Kabanata 27

951 Words
DISCO music naman ang pumailanlang kaya napuno ng mga teenager ang bulwagan. Naghihiyawan ang mga ito habang sumasayaw. Nagkasya na lamang siyang panoorin ang mga sumasayaw, gano'n rin si Duwayne. Mukhang wala itong balak sumayaw dahil abala sa pakikipagkwentuhan sa isang kakilala nito na kasama rin nila sa mesa. Ang disco music ay napalitan ng love song. Kanya-kanyang balik sa mesa ang mga teenager. Ang mga binata nama'y nilapitan ang mga dalagang gustong makasayaw. Forevermore–ang pamagat ng awitin kaya sweet dance ang nakikita ni Hannah. Iyong iba, halos magkayakap na habang sinasabayan ng indak ang tugtugin. Ang sarap siguro ng feeling sumayaw na kayakap ang taong minamahal. Sinulyapan ni Hannah ang katabing si Duwayne, tuloy pa rin ang pakikipagkwentuhan sa kaibigan nito. Bakit ba umaasa siyang isasayaw ni Duwayne? Una sa lahat, peke lang ang relasyon nilang dalawa. Pangalawa, 'di rin naman maging memorable ang gabing ito dahil hindi naman sila nagmamahalan. "Apo, bakit hindi kayo sumayaw ni Hannah?" tanong ni Señora Candida na umabot sa pandinig ng dalaga. Nakita ni Hannah ang pagtaas ng isang kamay ni Duwayne, nagpapahiwatig na wala talaga itong balak na isayaw siya. Parang ayaw pa nitong istorbohin. Nasapo niya ang dibdib nang may gumuhit na kirot sa puso niya. Bakit niya nararamdaman ito. Nasasaktan ba siya sa pambabalewala ni Duwayne? "May I dance with you?" Unti-unting nag-angat ng mukha si Hannah nang may marinig na tinig sa kanyang harapan. Si Alex Escudero ang nakita niya at tinatanong siya kung puwedeng makasayaw nito. Hindi siya nagpatumpik-tumpik pa. Binitiwan niya ang hawak na tinidor at mabilis na nagpunas ng labi gamit ang table napkin na naroon. Tinanggap ni Hannah ang nakalahad na palad ni Alex. Dinala siya ng lalaki sa pinakagitna ng bulwagan. Tila nahihiya pa itong ipatong ang mga kamay sa kanyang bewang. Ipinatong niya ang mga kamay sa balikat nito at nagsimula silang sumayaw. "Your face looks familiar to me, Hannah." Ang bilis ng sulyap niya sa mukha ni Alex. Bumilis ang t***k ng puso niya, halos marinig na 'yon. Nagdadalawang isip siya kung aaminin ba rito ang tungkol sa kanya. "I don't remember where I saw you, but I'm sure I've seen you before." "Baka magkahawig kami ng nakita mo. Hindi malabong may kamukha tayo kahit saan tayo magpunta." "Sabagay," sang-ayon naman nito. "Kayo ba ni Duwayne, matagal nang may relasyon?" "Wala naman talaga kaming relasyon ni Duwayne–oops!" Bigla niyang nasapo ang sariling bibig. Nakita niyang biglang nagliwanag ang mukha ng lalaki. "Ibig sabihin hindi mo totoong boyfriend si Duwayne?" Alanganin ang ngiting sumilay sa mga labi ni Hannah. Tinitimbang niya ang sarili kung dapat bang sabihin kay Alex ang dahilan kung bakit nagpanggap silang may relasyon ni Duwayne. "Change partner!" Pareho silang nagulat nang biglang sumulpot sa gilid nila si Duwayne. Binitiwan nito ang babaeng kapareha. Hindi niya nagawang magsalita nang biglang hilahin ni Duwayne ang kamay niya. Muntik niya nang mahalikan sa labi ang binata dahil 'di sinasadyang napayakap siya rito. Nahihiyang napatingin siya kay Alex dahil sa inasal ni Duwayne. Mabuti na lang, mabait ang anak ng alkalde. Ngumiti pa ito sa kanya bago sinayaw ang babaeng kasayaw kanina ni Duwayne. Inis na hinampas niya sa tapat ng dibdib nito si Duwayne. "Bakit ginawa mo 'yon? Alam mo naman–" Hindi natapos ang sasabihin ng dalaga nang idampi ni Duwayne ang dalawang daliri nito sa kanyang bibig. "Naiinis ako. Huwag mo akong kausapin." Ay! Napakagaling talaga ng lalaking ito. Pagkatapos siyang agawin sa mga braso ni Alex, ito pa ang may ganang mainis! lihim na himutok ng dalaga. Maang na napatitig siya sa mukha nitong sing dilim ng gabi. Sinubukan ni Hannah magsalita pero lalo lang nitong pinagdiinan ang dalawang daliri sa labi niya. "Sige, magsalita ka. Hahalikan kita sa labi para manahimik ka!" pananakot pa nito sa kanya. Inis na inalis niya ang mga daliri nito sa kanyang labi pero hindi siya nagsalita. Katakot-takot na irap ang binigay niya rito. "Bakit nanahimik ka. Natatakot kang baka halikan kita, 'no?" Alam naman niyang hindi 'yon gagawin ng binata. Lalo na't maraming tao sa bulwagan. "Akala ko ba ayaw mo akong isayaw?" "Ayoko nga!" Nairita siya sa sagot ni Duwayne. "Eh, ano itong drama mo at may pa-change partner ka pang nalalaman?!" Nainsulto siya kaya kanda haba ang nguso niya. "Ang alam ng tagarito, ako ang boyfriend mo. Hindi ka pwedeng hawakan ng ibang lalaki!" pabulong na sabi nito sa pagitan ng pagtatagis ng mga ngipin. Hindi sinasadyang napasulyap siya kay Alex. Nahuli niyang nakatingin ito sa kanya at bahagya pang ngumiti. "Ay!" tili ni Hannah nang nagpalit sila ng pwesto ni Duwayne. Ito naman ngayon ang nakaharap kay Alex. "Huwag ka nang magpa-cute sa iba!" matigas nitong sabi. "Halika, maupo na tayo!" Inis na inalis niya ang mga kamay na nakapatong sa balikat nito. Iiwanan niya talaga mag-isa ang lalaki. Ngunit hinila nito ang isang kamay niya. Muling naglapat ang kanilang mga katawan kasabay ng pagbaba ng mukha nito at siniil siya ng halik sa labi. Nagulat si Hannah sa kapangahasang 'yon ni Duwayne. Biglang nanigas ang kanyang katawan at hindi agad siya nakahuma. Maging si Alex Escudero ay nagulat din sa kissing scene na iyon sa bulwagan. Tila natauhan naman si Duwayne sa nagawa, mabilis na binitiwan ang dalaga. "Halika, bumalik na tayo sa table." Biglang lumamig na naman ang pakikitungo sa kanya ni Duwayne. Magkahugpong ang kanilang mga kamay habang naglalakad palayo sa bulwagan. Kapansin-pansin ang tinging ipinukol sa kanila ng mga taong naroon. Nasa probinsya sila. May pagka-conservative ang mga naninirahan dito, nauunawaan niya kung bakit gano'n ang reaksyon ng mga ito. Wala silang imikan nang makabalik sa kanilang table. Hindi naman nagtagal, nagyakag nang umuwi ang senyora. Inaantok na raw ang matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD