Kabanata 23

1346 Words
"HERE, hold it." Natutuwang inabot ni Hannah ang pamingwit. First time niyang mag-fishing at sa isang napakagandang pangpang pa. Naupo na rin sa malapad na bato si Duwayne, malapit sa kinauupuan ni Hannah. Pareho silang tahimik habang naghihintay ng isda na mahuhuli. Biglang napatayo si Hannah. Naramdaman niyang may humihila sa pamingwit na hawak. "Duwayne, may nahuli yata ako!" sigaw ng dalaga, bakas ang tuwa sa mukha. Mabilis na tumayo si Duwayne. "Hilahin mo, dali!" "Paano?" Hindi maiwasang mataranta ng dalaga. "Akin na ang pamingwit at manood ka." Pinanood niya ito. Pag-angat nito ng pamingwit ay nakita niya ang isang malaking isda, kumakawag-kawag pa ito. Agad kinuha ng binata ang nahuling isda at inilagay sa maliit na timba. "Bangus ba 'yan?" "Hindi 'yan bangus. Ang tawag sa isdang 'yan dito ay 'buhay'." "Buhay nga ang isda," saad niya. Hindi nakuha ang ibig sabihin ni Duwayne. Ngumiti ito sa kanya. "Buhay–ang pangalan ng isdang 'yan," ulit ni Duwayne. "Kahawig lang ng bangus, pero mas masarap 'yan dahil malaman at hindi matinik." Napatango-tango siya. "Buhay. Ang unique ng pangalan ng isda." Sa ilang minutong pamimingwit, sampung isda ang nahuli nila, na ang iba'y tilapia. Ngunit sa muling paghagis ni Hannah ng fishing hook ay nabitawan niya ang hawakan na gawa sa manipis na kawayan. Napasigaw siya nang ma-out of balance sa pagnanais na maabot ang pamingwit. Natigilan si Duwayne sa paglalagay ng pamain sa fishing hook nang makita ang dalagang bumagsak sa tubig. Mabilis na nag-dive ang binata. "Hannah!" Nahintakutan si Duwayne nang makitang pumailalim sa tubig si Hannah. Sisisid na sana pailalim sa tubig ang binata nang biglang bumulaga sa kanyang harapan ang tumatawang dalaga. "I know how to swim. I took swimming lessons when I was in college," pagmamayabang ng dalaga. "You scared me to death. I thought you were drowning!" singhal nito, at nakasimangot na umahon sa tubig. "Duwayne, ligtas ba sa waterfalls?" tanong niya kahit sandamakol ang mukha nito. "Bakit?" "Puntahan natin, please?" "Nagpunta tayo rito para mamingwit." "Oo nga," sagot niya. "May mga isda na tayong nahuli. Baka pwedeng maligo tayo sa sinasabi mong waterfalls. Nandito na rin lang naman ako, lulubus-lubusin ko na. Alam ko kasing hindi na ito mauulit." Napalingon sa kanya ang binata. "Sige na… please?" Pinalungkot pa niya ang mukha mapapayag lang ang lalaki. Lumapit ito sa kanya at inilahad ang isang kamay. Hindi niya 'yon tinanggap. "Pumayag ka muna." "Kapag hindi ka pa umahon diyan, hindi talaga kita dadalhin sa waterfalls." Namilog ang kanyang mga mata sa narinig. Mabilis na inabot niya ang kamay ni Duwayne. Hinila siya nito para makaahon sa tubig. NAPALUNOK si Hannah. Kitang-kita niya ang magandang hubog ng katawan ni Duwayne. Waring sinadyang pinait sa hugis ng isang master craftsman. Isang maliit na tela ang nalalabing saplot nito sa katawan. Muling napalunok siya nang humarap ito sa kanya. Mabuti na lang at walang physical manifestation ang arousal ng isang babae. Kundi, tiyak mananatili na lang siyang nakatayo sa malapad na bato hanggang mawala na sa paningin ang seksing lalaki. "I thought you wanted to go swimming?" tanong ni Duwayne sa dalagang nakatulala. "Pagmamasdan mo na lang ba ako?" Parang biglang natauhan si Hannah sa huling sinabi ng lalaki. "Hindi naman ikaw ang pinagmamasdan ko, kundi ang waterfalls. Huwag ka kasing humarang at natatakpan mo ang ganda nito," kaila niya sabay iwas ng paningin. Ngunit hindi niya maiwasang ibalik ang mga mata sa lalaki. Makikita sa ekspresyon ng mukha nitong hindi naniwala sa sinabi niya. Nag-dive ito sa tubig. Hinubad ni Hannah ang suot na duster. Siya namang ay nakasuot ng ternong underwear, mismong ang binata ang bumili. Nag-dive rin siya sa tubig. Pag-angat ng ulo ay hindi niya nakita si Duwayne. Naghintay sandali ang dalaga. At nang tumagal na hindi pa rin ito lumilitaw sa tubig, nagsimula siyang kabahan at nag-panic. Iniisip niyang baka tumama ang ulo nito sa bato nang mag-dive kanina. "D-Duwayne?!" halos ipagsigawan niya ang pangalan nito. Lalo siyang kinabahan sa isiping may masama nang nangyari sa binata dahil hindi pa rin ito nagpapakita. "Duwayne, nasaan ka? Huwag mo naman akong takutin, please!" Akmang aahon siya sa tubig nang walang anu-ano'y may kumapit sa isang paa niya. Tumili siya dahil sa pagkagulat at takot. "Duwayne, help me!" sigaw niya at pilit hinila ang kanyang paa. Gano'n na lamang ang halakhak ni Duwayne nang lumitaw mula sa ilalim ng tubig at masaksihan ang sindak sa itsura ng dalaga. "Duwayne!" Pinaghahampas niya ito sa dibdib bilang parusa sa pananakot sa kanya, na hindi man lang nito iniinda. Nagpatuloy sa pagtawa ang lalaki hanggang sa pati siya ay tuluyan rin mahawa. Sa muling paghampas sa matipunong dibdib nito'y hinuli ang mga kamay niya. "Nagustuhan mo ba rito?" tanong nito sa kanya habang mahigpit pa ring hawak ang kamay niya. Ngumiti siya. "Yes. Sobrang nagustuhan ko, Duwayne. Thank you." Tinangka ni Hannah na bawiin ang sariling mga kamay, ngunit lalong humigpit ang hawak sa kanya ni Duwayne. "Sandali lang," bulong nito, waring nakikiusap ang tono ng boses. Matamang pinagmasdan ang kanyang mukha. "Alam mo ba na hindi nakasasawang titigan ang mukha mo, Hannah? Napakaganda mo." Napalunok siya at hindi nakasagot. Kumakabog ang kanyang dibdib, pakiwari niya'y mapupugto ang hininga sa bilis ng t***k ng puso niya. Napasinghap siya nang biglang hilahin palapit sa katawan nito. Parang nahipnotismong nakatitig ito sa kanyang mga mata, hanggang ipinulupot nito ang mga braso sa nag-iinit niyang katawan. Nakapanghihina ang mapang-akit na mga mata nitong namumungay habang pinakatitigan siya. "D-Duwayne, pwedeng bitiwan mo na ako?" mahinang pakiusap niya sa binata nang siya'y mahimasmasan. Kapag hindi niya nilabanan ang tuksong nasa kanyang harapan, baka tuluyan siyang makalimot. Tila natauhan naman ang lalaki, waring napasong patulak siyang binitiwan. "Bilisan mong maligo, uuwi na tayo." Walang ekspresyon ang mukha nang magsalita ang binata. Umahon ito sa tubig, isa-isang pinulot ang mga hinubad na damit at nagsimula nang magbihis. Mula sa kinauupuang bato, abot-tanaw ni Duwayne ang dalaga na nag-floating sa tubig. Hindi pa rin humuhupa ang nagliliyab na makamundong pagnanasang bumalot sa buong pagkatao niya. Inis na pinitas niya ang isang dahon ng halamang-ligaw na nasa gilid ng batong kinauupuan. Hinati niya ang dahon sa tatlo at pinalipad. Naagaw ang atensyon niya nang umahon sa tubig ang babae. She looks like a fairy sa taglay niyang ganda! Kumikinang ang kaputian ng dalaga kapag tinatamaan ng araw. Gustong bumagsak ng panga niya nang sinuklay nito ang basang buhok gamit ang mga daliri. Ipiniling ni Duwayne ang ulo at pilit iniiwasang mapatingin kay Hannah na ngayo'y nakabihis na. Hindi siya natutuwa sa kakatwang nararamdaman para sa babae. Ayaw niyang isiping nahuhulog na ang loob niya sa dalaga, lalo na't ilang araw pa lamang silang nagkasama. Bahagyang nagulat sa Duwayne nang marinig ang tikhim ng dalaga na ngayo'y nakatayo sa kanyang harapan. Tumayo ang binata at walang salitang naglakad patungo sa kinaroroonan ng kabayo. Napakagat-labi si Hannah nang mapansin ang pananahimik ni Duwayne. Alam niya ang dahilan. Frustrated ito sa kung anumang binabalak kanina. "Thanks," aniya. Tinulungan siya ni Duwayne na sumampa sa likod ng kabayo. Walang tugon, mas gustong manahimik na lang kaysa kausapin siya. Walang nagtangkang magsalita habang binabaybay nila ang daan pabalik sa asyenda. "Kumusta ang pamimingwit ninyo, apo?" agad na tanong ni Señora Candida nang salubungin sila. "Ayos lang po, La." Pinakita pa ni Duwayne ang timbang pinaglagyan ng mga isda. Hinalikan nito sa noo ang abuela. "Dalhin mo 'yan sa kusina. Bahala na si Teresa kung anong luto ang gagawin niya sa isda," utos ng matanda. Hinarap naman nito ang dalaga nang makaalis ang binata. "Kumusta ang pamimingwit, Hija?" "Naku! Sobrang ganda ng pinuntahan namin, La. Nag-enjoy po ako," masiglang kwento niya. "Mabuti naman kung gano'n," nakangiting sabi nito. "Bakit parang matamlay ang aking apo?" Natahimik siya. Agad nag-isip ng idadahilan. "Nagugutom na raw po kasi siya, La. Kilala ko si Duwayne, matamlay siya 'pag gutom." Alanganin ang ngiting sumilay sa mga labi ni Hannah. Hindi naman niya puwedeng aminin ang totoong dahilan kaya matamlay ang lalaki. Upang makaiwas sa maaari pang itanong ng matanda, nagpaalam na siyang papanhik sa ikalawang palapag upang makapagbihis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD