Kabanata 5

983 Words
"SECRET lang natin 'to, huh? I was an actress. Pero kanina lang nag-quit na ako," hagikhik pang sabi si Hannah. Iyon lang at hinawakan niya ang door knob. Nahirapan siyang buksan kaya inis na kinalampag ito. "Is there someone inside? Open this damn door!" "Let me open it." Narinig ni Hannah ang bruskong boses ng lalaki. Akala niya wala itong balak magsalita. Bahagya siya nitong inurong para buksan ang pinto. "Thank you!" nakangisi pa niyang sabi. Bahagya pa siyang yumuko sa kaharap na sindilim ng gabi ang ekspresyon ng mukha. "Wow! You're a gentleman. My ex-boyfriend, he wants to be served. Hindi ko lang napagbigyan sa gusto, naghanap agad ng ibang babaeng makakasama niya sa kama!" Walang preno ang bibig ni Hannah, umiiling pa ang ulo na pumasok siya sa cubicle. Hindi niya nakita ang pagtiim ng mga bagang ng lalaki. Hindi naman agad bumalik sa inukopang table si Duwayne. Pag-aari ni Mark, kaibigan ni Akio na half-brother naman niya ang 'Club4U'. He was there to let out his anger. He looked for a place to hide. Hindi niya maipaliwanag, nakaramdam siya ng pag-aalala sa babaeng mukhang lasing na. Kung tutuusin ay wala naman siyang pakialam kay Hannah Lindsey dahil may atraso pa sa kanya ang nobyo nito. "Hi, pogi! Mukhang naliligaw ka yata, gusto mo bang sumayaw?" Idinantay ng babae ang mga kamay sa magkabilang balikat niya. Pinagmasdan ni Duwayne ang mukha nito, maganda at sexy ang babae. "My name is Sabrina!" Hindi pinansin ni Duwayne ang babaeng nagpakilalang Sabrina. Kanda-haba ang leeg niya sa pagtingin sa cubicle. Nakita niya ang paglabas ni Hannah, nakasapo sa noo nito ang isang kamay at mabagal ang paghakbang, pilit na pilit upang hindi mahalatang lasing. "Excuse me!" Inalis ni Duwayne ang kamay ng babae. Iniwan niya ito na nakataas ang isang kilay. Lumapit si Duwayne sa cubicle pero nagtago naman siya sa isang tumpok ng teenagers. Nakita niyang binaybay ng actress ang daan palabas ng club kaya sinundan niya ito. Nag-alala siya lalo na't nakainom, baka may halang ang kaluluwa at may gawing masama sa babae. Nakita niya ang ilang mga kalalakihan na sinusundan ng tingin ang naglalakad na actress kaya minabuti niyang mas lumapit pa sa babae. Sa parking area ito dumiretso. AGAD hinanap ni Hannah ang remote key ng kanyang kotse. May kadiliman sa parking area kaya hirap siyang makita ang susi. "Finally!" tukoy niya sa remote car key nang mahawakan ito. Itinapat niya ito sa kotse pero hindi tumunog ang alarm car. Pumaikot si Duwayne sa kabilang bahagi ng kotse kung saan nakatapat ang babae. Siya ang may-ari ng kotse. Pinagmasdan niya ito habang panay ang pindot sa remote car key. "Bakit ayaw mo mag-ingay 'Rusty Baby'? It's me, your Mamacita!" Lumapit siya sa kotse at pilit binubuksan ang pinto. "Pati ba naman, ikaw? Don't tell me, hindi mo na rin ako, love? Okay, I'm sorry! Pareho lang naman tayong hindi sanay pumunta sa maingay na lugar tulad nito. Masama bang mag-enjoy, kahit man lang ngayong gabi para makalimot? Sobrang nasaktan ako Rusty Baby. Akalain mo 'yon, three years kaming magkarelasyon ng 'yong Dada Froilan. Pero, ano? Pinagpalit niya ako sa malanding si Maricar Asuncio dahil hindi ako pumayag ibigay sa kanya ang 'Perlas' ko. Mali ba ako, huh? Dapat ba pumayag ako sa gusto niya para hindi siya nagpakamot sa iba?" Sumandal si Hannah sa hood ng kotse. "Tama ang ginawa mo," si Duwayne ang sumagot sabay yuko ng ulo. Lumayo si Hannah sa hood ng kotse nang may narinig na boses. "Lasing na nga ako. Narinig kitang sumagot Rusty." Narinig pa ni Duwayne ang mahinang tawa ng babae. Nang muli itong tignan ay agad niyang napansin ang isang matipunong lalaking papunta sa kinaroroonan ni Hannah. Mabilis na dinukot niya sa bulsa ng maong pants ang remote key ng kanyang kotse. Narinig pa niya ang paghiyaw sa tuwa ni Hannah nang mabuksan nito ang pinto ng sasakyan. Bago ito malapitan ng lalaki ay nakapasok na ng kanyang kotse ang babae. Sinadya ni Duwayne magpakita sa lalaki. "Sorry," hinging depensa ng lalaki nang makita siya. Nagkunwari siyang bubuksan ang pinto ng kotse. Tumango lang siya bilang tugon. Naglakad palayo ang lalaki at bumalik sa loob ng club. Bahagyang binuksan ni Duwayne ang pinto. Nakita niya si Hannah, prenteng nakaupo habang nakapikit ang mga mata. Napabuntong hininga siya. Ilang minuto rin siyang naging guwardiya ng babae sa labas ng kotse. Nang mangalay sa pagtayo ang kanyang mga binti ay pumasok na rin siya sa loob ng kotse. Hindi niya maiwasan pagmasdan ang magandang mukha ng babae, hanggang sa mapadako ang paningin niya sa mga labi nito na bahagyang nakaawang. Napakagat labi si Duwayne, naalala niya ang araw na nahuli nila ang panloloko ng kani-kanilang kasintahan. Sa sobrang galit niya sa nobyo ng actress, nagawa niya itong halikan sa labi. Alam naman niyang balewala lang ang halik na iyon sa babae dahil artista ito. Maraming labi na ang humalik sa labi nito. SAMANTALANG sa loob ng club. Hindi na magkamayaw sa paghahanap kay Hannah ang mga kaibigan. "God, Setti! Bakit hinayaan mong umalis mag-isa si Hannah?" Napasapo pa sa sariling noo si Monica, biglang nawala ang pagkalasing nito. "Baka may masamang nangyari na sa kaibigan natin. Medyo lasing pa naman ang babaeng 'yon!" "Nagpaalam lang siya sa 'kin na gagamit ng powder room. Nang medyo natagalan na siya, agad ko siyang sinilip sa cubicle pero wala na siya roon!" hysterical na sagot ni Settie, bakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Tawagan mo ang cell phone niya," mungkahi naman ni Veronica. "Baka nasa biyahe na siya pauwi. Naku, delikado at nakainom pa naman siya!" Lumabas ng club ang tatlong magkakaibigan. Natatarantang hinahanap ni Setti sa contact list ng cell phone nito ang mobile number ni Hannah. "Sumagot na ba si Hannah?" panabay na tanong ni Veronica at Monica. "Tatawagan ko pa lang," sagot ni Setti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD