Chapter 2

3613 Words
UMAGA na pero hindi pa rin nakikita ni Farah ang lalaki na sumagip sa kanya mula sa mga halimaw. Kahit may pagkasuplado ang lalaking iyon ay pasalamat pa rin siya at iniligtas siya nito. Nakapag-almusal na siya. Niluto niya ang nag-iisang malaking isda na nakita niya sa freezer. Nakabibingi ang katahimikan sa tatlong palapag na bahay. Hindi na siya makatayo dahil sa kabusugan. Kapag dry talaga ang ulam katulad ng pritong isda ay marami siyang nakakain. Napatayo siya nang makarinig siya ng yabag na pababa ng hagdan. Pinagmasdan niya ang almusal na nakahain sa lamesa. Hindi siya sigurado kung magugustuhan iyon ng lalaki. Mukhang maselan pa ata. “How’s your morning? Have you done your breakfast?” Nagulat siya sa biglang pagsalita ng lalaki. Namataan niya itong nakatayo sa bukana ng pintuan. May sampung segundo siyang tulala at nakatitig lang sa lalaki. He was half-naked. Nakasuot lang ito ng itim na boxer. Napalunok siya nang maglakbay ang tingin niya sa katawan nito, lalo na sa matipunong dibdib nito at puson na may nagkaparte-parting muscles. Bukod sa magandang katawan, maganda rin ang mukha, ang lakas ng s*x appeal. Saka lamang niya na-appreciate ang pisikal nitong katangian nang kumalma siya mula sa panic attack. Though may kasungitan ang hilatsa ng mukha nito, have arrogant looks, his s*x appeal was the most alluring. Halata na may lahi itong banyaga. “Hey! Are you okay?” pukaw nito sa kanya. Kumislot siya at biglang napatango. “Uh, y-yes, o-okay lang ako,” nautal pang sagot niya. “Good. We will proceed to the safe house later,” sabi nito. “Ahm, may niluto akong almusal, hindi ka ba muna kakain?” aniya. Tiningnan nito ang nakahain sa lamesa. Pagkuwa’y ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Hindi ako kumakain ng kanin sa umaga. Isa pa, luto lang ng mommy ko ang kinakain ko,” wika nito pagkuwan. “You’re a Mamas’ boy,” amuse na komento niya. “What do you mean?” kunot-noong tanong nito. “I mean, you can’t live without your mother.” Bumungisngis ang lalaki. “I didn’t think I was like that. But that’s true. Mas gusto kong kasama madalas ang mommy ko kumpara sa daddy ko.” “Bakit? Mahigpit ba sa‘yo ang daddy mo?” “Uh…” tumitig nang mataman sa kanya ang lalaki. Saka ito umiling at ngumiti. “Bakit ba ako nagkukuwento sa isang estranghero?” masungit nitong sabi saka siya tinalikuran. Nagsalubong ang maninipis na kilay ni Farah. Napakaantipatiko talaga nito. Iniligpit na lang niya ang mga pagkain at ipinasok sa refrigerator. Pagkatapos ay pumasok siya sa inuukupa niyang kuwarto at sanay maliligo. Naalala niya, wala siyang extra na damit. Nag-init ang mukha niya nang maalala na iba na ang suot niyang damit. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi nang maisip na ang estrangherong lalaking iyon ang nagpalit ng damit niya. Maging underwear niya ay nag-iba. Medyo maluwag sa kanya ang bra. “Grabe, nakita na niya ang private part ko. Tatay ko lang at kuya ang unang lalaki na nakakita sa katawan ko, not even Alfred,” usal niya habang pabalik-balik sa banyo. Maya-maya ay may kumatok sa pinto ng kuwarto. Nag-aapura pa ito. Napatkbo tuloy siya saka binuksan ang pinto. Nagulat siya nang biglang pumasok ang lalaki at isinara ang pinto. “B-bakit?” natatarantang tanong niya. Tinakpan nito ang bibig niya ng palad. “Don’t talk, okay?” anas nito na halos magdikit na ang mga mukha nila. Tumango siya. Pinakawalan nito ang bibig niya saka ito lumapit sa pinto. May naririnig siyang mga yabag sa labas at boses ng kalalakihan. May ibang tao! No, baka hindi basta tao ang mga ito. “Sino sila?” pabulong na tanong niya. Tinakpan ulit nito ng palad ang bibig niya. “I said don’t talk,” tiim-bagang na sabi nito. Nang papalapit na ang mga yabag ay hinatak siya nito papasok sa banyo. Nagulat siya nang bigla siya nitong niyakap nang mahigpit. Dumikit ang likod niya sa dingding. Nakasubsob ang mukha niya sa matigas nitong dibdib. Ang bango nito. Ang sarap ng tigas! “Maamoy ka nila kaya itatago ko ang aura mo sa katawan ko,” bulong nito sa tainga niya. “Kailangan na nating umalis dito. Baka mahuli nila ako.” Tinakpan nito ang mga mata niya ng palad saka tila lumipad sila. Bahagya siyang nahilo. Pagmulat niya ng mga mata ay nasa ibang kuwarto na sila. Saka lamang siya nito pinakawalan. “A-anong nangyari?” manghang tanong niya. “Huwag ka nang magtaka. Isa akong hybrid vampire. Kaya kong mag-teleport sa ibang lugar. Where here in my yacht,” anito. Nagbukas ito ng closet saka kumuha ng damit. Nawindang siya. Ang ganda ng kuwarto. All white ang paligid maging kama at mattress. Sumilip siya sa maliit na salaming bintana. Napapaligiran sila ng karagatan. Lumabas naman lalaki at hindi na bumalik. Naramdaman na lang niya na umaandar na ang yate. Dalawang oras lang ang biyahe nila. Napalabas ng kuwarto si Farah nang huminto na ang yate sa munting pantalan. Marami ring yate roon. Bumaba na rin ang lalaki na hindi pa niya alam ang pangalan. “We're here in the safe house. Ito ang Sangre Island at dito dinadala ang ibang tao na survivor,” sabi nito. Nasasabik siya nang maalala na iyon ang isla na sinabi ng pinsan niyang si Narian. Naroon daw ang mga ito. Sumunod kaagad siya sa lalaki nang bumaba na ito sa hagdan. Malaki rin ang isla na iyon, maraming punong kahoy. Malayo iyon sa ibang isla kaya ligtas sila. Pagdating nila sa compound ay namataan kaagad ni Farah ang kanyang ina kasama si Narian. Sa sobrang pananabik ay hindi na niya hinintay ang mga ito na makalapit. Sumugod siya at unang niyakap ang umiiyak niyang ina. “Salamat at ligtas ka, anak! Hindi ako nakatulog sa kakaisip sa ‘yo. Nasaktan ka ba, ha?” nag-aalalang wika ni Aleng Rosario. Napaluha ito. “Ayos lang po ako, Ma. Kayo po?” aniya. Naluha na rin siya. “Mabuti naman. Pinuntahan ako ni Narian sa opisina at sumama kami sa mga kalalakihang nagliligtas sa mga tao,” pupungas-pungas na kuwento nito. “E bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling? Sino ang nagligtas sa ‘yo?” walang prenong tanong nito. Hindi nasagot ni Farah ang mga tanong ng ina. Nilingon niya ang lalaking nagligtas sa kanya. May sampung talampakan ang layo nito sa kanila. Nakapamulsa ito habang nakatayo at nakatingin lang sa kanila. “Siya ba ang sinasabi mong lalaki, Insan?” tanong ni Narian, nagningning ang mga mata. Tumango siya. Awtomatikobf pumitik ang kamay ng kanyang pinsan at hinagip ang kanang braso niya. Hinila siya nito palapit dito at bumulong. “Gaga ka, paano mo napalipas ang gabi na hindi naroromansa ang guwapong nilalang na ‘yan, ha?” gigil na bulong nito sa kanya. Siniko niya ang puson nito. “Gaga ka rin, ni hindi ko makausap nang matagal ‘yan. Makunat pa sa kalabaw,” bulong din niya. “E kasi nagluluksa ka sa pagkawala ni Alfred kaya hindi ka lumalandi.” Lumayo siya kay Narian nang napansin niya na papaalis na ang tagapagligtas niya. Saka niya naalala na hindi pa siya nakapagpaalam rito at nakapagpasalamat. Hinabol niya ito. “Sandali lang!” pigil niya sa lalaki. Huminto naman ito at humarap sa kanya. Bumuntong-hininga siya. “T-thank you… sir,” magalang na sabi niya. Matagal na nakatitig lang sa mukha niya ang lalaki. “My name is Derek Rivas,” seryosong pakilala nito saka tuluyang umalis. Unti-unti nang naglalaho sa paningin niya ang bulto ng lalaki pero nakapako pa rin ang paningin niya sa direksiyon nito. Gumuguhit pa rin sa diwa niya ang seryosong mukha ng binata. At dahil doon ay hindi niya namamalayan na nasa tabi niya si Narian. “Hmmm… God is good, you don’t need to rely on the step-by-step way of moving on. He’s perfect. Ang pogi!” kinikilig na sabi ni Narian. Nahimasmasan siya nang marinig ang boses ni Narian na nagsalita. Wala talagang pinipili ito pagdating sa guwapong lalaki. Kahit zombie siguro na guwapo papatulan nito. Loka-loka talaga. Saka naman nagsimulang kumirot ang dibdib niya dahil sa alaala ni Alfred. Hindi pa rin matanggap ng sistema niya ang nangyari sa nobyo. Ang ganoong ka-brutal na kamatayan ay mahirap kalimutan, lalo pa’t nasaksihan niya. Hindi niya napigil ang pangingilid ng kanyang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. “Stop wasting your tears. Kung ako ang huhusga, malamang karma na ni Alfred ang nangyari sa kanya,” sabi ni Narian. Hindi niya napigil ang sarili na sampalin ang pinsan dahil sa sinabi nito. “Alam ko’ng may kasalanan si Alfred, Narian! Pero hindi makatarungan na kamatayan ang kabayaran ng kasalanang iyon!”asik niya habang hilam sa luha ang mga mata. “Nagawa ko siyang patawarin dahil desidido siya sa paghingi ng tawad! Binigyan ko siya ng pagkakataon na bumawi dahil ramdam kong mahal niya ako at mahal ko siya!” Lalo siyang naging emosyonal. “Katangahan ang tawag d’yan, Farah! Dalawang beses kang niloko ni Alfred,” giit pa nito. “Hindi ka ba nadala? Una; nagsinungaling siya na wala siyang naging karelasyon maliban sa ‘yo, pero may anak siya. Pangalawa; nahuli ko siya na may ka-table sa isang night club. Yes, everyone deserves a second chance, but paulit-ulit? No, that’s over!” “Tama na! Patay na si Alfred, isusumbat pa ba natin ‘yon sa kanya?” Kumibit-balikat si Narian. “Naiinis lang kasi ako na naririnig o nakikita kang halos malagutan ng hininga sa kakaiyak,” sabi nito saka siya iniwan. Humagulgol siya. Kaagad naman siyang nilapitan ng kanyang ina at niyakap. “Tama na, anak. Tanggapin mo na lang na wala na si Alfred,” alo nito sa kanya. Hindi na siya nakakibo. Pagkuwan ay isinama siya ng ginang papasok sa tatlong palapag na gusali at malawak. Para itong ospital. Hindi rin naman niya kayang tiisin ang kanyang pinsan. Kahit madalas siyang kontrahin ni Narian sa mga desisyon niya, ni minsan ay hindi niya ito nilayuan. Ito lang kasi ang maituturing niyang best friend at kapatid. Sampung taon siya noong pumanaw ang nakatatandang kapatid niyang babae dahil sa bone cancer. Iniwan din sila ang kuya niya, na sa kagustuhang matakasan ang mahigpit nilang tatay ay piniling mangibang bansa at doon namuhay. Halos perpekto ang pamilya niya noon, hanggang sa unti-unting nawala ang mga mahal niya sa buhay. Wala na silang balita sa kuya niya. Walong taon pa lamang siya noong lumayas ang kuya niya at sumama sa isang kaibigan. Tanging ina na lamang niya ang kanyang kasama. Iniwan din sila ng tatay niya dahil sa malubhang sakit sa atay. Bago siya tuluyang nakapasok sa gusali ay dumaan pa siya sa thermal scanner. Nairehistro ang kanyang pangalan at kinuhaan siya ng blood sample at isinalang sa swab test. Nakahiwalay ang kanyang kuwarto sa kanyang kaanak. Kailangan daw muna niyang mag-quarantine habang wala pang result ng test. KAHIT nakatanggap si Derek ng mensahe mula sa kanyang ina ay hindi pa rin siya umuwi sa bahay nila, o kahit sa academy. Alam niya’ng sermon lang ang sasalubong sa kanya mula sa daddy niya. Dahil wala nang mapuntahang komportableng lugar, nagtungo siya sa bahay ng mga Clynes. Alam niyang wala doon si Alessandro pero natitiyak niya na naroon ang Tito Zyrus niya. Stepbrother ng dad niya si Zyrus. Magkapatid ang mga ito sa ama. “What can I do for you, Derek?” bungad sa kanya ng abalang doktor. Nadatnan niya ito sa laboratory nito kung saan siya hinatid ng awasa nito. “I’m bored, Tito,” aniya. “Palagi ka namang bored. Lalo kang maiinip dito.” Inalis ni Zyrus ang suot na mask at binitawan ang hawak na measuring cup. Hinarap siya nito. “Kung naging anak kita, itatapon kita sa Mars,” sabi nito. Tumawa siya nang pagak. “Dahil ba wala akong silbi?” aniya. “Nope. Because you’re weird. May sarili kang mundo. You’re an alien. Sa lahat ng anak ni Dario, ikaw lang ang naiiba.” “In short, I am the black sheep of our family?” Natawa siya. “Exactly. But when it comes to ability and knowledge, you’re better than them. Ang kaso, matigas ang ulo mo. Palaging dumadaing sa akin si Dario tungkol sa ‘yo. Ang sabi pa niya, bunga ka ng pagmamatigas ni Martina noon sa pagtanggi na gagawin siyang imortal. Ipinagbubuntis ka pa lang noon ng mommy mo, noong kamuntik na silang maghiwalay ni Dario dahil sa issue na ‘yon. Ipinipilit kasi ni Martina na maipanganak kang normal na tao, but it was impossible. Inaway pa niya ako dahil hindi ko kinunsinti ang gusto niya. Tinakot pa niya kami ni Dario, na aalis siya ng bansa kasama ka. Kilala mo naman ang mommy mo, padalus-dalos sa pagdedesisyon. Pero noong naipanganak ka, hindi ka nakitaan ng solar energy sa katawan kaya nakalimutan ni Martina ang plano niya. She was expected that you are normal, unlike kay Devey na masyadong mainit ang dugo,” kuwento ni Zyrus. “Pero naglalabas pa rin ng apoy ang katawan ko,” aniya. “Pero hindi kasing tindi ng kay Devey at Damian. Kaya ganoon si Devey at Damian ay dahil pareho silang may solar stone sa katawan. Hinda ka nalagyan ni Dario dahil ayaw ni Martina. Ang apoy sa dugo mo ay namana mo sa twentieths generation na ninuno natin. Mga bampira sila na nakatira sa paligid ng magma ng bulkan. Dahil sa sobrang lamig ng temparatura ng mga katawan nila, nanirahan sila sa bulkan. Hanggang sa isa sa babaeng angkan natin ang nakipagrelasyon sa nilalang na ipinanganak sa bulkan, isang nilalang na may dugong apoy. Isinilang niya ang mga supling na may maiinit na dugo, at isa sa mga iyon ang pinagmulan ng mga ninuno ng ina ni Dario. Hindi ako kabilang sa angkan na iyon, actually, dahil magkaiba ang nanay namin ni Dario. Nakalulungkot lang isipin dahil hanggang sa henerasyon ninyo ay nananalaytay pa rin ang isinumpang dugo na iyon,” kuwento ni Zyrus. “Pero bakit kailangan pang magtanim ni Daddy ng solar stone sa katawan ni kuya at Damian? Alam niyang delikado ‘yon.” “Solar, kasi ang init ay nagmumula sa araw hindi sa apoy. Dahil sa solar stone, nakukontrol din ang init sa dugo. Naisip niya ‘yon dahil alam niya na matutunaw ang mga bampira sa sikat ng araw. Hindi ako sure, pero ang alam ko sinadya niyang lagyan ng solar stone si Devey, dahil ito ang gagawin niyang sandata laban kay Dr. Dreel.” “He use us as his secret weapon. Is he in a good mind? Bakit ang sama niya sa kanyang ama?” inis na sabi niya. Nanlaki ang mga mata ni Zyrus. Inayos nito ang suot na eyeglasses. “Don’t judge your father, Derek. Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan niya bago niya nakamit ang kalayaan mula sa aming ama at malupit na angkan. I’m sure you don’t know how bad your grandfather is. Hindi mo inabutan ang sobrang kalupitan ni Dr. Dreel. He’s the creature of rabi escota virus that suddenly destroying the humanity.” “I heard a lot about him but I don’t care. In human rights, there’s always a second or third chance. We’re not a God of all creatures, so we can‘t hold the curse for someone who made sins against us. We have to forgive, forget and move on. No one created as perfect. I think viruses are part of a human prophecy. We can’t avoid it,” giit niya. “You don’t understand, Derek. The virus was not from the nature. Kaya ginagawa lahat ni Dario para masugpo itong virus na likha ng ama namin. We’re are working hard for this. Tanggapin mo na ang kapalaran mo na maging parte ng organisasyon at gawin ang responsibilidad mo. Tayo lang ang makakatulong sa mga tao sa panahong ito dahil alam ang kahinaan ng mga kalaban. Kailangan nating magtulungan.” Tinitigan ni Derek ang maliit na bolang kristal na hawak ni Zyurs. Inilapit pa nito iyon sa kanyang mukha. “Good thing you are here. I have something to show you,” sabi nito. Napaatras siya ng isang hakbang nang biglang lumiwanag ang bola at nahati sa gitna. Mayroong lumulutang perlas sa gitna, na siyang pinagmumulan ng liwanag. “What’s that?” naniningkit ang mga matang tanong niya. “Napulot ni Jegs ang bola na ito sa dalampasigan ng Mactan. Ang perlas ay nagmula sa isang kabebe. Pero ang bola na ito ang nagsisilbing proteksiyon niya. Ang katakataka, bakit may isang babae na umaaligid dito sa bahay para makuha ang perlas. Ibibigay ko sana sa kanya ang perlas pero ayaw niyang tanggapin. Inutusan pa ako na ako na lang daw ang magbigay nito sa babaeng tinawag niya’ng Fatty. May nag-utos lang daw sa kanya na ibigay ang perlas. Ang babae ay isang dayuhang day walker vampire.” Hindi interesado si Derek sa kuwento ng perlas. Pero interesado siya sa mismong perlas dahil bata pa lang siya ay gustong-gusto na niyang makahawak ng tunay na perlas. Bihira na raw makaahanap na perlas sa karagatan ng Asya. Mayroon kasi siyang pangarap na proposal sa isang babaeng papakasalan niya. Dadalhin niya sa magandang karagatan ang babae at doon niya ibibigay ang singsing na may perlas. Pangarap din niya ang under the sea wedding. Inalis na muna niya sa kukoti ang pangarap na iyon dahil hindi siya sigurado kung matutupad pa iyon. “Sobrang busy ka, Tito, paano mo maibibigay kay Fatty ang perlas? At sino ang matinong agent na makapaghanap sa Fatty na ‘yon na walang eksaktong palatandaan? Ano ba ang magagawa ko para maging akin ang perlas na ‘yan, Tito?” pilyong sabi niya. Awtomatikong isinara ni Zyrus ang bola. “No way! Alam ko ang plano mo, Derek.” Ibinulsa ni Zyrus ang bola. “Puwede mo namang idahilan sa babaeng day walker na naiwala ng anak mo ang perlas matapos paglaruan,” aniya. “Tinuruan mo pa akong magsinungaling. Plano ko nga na ibalik na lang sa dagat ang perlas.” “Go, Tito!” tudyo niya. “Dahil alam mo na, nagbago na ang isip ko. Alam kong sisisirin mo rin ang dagat makuha lang ang perlas.” Zyrus knows what is his dream wedding. “Ang damot mo talaga, Tito. Don’t worry, kapag wala akong nakitang deserving na babae ay ibabalik ko sa ‘yo ang perlas.” “Paano kung biglang dumating si Fatty?” “I will burn that Fatty!” “Hell! Bakit ko pa ba sinabi sa ‘yo itong perlas? Kilala kita.” “Then, give me that f*****g pearl, Tito! Kung hindi, sasabihin ko kay Tita Ellie na pinapapunta mo si Sandro sa Spain mag-isa para harapin si Howard ng Libertad!” pananakot niya. Alam kasi niya na ayaw ni Ellie na pumupunta sa ibang bansa si Alessandro. Mas gusto pa nitong palaging nakikita sa loob ng laboratory ang anak, at least hindi daw napapahamak. Mabilis na inilabas ni Zyrus ang bola ng perlas at ibinigay sa kanya. Kaagad naman niyang kinuha ang bola baka bawiin pa, eh. “Ngayon ko lang nadiskubre na takot ka rin pala sa asawa mo, Tito Zyrus,” pilyong sabi niya. “Hindi ako takot sa kanya, mahal ko lang siya at ayaw ko na nagagalit siya sa akin,” anito. “Pero nagsisinungaling ka sa kanya.” “Alam mo, Derek, minsan sa buhay, kailangan mong magsinungaling para sa kapakanan ng nakararami. Kaya ko ipapadala si Sandro sa Libertad ay para personal niyang makausap ang matandang doktor. Hindi kilala ng nakararaming bampira si Sandro, at wala siyang bad record sa libertad.” “Paano kung sasaktan siya ni Howard?” “Walang puwedeng manakit kay Sandro. He was a curse, na kung sinaktan mo ay babalik sa ‘yo ang sakit. Howard knows a lot about me and my mother. Alam niya na kapag sinaktan o pinatay niya si Sandro ay buong angkan ng mga dark blood vampire ang makakalaban niya. Dark blood vampire ang nanay ko, at sila ang may pinakamalaking angkan sa mundo. Mas magaling si Sandro sa akin, kaya tiwala ako na matututunan niya kaagad ang kaalaman ni Dr. Swarz.” “Baka dito na kayo maghihiwalay ni Tita Ellie, Tito,” kaswal na sabi niya. Masaya na siya sa hawak niyang perlas. “Hindi ako ipagpapalit ni Ellie sa pride niya. Wala siyang malalaman sa plano ko, basta huwag ka lang makialam.” “Fine. Basta akin na itong perlas.” He grinned while staring at the crystal ball of pearl. “Don’t you dare, Darek! Ibabalik mo ‘yan kay Fatty!” Nanlaki ang mga matang dinuro siya ni Zyrus. “Iyon ay kung hindi ako pinalad na makatagpo ng mapapangasawa.” Umatras na siya para makaalis na. Bumuntong-hininga si Zyrus. “Now I know kung bakit sumasakit ang ulo ni Dario sa ‘yo. You can get what you want. Sana makatagpo ka ng babaeng iiyakan mo,” anito. Tila sumpa ang sinabi nito. Umismid siya. He’s not afraid. He will never cry for a woman. “Ako iiyak? Never, Tito!” simpatikong sabi niya habang papalayo sa kausap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD