. Maaring isa ito sa mga bampira na tumutulong sa kanila. Niligtas pa rin siya nito kahit na binaril niya ang hita nito. “Let’s go!” sabi nito sa kanya matapos nitong matanggal ang bala sa hita nito. Sasama na sana siya rito nang bigla niyang nakita si Alfred, ang boyfriend niya at katrabaho. Naroon ito sa kabilang opisina na salamin ang bintana. Tatakbo sana siya para tulungan itong makawala sa kamay ng mga halimaw ngunit sumabit ang kanang braso niya sa kamay ng estrangherong lalaki. “Bitawan mo ‘ko!” asik niya ngunit hindi siya nito pinakawalan. “Nakagat na siya! Kung tutulungan mo pa siya, mapapahamak ka rin!” sabi nito. “Hindi! Alfred!” sigaw niya. Tumulo na ang luha niya. Nang makita niya na pinag-aagawan na ng mga halimaw ang lamang-loob ng kasintahan niya’y parang dinudurog ang puso niya. Bigla siyang nanlumo. “Alfreeeeeed!” sigaw niya. Bigla na lang tinakpan ng lalaki ng palad ang mga mata niya saka siya nito binuhat. Namanhid na ang kanyang katawan dahil sa matinding emosyon.    WALANG maisip na ligtas na lugar si Derek para pagdalhan sa babae. Dinala niya ito sa family safe house nila sa Mactan. Nakatirik ang safe house nila sa isang isla sa gitna ng karagatan. Nagtatampo pa rin siya sa Sangre Organization kaya kahit sa mga safe houses ay ayaw niyang pumunta. Palilipasin muna niya ang gabi bago dalhin sa mas ligtas na lugar ang babaeng pulis. Nakatulog ang babae dahil sa sobrang pag-iyak habang buhat niya. Mugto ang mga mata nito. Naliligo ito sa dugo ng halimaw kaya ipinasok niya ito sa banyo. No choice siya kundi hubaran ito. Inihiga niya ito sa sahig at marahang hinubaran. He swallowed hard when her body was exposed. He needs to take off all her clothes even the underwear. Malansa kasi ito dahil sa dugo ng halimaw. Delikado rin baka may sugat ito at mapasok ng dugo. May bagong strain kasi ang virus na nakakahawa ang dugo ng infected. May mga galos pa naman sa binti ang babae. Mabuti na lang may mga damit pa siyang naroon sa safe house at mayroong gamit doon ang Ate Denniella niya. Nakakuha siya ng underwear at damit niyon sa kabilang kuwarto. Matapos punasan ang katawan ng babae ay kaagad niya itong binihisan dahil natutukso siya sa magandang katawan nito. Mahina siya sa babae pero may kontrol naman siya. Nang malinis na ito ay inilipat na niya sa kama at kinumutan. Maya-maya ay biglang nagsalita ang babae. “Alfred…” sambit nito. May kung anong pumipiga sa puso niya nang masilayan ang maninipis na luhang nangilid sa makikinis nitong pisngi. Naalala niya, gusto nitong iligtas ang katrabahong lalaki na nilamon ng halimaw. Sa tindi ng emosyon nito, ramdam niya na espesyal rito ang lalaking iyon. Nang mahimbing na ang tulog nito ay saka lamang niya iniwan. Umakyat siya sa rooftop upang lumanghap ng sariwang hangin. Sumandig siya sa poste ng kuryente at magkasunod na bumuntong-hininga. Naiinis siya sa tuwing naaalala ang mga sinabi sa kanya ng daddy niya. Ilang beses na siya nasaktan ng kanyang ama dahil sa pagpupumilit niya na mag-aral sa normal school sa ibang bansa. Pero sa kabila ng inis ay naalala niya ang sinabi ni Alessando noong minsan silang nagkuwentuhan. “I’m happy what my father’s plan for me. He was my idol, so I will follow his step. My ambition was to become a lawyer, but I realized that I need to be practical. So I chose the course that in demand in this generation that may help a lot, especially in this situation. I’m born to be a defender of mankind. I want to save lives, protect nature, and other creatures. You can find happiness anywhere. You can find freedom anytime. It’s up to you on how you handle the situation. But for me, the real freedom and happiness are those things where you found yourself comfortable and contented for what you had done.” Ibang-iba si Derek kay Alessandro. Siya ang naiinip sa pinsan na umiikot lang ang buhay sa laboratory. Pakiramdam niya’y walang lugar ang kalayaan sa ganoong trabaho. Iba siya, mas gusto niya’ng maglakbay sa iba’t-ibang lugar lulan ng sasakyang panghimpapawid. He wants to pursue his dream no matter what happen. Maya-maya ay nakaramdam siya ng aktibong enerhiya kaya nagpasya siyang bumaba sa ikalawang palapag. Pagpasok niya sa kanyang kuwarto ay naabutan niya ang babae na pilit binubuksan ang bintana. Dinampot niya ang remote control at pinindot ang open key para mabuksan ang bintana. Kumislot ang babae at umatras. Marahas itong humarap sa kanya. Namumugto ang mga mata nito at may bakas pa ng luha sa bawat gilid ng mga mata. He can’t deny that she’s beautiful. Her beauty was rare, natural, and attractive. Hindi naman ito kaputian pero makinis ang kutis. Maganda rin ang height nito, passable for her chosen profession. Pero napakaganda nitong pulis, feeling niya ay may mas nababagay na trabaho rito, a stewardess. Nakapusod pa rin ang buhok nito at may ilang hibla lang na nakalawit sa mukha nito. “Anong lugar ‘to?” matapang nitong tanong. “Nandito ka sa safe house ng family ko,” tugon niya. “Ibalik mo ako sa Lapu-lapu!” utos nito sa matigas na tinig. “Are you crazy? Naglipana pa ang mga halimaw sa bayan.” “Paano ang mga kamag-anak ko?” Nag-panic na ito. “I think they’re safe. Maraming mga kasama ko ang naroon sa lugar kaya natitiyak ko na ligtas sila.” “Paano kung hindi?” “Wala tayong magagawa, kapalaran nila ‘yon.” “Ibalik mo ako roon!” giit nito. “Bakit, may magagawa ka ba para iligtas sila?” inis na tanong niya rito. Hindi na kumibo ang babae. Tuluyang pumatak ang mga luha nito. Napaluklok ito sa silya sa gilid ng mesita. Humagulgol na ito. “Huwag kang mag-alala, bukas ay dadalhin kita sa safe house kasama ng mga tao,” sabi niya pagkuwan. “Bakit bukas pa?” Muli siya nitong sinipat. “Puwede naman ngayon para matiyak ko na ligtas ang mga kaanak ko.” Tiningnan niya nang matalim ang babae. “Huwag mo akong utusan, babae, makontento ka muna kung nasaan ka. At huwag mo nang ipilit na makababalik ka pa sa bayan dahil mga halimaw na ang madadatnan mo,” aniya. “Farah ang pangalan ko!” pasigaw na pakilala nito. Sanay ito sa military command and respect. Kaya siguro nababastusan sa way ng pagsasalita niya. Mukhang hindi sila magkakasundo. Ma-pride siya at bossy. Mainit pa rin ang ulo niya kaya hanggat maari ay ayaw niyang makipag-usap kahit kanino. “Hindi ko tinatanong ang pangalan mo,” masungit niyang sabi. “Huwag ka nang makulit. Matulog ka ulit at gigisingin na lang kita kapag umaga na.” Tumayo ito at hindi mapakaling palakad-lakad sa harapan niya. “Ano ba talaga ang nangyayari? Ang sabi ng mga eksperto, hindi nakahahawa ang virus na sinasabi nila. Bakit dumami ang mga biktima? Magiging halimaw rin ba ang boyfriend ko na kinagat nila?” palatak nito. “Malamang oo. Iyon ay kung buo pa ang katawan niya matapos siyang papakin ng mga halimaw,” sagot niya. Humagulgol na naman ang dalaga. Naiirita siya sa iyak nito. “Hindi maibabalik ng luha mo ang boyfriend mo kaya tumahimik ka riyan. Ayaw ko ng maingay!” saway niya rito. Tumahimik ang dalaga at tinitigan siya nang masama. “Hindi mo ako naiintindihan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko!” Masyado siya naartehan sa babae. “Pamilyar ako sa linyang iyan. Huwag kang mag-drama sa harapan ko, hindi ako naghahanap ng drama artist. Kung nagugutom ka, bumaba ka sa ground floor at hanapin mo ang kusina. May stock na lulutuin doon, magluto ka. Feel at home, baby. Huwag ka lang maingay,” sabi niya sabay bira ng talikod. Wala siyang pakialam sa emosyon ng babae pero may pakialam siya sa buhay nito. Marami pa itong magagawa sa mundo kaya hahayaan muna niyang mabuhay. Lalo lang siyang naging iritable dahil dito. Paglabas niya ay narinig na naman niya ang hagulgol ng dalaga. Bumuntong-hininga siya. “Ano ba ang iniiyakan niya? Ang namatay niyang boyfriend? Hindi naman ‘yon guwapo at mukhang sugapa rin sa babae,” wika niya habang pinapakinggan ang hagulgol ng babae. Madalas kasi niya nakikita noon ang boyfriend ng dalaga dahil kasa-kasama siya ng Tito Trivor niya sa istasyon ng mga pulis. Sa ibang istasyon ay nakita niya ang lalaking iyon na may kalampungang babaeng pulis. Sigurado siya na hindi iyon si Farah. Obvious naman na two timer ang lalaking iyon kaya naiinis siya kay Farah na iniiyakan pa ang babaerong nobyo. Karma na ika niya ang nangyari sa lalaking iyon. SINISILIP ni Derek si Farah na nagluluto sa kusina. Pasado alas-diyes na ng gabi. Mukhang sanay sa kusina ang dalaga dahil alam nito kung saan hahanapin ang mga sangkap ng lulutuin nito at mga kobyertos. Kabibisita lang niya roon noong isang araw kaya marami pa siyang stocks na karne at mga gulay. Nang maamoy niya ang ginigisa nitong sibuyas ay saka lamang siya nakaramdam ng gutom. Isang taon na niya iniwasan ang pag-inom ng dugo ng tao dahil sa kagustuhan niya’ng mabuhay na normal. Hindi iyon madali pero ipinagpatuloy niya. Gusto niyang patunayan sa daddy niya na mapapanindigan niya ang kanyang desisyon. “Hello, Narian!” tinig ni Farah. Tiningnan niya ang babae na may kausap sa cellphone. Mabuti naisalba nito ang cellphone nito na nasa bulsa ng pantalon nito. “O-okay lang ako! Ikaw? Nasaan ka?” sabi nito sa kausap. Mama-maya humagulgol na naman ang dalaga. Marahil ay hindi maganda ang natanggap na balita. “Wala na rin si Alfred…” humihikbing patuloy nito. Tumikwas ang isang kilay niya. Iritang-irita na siya sa iyak nito, nanririndi ang tainga niya. Ayaw talaga niya’ng makakita ng iyaking tao at masyadong marupok. Maya-maya ay nangamoy sunog na kung anong niluluto nito. Hindi siya nakatiis, sinugod niya ang dalaga nang makitang umapoy na ang ibabaw ng kawali. In-off niya ang kalan pero hindi namatay ang apoy sa kawali. Hihigupin sana niya ang apoy gamit ang kanyang kamay pero naunahan siya ng dalaga. Isinaklob nito ang basang basahan sa ibabaw ng kawali at mabilis na naapula ang apoy. Hindi niya naisip na puwede pala iyon. Nakalimutan niya’ng pulis ang babae, malamang may alam ito kung paano apulahin ang ganoong klaseng apoy. May mga apoy kasi na hindi basta napapatay ng tubig lang. Hawak pa rin ng dalaga ang cellphone nito at may kausap. Parang balewala rito ang nangyari. Ibinabad lang nito sa tubig ang kawali saka pinalitan ng bago. Sa pagkakataong iyon, nakitaan niya ng kakaibang karesma ang babae, na alam niyang bihira niya matatagpuan sa iba. Kakaibang tapang ang meron ang dalaga, bagay na isa sa katangiang gusto niya sa isang babae. Ang ayaw lang niya ay ang iyakin nito, well, he can’t blame her. She lost her loved ones. “Be careful, please. Mapapatay ako ng tatay ko kapag nasunog itong bahay,” sabi niya sa dalaga. Tumango lang ito at hindi mabitawan ang cellphone. May kausap pa rin ito. Pagkuwa’y iniwan na niya ito. Tinungo niya ang swimming pool sa rooftop at naligo.      

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Faithfully

read
266.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

SILENCE

read
381.1K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.3K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.6K
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook