Kabanata 30

935 Words

NAMIMINTIG ang sentido ni Hannah nang magising siya. Nakita niyang madilim na sa labas nang dumako ang mga mata niya sa nakabukas na bintana. Sinapo niya ang ulo. Umupo siya sa kama at binalikan sa alaala ang naganap nang araw na iyon. Marahas siyang napaungol nang maalalang uminom sila ng alak ni Duwayne habang nagbi-videoke. "Nakakahiya ka, Hannah!" sermon ng dalaga sa sarili. Bumaba siya ng kama habang pilit na inaalala kung paano sila nakauwi. Naglakad ba siya, o gumapang pauwi? Nagusot ang kanyang ilong nang maamoy ang sarili. Ang asim niya! Hinanap ng dalaga ang switch ng ilaw. Kumalat ang liwanag sa loob ng kwarto. Mabilis siyang kumuha ng isusuot. Inilagay niya ang napiling damit sa ibabaw ng kama at saka pumasok sa banyo para maligo. Samantalang… Kanina pa kumakatok sa labas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD