Kabanata 28

1036 Words
NATAPOS na ang almusal at tanghalian pero hindi pa rin nakikita ni Hannah si Duwayne. Gumugulo tuloy sa isip niya kung iniiwasan ba siya ng lalaki dahil sa nagawa nitong paghalik sa kanya, o sadyang 'di lang niya ito makita dahil sa laki ng mansion. Ang lakas ng loob na halikan siya, tapos magtatago. Nagtungo ang dalaga sa balkonahe. Nakatayo lang siya doon at nakatingin sa malaking gate na tila may inaabangan subalit wala naman. Hindi naman siguro niya namimis ang binata. Pero bakit kaya ganoon? Ang puso niya'y umaasam na sana'y makita ito. Subalit ang isip niya ay pilit na itinatakwil ang ideyang iyon. Ipinilig niya ang ulo at wala sa sariling pinagmasdan ang kanyang mga palad. "Anong tinitignan mo sa palad mo, ha?" Tinig mula sa likuran niya. "Inaalam mo ba sa guhit ng palad mo kung ano ang magiging kapalaran mo sa araw na ito?" Pumihit si Hannah paharap kay Duwayne. Grabe, bakit ganoon? Oras lang na hindi nakita ang binata pero sobrang nami-miss niya na ito. Nakasuot ito ng plain light blue T-shirt at naka-khaki shorts . "Hi!" bati niya kay Duwayne. Kung kanina ay inaasam na makita ang lalaki, ngayong kaharap na ito'y wala siyang maisip na sasabihin. Ngumiti ito sa kanya. Lumabas ang mapuputi at pantay na mga ngipin nito. Nagpapa-cute ba sa kanya si Duwayne, o sadyang malisyosa lang siya mag-isip? "Iniisip mo ba si Alex Escudero?" "Bakit mo naman natanong?" Nagkibit-balikat ito. "Hindi kayo bagay." Awtomatikong napataas ang isang kilay niya sa sinabi nito. "Hindi kayo bagay ni Alex. Matangkad siya at medyo maitim. Isa pa, magmumukha ka lang pandak kung ikukumpara ka sa tangkad niya." "Hindi ka naman nanlalait sa lagay na 'yan?" nakairap na sabi niya. "In other words, ikaw ang tuldok at siya naman ang number one," dugtong pa nito. "Maghanap ka na lang ng ibang lalaking babagay sa iyo." "Wow, grabe ka naman magsalita. Gwapo naman si Alex, at saka mas attractive ang lalaki 'pag sila ay maitim. Kapag maputi kasi ang isang lalaki, medyo 'gay' tignan." "Hey, I'm not gay," agap na sabi nito. "Wala naman akong sinabi," nanunuyang sabi niya. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. "Kapag ang katulad ni Alex ang magiging boyfriend ko, takot lang ng mga taong gustong mambastos sa akin kapag nakita nilang kasama ko siya." "Matatakot talaga, iisipin nilang may nakabuntot sa iyong multo dahil bukod tanging ikaw lang ang may dalawang anino." "Nanlalait ka na talaga!" sikmat niya rito. "O, iyong nguso mo, nakatikwas," nakatawa pang biro nito. "Huwag ka munang pumunta sa kusina, kapag nakita ni Aling Teresa ang nguso mo, siguradong mapagkakamalan niyang sabitan ng kaldero." "Mapanlait ka na nga, lakas mo pang mang-asar." "Hindi ako nanlalait," apela nito sa akusasyon niya. "Hindi panlalait ang pagsasabi ng totoo." Humalukipkip siya. "Sa tangkad at matikas na pangangatawan ni Alex, kaya niya akong buhatin sa likod kapag napagod ako sa paglalakad. O, 'di ba ang swerte ko?" "Malas," ayaw nito patalo. "Hay naku, ewan ko sa iyo. Nakakapikon ka na!" aniya, sabay tirik ng mga mata. "Binibiro lang kita." Nakangiting pinisil nito ang baba niya. She looked at him evilly. "Gusto mo bang mamasyal?" "At this time?" react ng dalaga. "Tirik na tirik ang araw." Napakamot sa batok si Duwayne. "May mga videoke bar dito na malapit lang sa ilog. Masarap tumambay doon, while drinking a couple of beers." "Lalayo pa tayo. Bakit hindi na lang tayo mag-videoke rito?" "Kung hindi mo naman feel ang kumanta at uminom ng alak, samahan mo na lang ako. Marami kasing gumugulo sa isip ko ngayon kaya kailangan kong mag-relax." "Sige, sasamahan kita. Basta huwag kang magpapakalasing, ha?" Tumango-tango naman ang binata. NAG-UPA si Duwayne ng isang kubo na ginawang videoke bar. May iilang kubo roon na pawang mga videoke bar. May nadaanan pa nga silang kabataan na kumakanta at sinabayan pa ng sayaw. Naupo si Hannah sa pahabang upuan na gawa sa kawayan. Si Duwayne ay um-order naman ng ilang bote ng beer at pulutan. "Marunong ka ba kumanta?" tanong ni Duwayne nang malapitan siya. Kasunod nito ang isang lalaki na may dalang case ng beer at adobong mani. May pagmamalaking tumango siya. "Kung hindi ako naging artista, malamang singer na ako ngayon." "Yabang! Sige, subukan natin ang galing mo sa pagkanta." Binuklat nito ang hawak na songbook. Tumayo ito at tumipa sa push button ng videoke. 'It's Not Goodbye' ni Laura Pausini ang kantang napili nito. "I've only heard that song once." Ang lungkot naman ng kantang napili niya, bulong sa sarili ni Hannah. Naaalala siguro nito ang dating katipan. Huminga muna siya nang malalim bago nagsimulang kumanta. And what if I never kiss your lips again, or feel the touch of your sweet embrace. How would I ever go on? Without you, there's no place to belong… "Wow!" hiyaw ni Duwayne na sinabayan pa ng palakpak. Pero iba ang nakikita niya sa mukha nito. Malungkot at nagkukunwaring masaya. "Bravo!" Nagpatuloy siya sa pagkanta. Tell the day I let you go, until we say our next hello, it's not goodbye, 'til I see you again I'll be right here remembering when. And if time is on our side, there will be no tears to cry on down the road. There's one thing I can't deny, it's not goodbye… Pinagmasdan niya ang binata na sunod-sunod ang paglagok ng beer. But it's so hard to be strong, when you've been missing somebody so long. It's just a matter of time I'm sure, but time takes time and I can't hold on. So won't you try as hard as you can to put my broken heart together again… Hindi niya natapos ang kanta dahil baka madala siya sa mga mensahe ng lyrics. Lihim na pinagmasdan niya si Duwayne. Naisip niya, hanggang ngayon siguro ay mahal pa rin nito si Maricar. Ang swerte naman ng babaeng iyon, haba ng hair sa sobrang ganda. Dalawang lalaki ang nahumaling at nagmamahal dito. Siya naman ang pumili ng kanta. Masayang kanta ang napili niya. Lalo lang silang masasaktan kung love song ang aawitin nila. "Ikaw naman ang kumanta." Binigay niya rito ang mikropono. 'Totoy Bibbo' ni Vhong Navarro ang napili niyang kanta. Inabot ni Hannah ang isang bote ng beer at straight na tinungga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD