Kabanata 29

872 Words
'GREAT BALLS OF FIRE' ni Jerry Lee Lewis–American pianist, singer and songwriter ang sumunod na napiling kanta ni Duwayne. Umiindak habang bumibirit ng kanta ang binata. Naglabasan ang litid nito sa leeg. Ginawa pa nitong piano ang mesa na gawa sa kawayan. Tawa nang tawa naman si Hannah habang pinapanood ito. Hindi maiwasan ng dalagang ikumpara ito sa dating nobyo. Kung si Froilan ang kasama niya ngayon, tiyak panay na ang reklamo nito. Marahil ay hindi kasing saya ng nararamdaman niya sa sandaling iyon. Limitado ang bawat galaw nila. Walang ibang mahalaga rito, kundi ang kasikatan sa industriya ng showbiz. Limang bote ng beer ang naubos niya bago siya naging aware na naparami na ang nainom. She shook her head. Mahina ang sistema niya sa alcohol. Nararamdaman na niya ang espiritu ng alak sa katawan. Nahihilo at naduduling na siya. Dalawa na nga sa paningin niya si Duwayne. Muli siyang kumuha ng isa pang bote ng alak at straight na ininom. Hilong-talilong siya paglapag niya ng bote ng beer sa mesa. "Tama na 'yan. Lasing ka na," saway sa kanya nito nang akmang kukuha ulit siya ng isa pang bote ng beer. "Hindi pa ako lasing. Gusto ko pa kumanta at uminom. Ang sarap mag-enjoy!" "Hindi ka na iinom." "Oh, come on. Para kang si Froilan, ayaw ng masaya katulad nito!" Dahil nahihilo siya hindi na napansin ang pagdilim ng guwapong mukha nito. "Uy, 'wag ka nang magselos sa mokong na 'yon. Maraming babae sa mundo. Halimbawa ako–" Hindi na niya napigil ang sarili, sumuka siya sa tapat ng dibdib nito. "Tigas kasi ng ulo mo, ayan tuloy nagkalat ka pa. Tsk! disgusting woman!" palatak nito at hinubad ang pang-itaas. Pinunasan ni Duwayne ang bibig ng dalaga. Hindi maiwasang mapatitig siya sa mga labi nito. Kagabi lang ay inangkin niya ang mga iyon. Maingat na isinandal niya sa upuan ang likod ng babae. Akmang pupunasan niya ang leeg nito nang dumako ang tingin niya sa puno ng dibdib nitong bahagyang sumisilip sa neckline ng suot na blusa. Napalunok siya. Nagpalipat-lipat ang kanyang paningin sa hawak na T-shirt at sa dibdib nito. Jeez! Ito ba ang tinatawag na torture? Marahas na napabuga ng hangin si Duwayne. Nanginginig ang kamay na pinunasan niya ang puno ng dibdib ng dalaga, saka inayos ang blusa upang takpan 'yon. Hawak pa rin nito ang bote ng alak. "Ang bilin mo sa akin, huwag akong magpakalasing pero ikaw itong lasing ngayon." Kinuha niya sa kamay nito ang bote at inilapag sa ibabaw ng mesa. Naupo siya sa tabi ng dalaga at matamang pinagmasdan ang magandang mukha nito. May ngiti sa labi na banayad niyang hinaplos ang pisngi nito. Natutukso siyang halikan ang natural na mapulang mga labi nito. At ginawa nga niya. Gumalaw si Hannah. Namumungay ang mga mata nang ito ay dumilat at ngumiti. Nagulat si Duwayne kaya mabilis na inilayo niya ang kanyang labi sa mga labi nito. "You–you are so freaking hot. I think... I need another beer." Namumungay ang mga matang bumungisngis ito. Umangat ang isang kamay nito at pinalakad ang isang daliri sa kanyang panga. "I think you've had enough." Napalunok siya nang makitang kinagat ng dalaga ang ibabang labi nito. "Is there an earthquake? This room is starting to spin and I think your face is getting a little fuzzy." "Let's go home, Hannah." "Wait," pigil nito na hinawakan pa siya sa baba. "Have I told you that I like you?" At pumikit na ito. Saglit na natulala si Duwayne. Napailing siya ngunit may ngiti sa labi. Lasing ito at alam niyang hindi para sa kanya ang huling sinabi nito. Tumayo siya at isinuksok sa bulsa ng kanyang pants ang T-shirt na nangangamoy suka ng dalaga. "I like you… too," aniya habang nakatitig sa mukha nito. Tumalikod siya. Hinila niya ang mga bisig nito at isinampay sa balikat niya. Pinasan niya ito sa likod. "Slim ka lang, pero parang isang kaban ng bigas ang pasan ko." MALAPIT lang naman ang asyenda sa lugar na pinuntahan nila. Panay ang pangaral ni Duwayne sa pasan-pasang dalaga habang siya'y naglalakad. Sinasagot naman ng dalaga ng ungol ang mga sinasabi niya, tila ba'y nakikinig ito sa kanya. "Anong nangyari sa batang 'yan?" agad na tanong ni Señora Candida. Tumayo ito mula sa swing hanging chair na kinauupuan. "La, nalasing po siya," tukoy ni Duwayne kay Hannah. Humihilik sa likod niya ang dalaga. "Por dios por santo! Bakit mo naman hinayaang malasing siya nang ganyan?" "Nagkatuwaan lang po kami. Um… La, ihahatid ko lang sa kanyang kwarto si Hannah." "Sige, sige, sige!" Hinahampas pa siya ng kanyang abuela sa balikat gamit ang tungkod nito. Nang marating ni Duwayne ang kwarto ng dalaga ay maingat niyang inihiga ito sa kama. Kinumutan niya ito at masuyong hinaplos ang buhok nito na kasing lambot ng seda. "Funny though... you healed my wounded heart, Hannah." He kissed her on the forehead at saka siya buong ingat na lumabas ng kwartong 'yon. Pumanhik naman siya sa sariling kuwarto. Pagkatapos maligo ay muling lumabas. Tumungo siya sa kanyang studio para tapusin ang portrait ni Hannah na iginuhit niya gamit ang kanyang imahinasyon. Hindi pa man nakakasama nang matagal ang dalaga, kabisado na niya ang mala-anghel nitong kagandahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD