NASAKTAN si Hannah sa sinabi ni Froilan.
"Nakipaghiwalay naman ako sa 'yo nang maayos sa araw mismo nang nahuli ko kayong magkaulayaw sa kama ni Maricar. Kaya huwag mong gawing dahilan sa 'kin 'yan!"
Biglang lumabas ng suite si Froilan. Marahas na hinawakan sa isang braso si Hannah.
"Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo't baka may makarinig sa 'yo!"
Hindi naman siya nagpatinag. Inis na binawi ang braso niya.
"Totoo naman 'di ba? Nahuli ko kayo ni Maricar na magkasama at gumagawa ng kamunduhan sa ibabaw ng kama. Baka nakalimutan mong hindi lang ako ang nakasaksi sa ginawa n'yo. Maging ang boyfriend ni Maricar ay nakasaksi sa kataksilan n'yong dalawa!"
"Fine!" bulyaw ni Froilan.
Tumalsik ang laway nito sa mukha niya. Nandidiring pinunasan naman niya 'yon upang mainsulto ang kaharap.
"Gusto mo talagang malaman ang dahilan ko? Puwes! Nagawa kong sabihin sa interview na ikaw ang sumira sa ating relasyon kaya tayo naghiwalay, dahil ayokong kami ni Maricar ang putaktihin ng mga press at netizens sakaling malaman nilang may relasyon kami."
"B-but, why?" Curious siyang malaman ang dahilan pa nito.
"Ayokong masira ang pangalan at career ko sa showbiz. You told us, you don't want to be an actress anymore. I thought it might be okay with you."
"Pero bakit hindi mo ako kinausap? Hindi ka man lang nagtanong kung ano ang maaaring maramdaman ko kapag ginawa mo 'yon. Hindi mo ba alam, maraming netizens ang galit sa 'kin dahil sa mga kasinungalingan mo? Kaninang umaga ay nagtungo ako sa studio. Binato ako ng itlog at kamatis ng mga netizens. Hindi mo rin siguro alam na ako ang trending sa lahat ng social media, 'no? Tingin mo ba magiging ayos lang ako, huh?!" masama ang loob na singhal niya sa lalaki.
"Look, I'm sorry, okay?" mukhang guilty namang sabi ni Froilan. Syempre, hindi siya magpapadala dahil alam niyang parte lang iyon ng drama nito. "Makalilimutan din nila ang isyu sa 'yo. Hayaan mong ikaw ang pag-usapan ng mga tao. Ako naman ang sikat sa ating dalawa, ayokong masira ang upcoming movie na pinagbibidahan namin ni Maricar. Ikaw naman ay magpalamig muna."
"How dare you!" singhal niya. Gigil na dinuro pa niya ito. "Ano ang akala mo sa 'kin walang pakiramdam? You pay for it!"
Narinig niya ang pagpalakpak ni Maricar na nakasandal sa gilid ng pintuan. Nabaling ang tingin niya rito.
"Bilib din talaga ako sa 'yo. Bakit, tingin mo ba'y maniniwala pa sa 'yo?" anito sa malanding boses.
Tinaasan niya ito ng kilay.
"Sa bibig mo mismo nanggaling na galit sa 'yo ang netizens. Kapag ba sinabi mo sa kanilang nahuli mo kaming nag-s*x ni Froilan, maniwala kaya sila sa 'yo?" dugtong ni Maricar, naniningkit ang mga matang nakatitig ito sa kanya.
"At bakit naman hindi?" Tumikwas ang gilid ng labi niya.
Humarap si Maricar kay Froilan.
"Love, hindi lang pala tanga itong ex-girlfriend mo, 'no? Bobita pa!" Nakakainsultong tumawa pa ang babae.
Hindi nagustuhan ni Hannah ang panlalait sa kanya ni Maricar. Naikuyom niya ang mga kamay upang pigilan ang sariling patulan ito.
"Tignan natin," makahulugang turan niya. "Walang lihim na hindi nabubunyag, Maricar. Hindi porket nanahimik ako sa eksenang aking nasaksihan sa condo ng ex-boyfriend kong inahas mo, ibig sabihin ay mananatiling lihim iyon. Alalahanin mo, saksi rin ang lalaking iniputan–"
"Shut up!" putol ni Maricar sa sasabihin pa sana ni Hannah.
"Opsy!" kunwa'y kagat-labing sambit niya. Matalim ang ipinukol na tingin sa kanya ni Maricar.
"Hannah, umalis ka na't baka may makakita pa sa 'yo rito." Hinawakan siya sa isang braso ni Froilan at hinila palayo sa pintuan ng suite nito.
"Bitiwan mo nga ako!"
Marahas naman nitong binitawan ang braso niya. Muntik pa siyang madapa. Tumalikod siya at malalaki ang hakbang na tinungo ang elevator.
Nang makapasok si Hannah sa loob ng elevator ay agad kinuha ang cell phone na nakatago sa loob ng top tube na suot. Nasapo niya ang tapat ng dibdib dahil sa labis na kaba.
Nanginginig ang mga daliri nang mag-log out siya sa fizbok account. Kanina pa iyon naka-live simula nang makaharap at makausap niya ang dalawang taksil!
May ngiti sa labi na ibinulsa ni Hannah ang aparato. Wala siyang pakialam kahit umabot pa sa dulo ng langit ang galit na maaaring maramdaman ni Froilan kapag nalaman ang ginawa niya. Kung tutuusin kulang pa iyon sa lahat ng mga sakit na idinulot nito sa kanya. Nang lalaking minsan ay minahal.
Pagpasok sa loob ng kanyang kotse ay makailang ulit siyang nag-inhale and exhale. Pakiramdam niya kahit papaano ay nabawasan ang bigat na dinadala niya sa dibdib. Kinuha niya ang kanyang cell phone at may tinawagan.
"Ma, hindi po muna ako uuwi sa bahay," paalam niya sa ina.
"Saan ka naman pupunta?" tanong ng kanyang ina sa kabilang linya. May pag-aalala sa tono ng boses nito. "Ayos ka lang ba, anak? Napanood ko sa telebisyon ang nangyari sa tapat ng TVC Studio. Sinaktan ka ng mga taong naroon!"
"Don't worry, I'm okay, Ma.'' Ipinasok niya sa keyhole ang susi at binuhay ang makina ng sasakyan. "Mag-re-relax lang po ako. I need peace of mind."
"The most important ways to achieve peace of mind involve being true to yourself, accepting that life is uncertain, and watching your thinking. Trust your thoughts less, pay less attention to the negative ones and focus on what you are thankful for in life, and you'll be well on your way to the inner peace of mind."
"I know, Ma. I am very stressed. I need to go on vacation to relax. Two weeks akong hindi makakauwi sa bahay."
"Two weeks? Bakit naman gano'n katagal?" reklamo nito. "Saan ka ba magbabakasyon para mapuntahan kita?"
"I will send you a message, Ma. And don't worry, I won't do anything bad to myself."
"Fine. Basta mag-ingat ka, huh? Saka, tawagan mo ako mamaya."
"I will. I love you!" Hindi niya na hinintay makasagot ang ina. Pagka-off ng aparato ay hinagis niya ito sa likuran bahagi ng sasakyan.
Hindi pa niya alam kung saan siya pupunta, basta ang gusto niya'y makalayo muna.
HINDI magkamayaw sa tuwa ang tatlong magkaibigan pagkatapos mapanood ang live video ni Hannah. Kasalukuyan nasa isang Café Pastry ang mga ito.
"Thank, goodness. Natauhan na rin sa wakas ang kaibigan natin!" Bakas sa mukha ni Setti ang tuwa habang nakatutok ang mga mata sa screen ng hawak na cell phone. "Deserving naman silang mapahiya."
"You're right!" halos sabay na sambit nina Monica at Veronica.
"Nasaan na kaya ang babaeng 'yon ngayon?" tukoy ni Monica sa kaibigang si Hannah. "I want to congratulate her. Sa mga oras na ito, tiyak pinag-uusapan ngayon sa social media ang dalawang ulupong!"
"I'll buy her a free meal for dinner tonight for a job well done!" segunda naman ni Veronica. Humigop ito ng kape bago muling nagsalita. "Aabangan ko talaga ang latest celebrity news mamayang alas-nueve ng gabi. Excited akong makita sa telebisyon ang pagmumukha nina Froilan at Maricar."
Sabay napalingon ang magkaibigan sa katabing table dahil sa narinig na kumosyon.
"Kawawa naman pala ang actress na si Hannah Lindsey, 'no? Siya pala ang totoong biktima!" ayon sa isang babae. Humarap ito sa kasamang lalaki na isang gay.
"Oo nga, friendship!" sang-ayon naman ng lalaki na pumipilantik pa ang mga daliri sa kamay. "Naku! Shareable ito, friendship. Isasama ko ang live video ni Ms. Hannah Lindsey sa aking vlog. Natitiyak kong dadagsa ang subscribers ko!"
Natawa naman ang kasama nitong babae. "Go, girl!"
"For sure, mag-iingay sa social media ang mga supporters ng actress na si Maricar Asuncio. Isama na ang mga supporters ng manlolokong actor na si Froilan Dantes." Tumatawa pa sa galak ang lalaki.
Nagkatinginan naman ang tatlong magkaibigan, sabay high five. Natutuwa sila dahil malilinis na ang pangalan ni Hannah.