Chapter 3

2488 Words
ISANG linggo pa lamang si Farah sa isla ay ramdam na niya ang pagkainip. Umaasa pa rin siya na babalik sa normal ang buhay nila kahit sinabi na ng mga bampira na wala pang kasiguraduhan kung makababalik sila sa normal nilang buhay. Labis siyang nalulungkot sa nangyayari. Kahit kompleto ang pangangailangan nila sa isla ay hinahanap-hanap pa rin niya ang kanilang tahanan. Buhat sa pagkakaupo sa malaking bato sa pampang ng dagat ay napatayo si Farah nang inakala niya na si Derek ang lalaking paparating lulan ng speed boat. Nang makababa ito ay saka niya naaninag ang mukha nito. Hindi ito si Derek, kahawig lang. “Hi! I’m Devey, isa ako sa miyembro ng Sangre Organization. Meron akong sasabihin sa inyo,” sabi ng lalaki pagkalapit sa kanya. Pagkuwa’y sumunod siya rito pabalik sa compound. Tinipon nito lahat ng bagong survivor sa malawak na bulwagan. “Alam ko na ang iba sa inyo rito ay naiinip na lalo na ang mga bagong dating. Ang Organization namin ay may offer na trabaho. Magkakapera kayo at makakatulong pa kayo para maibigay ang sapat na pangangailangan ng mga survivor. May itinayong iba’t-ibang pabrika ang organisasyon. Ang ibang interesado naman na sumama sa aming operasyon ay malugod naming tinatanggap. Bukas din ang organisasyon namin para sa mga interesadong magsilbi sa sangre academy at sa organisasyon. Nangangailangan kami ng maraming tao na magtatrabaho para sa amin. Layunin namin dito na mas mapatibay pa ang relasyon ng mga tao at mga bampira. Nangangako ang aming pinuno na tutugunan ang inyong pangangailangan at higit sa lahat ay hihigpitan namin ang pagpuprotekta sa inyo. Para sa mga interesado, pakisulatan po ang registration form na ibibigay namin sa inyo. Nakalagay roon ang trabahong maari ninyong piliin. Maya-maya rin ay isa-isa naming tatawagin ang mga aplikante,” sabi ng nangangalang Devey. Kumuha ng isang registration form si Farah. Iyon na ang pagkakataon niya para maibsan ang kalungkutan. Pinili niya ang pagsama sa mga operasyon ng sangre organization. Alam niya na karapat-dapat siya sa kanyang pinili dahil may tatlong taon na rin siya sa police operation. Si Narian ay piniling magsilbi sa sangre academy bilang clinic staff. Hindi naman nito kinontra ang desisyon niya. Alam naman nito na kakayanin niya ang trabaho sa labas. Kinabukasan ng umaga… Inihanda na ni Farah ang sarili para sa paglipat nila sa sangre academy. Doon daw sila titira. Mas pinili naman ng nanay niya na maiwan sa isla. Naroon ang ibang kaanak nila kaya hindi na niya kailangang mag-alala. Habang naghihintay ng sundo nila ay tumambay muna siya sa dalampasigan. Kanina kasi ay naiingganyo siyang maligo pero dahil malalaki ang alon, mga paa na lang niya ang binasa niya. Sa ‘di kalayuan ay may natatanaw siyang paparating. Una, naisip niya baka si Devey ulit iyon sakay ng jet ski. Pero habang papalapit ang sasakyang pandagat ay nagkandahaba ang leeg niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya maaring magkamali. Si Derek ang sakay ng itim na jet ski. Suot nito’y itim na wet suit at may suot na sunglasses. Umatras siya nang mapansin na sa direksiyon niya ito hihinto. Basang-basa ang lalaki. Bumaba ito ng sasakyan at itinaas sa ulo ang suot na salamin. Naniningkit ang mga matang nakatingin ito sa kanya. Mataas na kasi ang araw. “How’s your stay here?” bungad nito sa kanya. “Maganda lang sa simula,” mabilis niyang sagot. “Tiisin mo lang. Masasanay ka rin dito,” sabi nito at kumilos upang iwan siya. “Lilipat ako sa sangre academy mamaya,” sabi niya. Huminto sa paghakbang si Derek at marahas na tumingin ulit sa kanya. “Why?” curious na tanong nito. “Magtatrabaho ako sa Sangre organization,” tugon niya. Dumilim ang aura ni Derek. “Who offered you the job?” may pait sa tinig na tanong nito. “Devey ang pangalan ng lalaking nag-offer sa amin ng trabaho. Mas maganda nga iyon para hindi kami mainip dito sa isla.” “Pero alam mo ba kung paano nagtatrabaho ang miyembro ng Sangre organization?” Tila nagduda pa ito sa kakayahan niya. “May mga choices naman daw for operation.” “Yeah, but those choices are dangerous.” Tumaas ang timbre ng boses nito. “Pulis ako, sanay ako sa mapanganib na trabaho.” “So? Sa Sangre organization, hindi lang basta kriminal ang tinutugis ninyo.” “Mabilis lang akong matuto ng mga bagay-bagay.”   “Fine. Ano ba ang pakialam ko sa buhay mo?” pagkuwa’y sabi nito at bigla siyang iniwan. Nagsalubong ang maninipis niyang kilay habang hinahatid ng tingin si Derelk. “Ang sungit talaga ng lalaking ito. Kala mo galit sa mundo,” maktol niya. Binalewala na lamang niya ang mga sinabi ni Derek. Na-excite siya sa pagdating ng aircraft. Bumalik na siya sa compound.   “HINDI na talaga nadala si Daddy!” inis na sabi ni Derek habang patungo siya sa kalalapag na aircraft. Namataan niya si Devey na kabababa. Hinarang niya ito. “Oh, Derek, nandito ka lang pala. Hindi kita nakita kahapon dito,” gulat na bungad ni Devey. “Kararating ko lang dito,” seryosong sabi niya. “So saan ka nanggaling?” Hindi niya sinagot ang tanong nito. “Akala ko ba hindi na kukuha ang organisasyon ng mga tao para isama sa operasyon? Ano na naman ba ang nakain ni Daddy?” nanggagalaiting sabi niya. Pumalatak na siya. Bumuntong-hininga si Devey. “Ang mga tao ang nagpresenta na tumulong. Maraming hukbong sandatahan na gustong tumulong sa atin. At siyempre, hindi naman hahayaan ni Daddy na basta sila pababayaan na sumugod sa kaaway. Lumalaki na ang grupo ng black ribbon,” paliwanag ni Devey. “Walang laban ang mga tao sa kanila.” “May mga armas nang ginawa ang grupo para magamit ng mga tao. Huwag kang mag-alala, nakaplano ang lahat.” Naalala niya bigla si Farah, na nalaman niya’ng sasama sa operasyon ng sangre organization. “How about the girls? May babaeng kasama sa operasyon,” aniya. “That’s not a problem. May magagaang trabaho para sa kanila. Isa pa, lahat na babaeng tinaggap namin ay mga active police at army. They are trained and physically fit.” “Paano ka nakasisiguro?” Nginitian lang siya ni Devey. Pagkuwa’y iniwan na siya nito. Hindi pa rin umuuwi si Derek sa bahay nila, at lalong hindi sa academy. Bumalik siya sa Lapu-lapu para maghanap ng mga survivor. Dumidilim na ang paligid. Anumang sandali ay maglalabasan na ang mga halimaw. Gusto niya ng mapagbalingan ng inis kaya tumambay siya sa tapat ng kapitulyo. Payapa pa sa lugar at nakabibingi ang katahimikan. He likes the silence, it felt relaxing. But despite the silence, he could feel the loneliness. Maya-maya pa’y may iilang halimaw nang papalapit sa kanya. Dahil sa dugong tao na meron siya kaya siya naamoy ng mga halimaw. Gusto niyang paglaruan ang mga ito. Nang abot kamay na siya ng babaeng halimaw ay mabilis siyang bumaling sa likod nito. Ganoon din ang pihit nito paharap sa kanya. Nagpahabol siya rito hanggang sa makarating sila sa rooftop ng kapitulyo. Huminto siya sa gilid na walang harang. Hinarap niya ang halimaw. “Eat me, b***h!” utos niya sa halimaw. Inihain niya ang kanyang kanang braso sa halimaw. Kaagad naman nito iyong sinakmal. Hindi siya nababahala dahil napatunayan na niya noon pa na kayang sunugin ng dugo niya ang kapwa niya bampira at ibang nilalang na apektado ng virus. Kayang tunawin ng dugo niya ang anumang virus na posibleng papasok sa katawan niya. Kaya siguro pinapabayaan siya ng daddy niya na lumayas dahil alam nito’ng hindi siya basta mapapahamak. Kaunting dugo pa lang ang nasipsip ng halimaw sa kanya ay mabilis itong naging abo. Natutuwa siya sa nangyayari. Ganoon din kasi kabilis na humilom ang sugat niya. Napalis ang ngiti niya nang mapansin niya ang lalaking pulos itim ang kasuutan. May sampung talampakan ang layo nito sa kanya. Alam niya pinagmamasdan siya nito. Una’y naisip niya na maaring isa sa black ribbon soldier ang lalaki, pero hindi niya maramdaman dito ang aura ng isang bampira. Akmang lalapitan niya ito ngunit bigla itong naglaho. Ang ganoong kabilis na galaw ay hindi basta magagawa ng isang ordinaryong tao. Pero nararamdaman pa niya ang aura ng lalaki na hindi pa nakakalayo. Sinuyod niya ang buong gusali. Naroon pa rin ang aura ng lalaki. May iilang halimaw nang nakapasok. Malamang hindi lang siya ang naaamoy ng mga ito. Pagdating niya sa ground floor ay naabutan niya ang lalaki na hinihiwa ng espada ang mga halimaw na lumalapit dito. “Well, isa siyang assassin. Nice,” nakangiting wika niya. Nang maubos ang kalaban ng lalaki ay bigla nitong binasag ang salaming bintana at doon lumabas. Bumara na kasi sa pinto ang nagsisiksikang halimaw. Ayaw na niyang mapagod kaya sinundan niya ang yapak ng lalaki. Pero hindi na niya ito nakita pa. He tried too trace his aura, he’s gone. Ang bilis naman nitong nakalayo. MAG-uumaga na’y naghahanap pa rin ng survivors si Derek. Naisip niya, maaring pagala-gala lang sa paligid ang assassin na iyon, o ‘di kaya’y may misyon sa lugar na iyon. Isa ang mga Japanese sa alam niya na maabilidad sa paggamit ng espada. Sa mga ito rin pangkaraniwan na kilala ang mga mahuhusay na assassin o kaya’y mga ninja. Pangarap din niyang manirahan sa Japan dahil gusto niya ang kultura roon. Nagpahinga sa ibabaw ng malaking punong kahoy si Derek. Nakapikit na siya nang biglang makaramdam siya ng pamilyar na aura. Inayos niya ang kanyang pagkakaupo sa sanga ng puno at nagnilay sa paligid. Makalipas ang ilang sandali ay biglang may iilang perasong star blade na papatama sa kanya. Mabuti na lang mas mabilis siyang kumilos kaysa mga ito. Nilingon pa niya ang mga patalim na tumusok sa sanga’ng sinasandalan niya kanina. Lumundo ang sangga na pinapatungan niya kaya alam niya na may tao sa likuran niya. “Don’t move!” banta ng baritonong boses lalaki ng mula sa kanyang likuran. Kasabay niyon ay naramdaman niya ang matulis na bagay na dumidiin sa batok niya. Hindi siya kumilos baka mapugutan siya ng ulo. “Who are you?” mahinahong tanong niya. “Hindi importante kung sino ako. Ikaw si Derek Rivas, ‘di ba?” sabi nito. “Yes.” “May kailangan kang pagbayaran.” Ngumisi siya. “Wala akong maalala na napag-utangan ko.” “Dahil sa dami nila kaya hindi mo na maalala.” “Drop your weapon, I won’t fight you,” sabi niya. Naramdaman naman niya ang paglayo ng patalim sa batok niya. Saka niya hinarap ang lalaki. Napamata siya. May takip na itim na mask ang bibig ng lalaki pero nakilala niya ito sa mga mata. Ito ang lalaking hinabol niya kanina. “Bakit kilala mo ako?” tanong niya. “Hindi ko obligasyong sagutin ang tanong mo,” supladong sabi nito. “So, ano pala ang gusto mo?” “Gusto kitang patayin.” Tumawa siya nang pagak. “How do you sure that you can easily kill me?” pilyong saad niya. “I know you’re a vampire, but that’s not enough to scare me. I know your weakness.” He grinned. “Who sent you here?” “A woman who died because of you!” nagtatagis ang bagang na sabi nito. Mariing nangunot ang noo niya. Hindi niya matukoy ang ugat ng pinagsasabi ng lalaki. Isa-isa niyang inalala ang mga babaeng nakarelasyon niya magmula pa noong naingganyo siyang pumasok sa isang relasyon. Fifteen years old pa lang siya noong nagsimula magpaibig ng mga babae. Pero tumigil siya last year lang dahil sa madalas na argumento nila ng daddy niya. Nawalan siya ng gana sa buhay dahil sa pangarap na hindi niya maabot-abot. “I don’t remember her,” sabi niya pagkuwan. “Siyempre hindi mo na maalala dahil wala ka naman talagang minahal sa mga babaeng pinaasa at sinaktan mo! You’re an asshole!” Itinutok nito muli sa leeg niya ang kumikinang sa talim na samurai nito. Paulit-ulit siyang lumunok. Ayaw niyang mamatay na nakahiwalay ang ulo niya sa kanyang katawan. Pero wala rin siyang balak patayin ang estrangherong lalaki. Kung tutuusin ay kaya niya itong takasan pero marami pa siyang gustong itanong dito. Curious siya bakit siya nito kilala. “Sino ba ang babaeng tinutukoy mo?” tanong niya rito makalipas ang sandaling pananahimik. “Si-” Hindi nito itinuloy ang sasabihin nang biglang tumunog ang kung anong bagay na nasa bulsa nito. Parang alarm clock. “Babalikan kita!” mamaya’y sabi nito at bigla na lang naglaho. Hindi nakakibo ng ilang segundo si Derek. Iniwan na siya ng kanyang kausap. Pag-upo niya sa sanga ay may dumating na itim na ibon. Isa ito sa mensahero ng mga bampira. “Pakisabi kay mommy hindi pa ako uuwi,” sabi niya sa ibon. Pinadala ito ng mommy niya para sunduin siya. Umalis kaagad ang ibon. Hinintay lang niya na tuluyang sumikat ang araw bago sinimulang maglakbay. Dinala siya ng mga paa niya sa CDO, sa may dagat na tawiran nila papuntang mansiyon. Makulimlim ang kalangitan doon na tila uulan. May nakadaong na yate sa pampang ng dagat kaya alam niya na may mga taong pumunta sa mansiyon, bagay na hindi pinapahintulutan noon ng daddy niya. Pero dahil open na rin para sa mga tao ang lugar, wala nang limit ang labas-masok ng mga tao roon. Mas ligtas ang mga tao sa lugar na iyon kumpara sa Cebu. Hindi niya pakay pumunta sa mansiyon. Alam kasi niya na maaring naroon ang daddy niya. Gusto lang niya dalawin si Rozy, ang alaga niyang lobo. Papalayo na siya sa yate nang bigla siyang huminto. May narinig kasi siyang nagsalita mula sa yate. “Maliligo lang ako. Ang init, eh,” sabi ng babae. Marahas siyang lumingon sa yate nang pakiramdam niya’y kilala niya ang boses na iyon. Saktong pagtingin niya sa yate ay nakadukwang si Farah sa dagat habang ternong itim na underwear lang ang suot. Bigla itong tumalon sa tubig. Makalipas ang ilang sandali ay biglang umahon ang dalaga. Ga-baywang nito ang tubig. “Wow, kabebe!” nagagalak na sabi nito habang nakatitig sa kung anong hawak nito. Hindi niya inaasahan na mabaling kaagad ang tingin nito sa kanya. Biglang tumabang ang ngiti nito nang makita siya. Napakalapit lang niya rito. Ilang hakbang lang ay abot kamay na niya ito. Una’y nakatitig lang siya sa maaliwalas nitong mukha, hanggang sa kusang bumaba ang paningin niya sa malulusog nitong dibdib. That boobs! wika ng isip niya. Nakita na niya ang hubad nitong katawan noong binihisan niya ito pero bakit ngayon lang siya nakaramdam ng init at atraksiyon sa dalaga? Ang weird.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD