Kabanata 4

918 Words
ISINUOT ni Hannah ang salamin sa mga mata. Taas-noo siyang naglakad palabas ng gusali. Dinukot niya ang kanyang cell phone mula sa loob ng nakasukbit niyang shoulder bag. "Hello, Setti. Magkita tayo mamaya sa club." "Magna-night club tayo mamaya?" naniniguro na tanong ni Setti sa kabilang linya. "Hindi ka naman puma-party 'di ba? Hindi ka nga sanay uminom kahit man lang wine." "Ssh! Ang dami mong sinasabi," saway niya sa kaibigan. "Kayo na'ng bahala kung saang lupalop ng club tayo pupunta." "Seryoso ka ba talaga?" muling tanong ni Setti. Parang hindi pa rin ito makapaniwala. "Oo nga sabi, e. Ang kulit mo, huh?" Pinilit niyang pasiglahin ang tono ng kanyang boses. "Yes!" tili nito. Bahagya niyang nailayo ang hawak na cellphone. Mababasag yata ang eardrum niya whistle ng kaibigan. "Party! Party na 'to!" Pagkatapos makausap ang kaibigan ay agad niyang tinungo ang kanyang kotse. Isang malungkot na sulyap ang ginawa niya sa building ng TVC Network. Mamimiss din niya ang pag-arte sa harap ng kamera. Maging ang mga naging kasamahan niya sa trabaho. Isang buntong hininga muna ang pinakawalan niya bago tuluyang umalis sa lugar na iyon. CLUB4U. "Woah! Party! Party!" hiyawan nila sa loob ng isang night club. Nakaupo sila sa pinakagilid ng club. Marami ng tao sa loob ng club nang pumasok sila kanina. "Cheers!" hiyawan ng mga kaibigan niya. Napalunok si Hannah. Nahimas pa nga niya ang tapat ng kanyang lalamunan. Mukhang napasubo yata siya. "Cheers!" sigaw na rin niya. Inamoy niya muna ang vodka na nasa wine glass. Nagusot ang mukha niya nang malasahan ang alak. "Hindi masarap. Hindi ko maipaliwanag ang lasa!" Natawa si Setti sa sinabi niya. "Ikaw lang yata ang artistang kilala ko na hindi umiinom." "Mamaya masarap na ang vodka sa panlasa mo!" sa malakas na boses ay singit ni Veronica. Parang tubig lang kung uminom ang mga kaibigan niya. "Sayaw tayo, girls!" si Monica, itinaas pa nito ang wine glass na hawak. Problemado ang kaibigan dahil mahigit dalawang buwan nang nakalipas, hindi pa rin nagpapakita ang fiancé nitong isang piloto. "Kayo na lang muna," tanggi ni Hannah. "Sinasanay ko pa ang lalamunan ko sa vodka." "Huwag masyadong mawili sa vodka baka mag-enjoy ka!" si Setti, pagkuwa'y muling nagsalin ng alak sa wine glass nito. "Sumama ka sa 'min sa dance floor. Kailangan mong mag-enjoy, Hannah. Dahil sa wakas…" pinabitin pa ni Veronica ang sasabihin, "natauhan ka na rin. Hiwalay na kayo ng hambog at manloloko mong ex-boyfriend." "Tama!" halos sabay na sang-ayon nina Settie at Monica. "Kayo na lang muna. Susunod na lang ako," muling tanggi niya. "Okay!" panabay na sagot ng mga kaibigan. Naiwan siyang mag-isa. Hinawakan niya ang bote ng vodka at nagsalin sa wine glass. Napansin ni Hannah ang ilang teenagers na panay ang sulyap sa kanya. Grey hair siya ngayong gabi na lalong dumagdag sa kagandahan niyang taglay. Lumabas ang pagiging mixed blood niya. Gabing-gabi pero nakasuot siya ng itim na salamin sa mga mata para lang hindi masyadong halata na siya si Hannah Lindsey. Dahil kapag may nakakilala sa kanya, malaking eskandalo para sa kanya iyon. Masisira ang imahe niya. Baka siya pa ang maging masama sa paningin ng fans nila ni Froilan kung malaman ng mga ito ang tungkol sa hiwalayan nila. TULOY ang kasiyahan nila. Naparami na ng inom si Hannah kaya medyo tipsy na siya. Narinig pa niya ang sinabi ni Monica na o-order daw ito ng ibang brand naman ng alak. "More!" nakangising sigaw ni Hannah sabay taas ng hawak na wine glass. "Let's enjoy the night!" "Yeah! Let's celebrate your break-up with Froilan!" hiyaw ni Setti. Sa lahat ng kanyang kaibigan, ito ang mainit ang dugo sa ex-boyfriend niya. Si Setti ang madalas niyang puntahan kapag masama ang loob niya kay Froilan. "Papasundo tayo kay kuya Santino kapag hindi na natin kayang umuwi." Natawa siya sa sinabi ni Setti. Ibig lang sabihin ay may posibilidad na magpakalasing nga sila. "Maiwan ko muna kayo. I will order our drinks," ani Monica at tumayo. "Samahan na kita," presenta ni Veronica. Lumagok pa ito ng alak bago tumayo. Naiwan naman silang dalawa ni Settie sa inukopa nilang table. Nagpaalam siya sa kaibigan na gagamit ng powder room. "Bumalik ka kaagad, huh?" "Kk…" Pinilit niyang lumakad nang maayos kahit parang nanlalambot ang mga binti niya. Hindi naman siya nahirapan makita ang hinahanap. May nakita siyang nakasulat na 'for women' sa itaas na bahagi ng pinto ng cubicle. "Ouch!" hiyaw niya. May bumangga sa balikat niya. "I'm sorry, miss," hinging paumanhin ng lalaking nakabangga sa kanya. Sa sobrang lapit nila sa isa't isa ng lalaki'y amoy niya ang ginamit nitong pabango. Hindi ito amoy alak pero mukhang ito ang lasing dahil hindi siya nito nakita. Wala sa loob na hinubad niya ang salamin sa mga mata. "You know, my ex-boyfriend used to be like that." Napansin ni Hannah ang ginawang pagtitig sa mukha niya ng lalaki. The man was familiar to her, but she couldn't remember where she had seen him. "Kunwari nabangga niya ako. Kukunin ang pangalan at contact number ko. Kunwari maginoo. Kukunin ang loob ko at paibigin. Tapos nang minahal ko na siya, lolokohin lang pala ako." Isinundot pa niya ang dulo ng hintuturong daliri sa tungki ng ilong ang lalaking mukhang natigilan. Hindi ito nagsalita. Mukhang balak lang pagmasdan ang mukha niya. Huli nang na-realize ni Hannah na hinubad niya nga pala ang ginamit na salamin sa mga mata. Muli niya itong isinuot. Yumukod siya sabay may ibinulong sa lalaki. "My name is Hannah."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD