bc

Hard to Love (Villaraza Series #1)

book_age16+
2.6K
FOLLOW
11.3K
READ
second chance
arranged marriage
badgirl
popstar
lighthearted
icy
first love
love at the first sight
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

The brat and the naïve. The obsessed and the obsession. The chaser and the chased.

Serafina H. Del Prado - brat, childish, attention seeker, and warfreak. She was loved and hated at the same time. She was carefree and didn't care what others thought of her. Not until she met the sinfully gorgeous Fernando Iñigo Ricaforte Villaraza and fell for him.

The firstborn Villaraza was known for being mysterious, cold, and silent. He was her total opposite. However, that even made her wanting more of him. She felt it in her bones that he was the one she had been waiting for! She promised herself she would make him hers, whatever it would take. At oras na mapasakanya ang lalaki, hinding-hindi na ito titingin sa iba.

The rejections, the pain... all of it. Titiisin niya, mapasakanya lamang ang lalaking iniibig. Hindi lamang dapat siya ang nababaliw, kundi pati rin ito. She would make sure they would both drown in love and no one could ever save them.

She did everything, even the unimaginable.

Akala niya ay malapit niya nang makuha ang loob nito. Pero nagkamali siya. He became more distant and colder towards her to her utter dismay. Mas lalo siyang naging uhaw sa atensyon nito - sa pag-ibig nito.

She did everything, but Fernando Iñigo R. Villaraza was just too damn hard to love.

chap-preview
Free preview
Prologo
I had always dreaded coming back home. Pero ang sabi nga nila ay darating at darating ang panahon na tatawagin ka ng dugo mo at wala kang ibang magagawa kundi pagbigyan ang daing nito. Now that I was thinking of it, hindi lang pala dugo ang tatawag saiyo pabalik. Pati mga problema na kailangang ayusin. Just like in my situation. I should have done this years ago. They were right. I was damn stupid. "Ah, shit." I momentarily shut my eyes as the blinding rays of the sun assaulted my vision. "Really?" Ang tagal kong nawala pero ang init sa bansang ito ni hindi man lang nabawasan! Now, what to do? I had my life planned out already when I left my comfort abroad. Pero ngayong nalanghap ko na ang nakasusulasok na polusyon ng lungsod, biglang nablangko at nalilito na naman ako. Great. Habang pinagmamasdan ko ang mga kababayan kong kanya-kanyang salubong sa kanilang mga mahal sa buhay na kasabay kong bumaba mula sa eroplano, wala akong ibang nasa isip kundi ang buhay na iniwan ko sa Amerika. Kapag ganitong oras ay kasama ko ang mga barkada ko at nasa club. I was pretty sure they were at one right now, drinking and dancing like they never did those before. Naputol ang pag-iisip ko nang may sumigaw sa aking pangalan. Iginala ko ang mga mata. I was horrified when I saw Jianne, my best friend, waving a tarpaulin that said 'welcome back, b***h!' with my photo on it. Napahawak na lamang ako sa mukha. She really liked it whenever I got embarrassed. "Welcome back, Serafina!" sigaw niya saka ako bineso. "I missed you, best friend!" Niyakap niya ako nang mahigpit. Halos hindi ako makahinga dahil doon. Nang bumawi siya ay pinisil niya naman ang mga pisngi ko. Dali-dali kong tinampal ang mga lapastangan niyang kamay. Tinawanan niya lamang iyon at muli akong niyakap nang hindi na kasinhigpit katulad kanina. She acted like we had never seen each other for years when she visited me just months ago. "Ito lang ba ang mga dala mo?" she asked while carrying my things. Maarte kong ipinaypay ang kamay sa mukha. "Malamang. May nakikita ka pa bang iba?" Tumawa siya nang may kalakasan. "Maldita ka pa rin talaga." Umirap ako at inayos ang pagkakasuot sa shades ko. Habang nasa biyahe kami ay patingin-tingin ako sa bintana. Marami-rami rin pala ang nagbago sa Pilipinas. Napangiti ako nang kaunti ngunit agad ding napawi nang nakita ang isang billboard. It's funny how happiness is taken away all of a sudden. I had been too acquainted with that feeling. Iyong akala mo ay masaya na pero hindi pa pala tapos ang palabas. I was pulled away from my dark thoughts when Jianne snapped her fingers before my face. "Nakikinig ka ba?" She sounded annoyed. "O-oo, oo," wala sa huwisyong turan ko kahit hindi ko alam ang tinutukoy niya. "Great! I will tell the girls you are with us later." "H-ha? A-anong . . ." "Pumayag kang sumama mag-clubbing mamaya kasama ko at ng mga kaibigan ko." Kumunot ang noo niya. "Sabi ko na nga ba't 'di ka nakikinig, e!" "Alam mo namang kadarating ko lang tapos aayain mo na 'ko mag-clubbing? I need some rest!" "Mamaya pa namang seven, e! You can rest for hours pa naman! Puro ka naman tulog sa eroplano. Sige na, sumama ka na! Kundi ipo-post ko talaga sa social media na umuwi ka na at nang malaman ng mga kamag-anak mo na nandito ka na." I glared at her. "Try me, Jianne. Try me." She smirked and fished her cell phone from her pocket. "O kaya naman, siya na lang ang sabihan ko. Tutal siya naman talaga ang ayaw mong makaalam na nandito ka na. I have his number, sweetheart." "Hindi ka talaga titigil hangga't 'di mo nakukuha ang gusto mo, 'no?" Mas naging mapang-uyam ang ngisi niya. "Oo nga pala." Sinulyapan ko siya. "Sa'n kita ihahatid? Sa bahay ng mga magulang mo o . . ." "Sa hotel," putol ko dahilan para mawala ang mapanukso niyang tingin. "I'm not going to stay in any of them." "You really are hiding something," akusa niya. "Ang sabi mo sa'kin, next week pa ang uwi mo. But you called yesterday and told me you were on your way here. Binilin mo pa 'kong walang pagsabihan. And now this. Sa hotel ka pa mag-i-stay kahit ang dami mo namang p'wedeng tuluyan. Seriously, you should tell me what's going on." Huminga ako nang malalim at ipinagkrus ang mga braso. "I have to discuss some things with my lawyer. Hindi ko 'yon magagawa kung susundin ko ang petsang sinabi ng mga magulang ko." "You're at it again?" "Not just at it, Jianne. I'm seriously at it now." "You wanted him so bad back then, and now . . ." "You know the things I did to work out with him," tiim-bagang na depensa ko. "I did everything. Pero mukhang wala na talagang pag-asa. Hindi ko na siya kaya! Kaya dapat lang na 'di na kami magkita pa kahit kailan!" She chuckled that annoyed me even more. "Parang noon lang, patay na patay ka sa kanya tapos ngayon . . ." "He made me this way. It's his fault." Change is the only constant thing in this world. I was a living proof. Not all the time I was able to adjust my differences. And now I reached my limits. Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita, "Sa apartment na lang kaya kita tumuloy." "No, sa hotel na 'ko." She tried convincing but I refused. Bukod sa ayokong maging abala, talagang balak ko na noong una palang na mag-i-stay ako sa hotel. Baka madamay pa siya sa gulo ko. I didn't want that. Pagkarating namin sa hotel ay agad niyang inabot sa valet ang susi ng kanyang kotse. Pinatapon niya na rin dito ang tarpaulin na dala-dala niya kanina sa pagsalubong sa akin. Pagkarating sa suite ay agad akong humiga sa kama. Napaungol ako nang tumama ang katawan ko sa mattress. Bigla akong nakaramdam ng antok. "Thank you," dinig kong malambing na sabi ni Jianne sa bellboy bago isinara ang pinto. Napailing-iling na lamang ako. "Ang landi-landi mo talaga," bungad ko sa kanya nang nakitang nakangiti siyang naglalakad papunta sa akin. "It's not paglalandi." Naupo siya sa kama kaya lumundo iyon. "It's called appreciation." Inikot ko na lamang ang mga mata. Appreciation my ass, b***h. "Oo nga pala. Nasabi mo sa'kin na dito ka na ulit mag-aaral. Anong kurso ang kukunin mo? Ipagpapatuloy mo ba 'yong pag-Fine Arts mo dati? O Computer Science, 'yong kinuha mo sa US?" "Wala sa nabanggit," matamlay na sagot ko. "Balak kong mag-Civil Engineering." "Wow, so nagbago na naman pala ang gusto mo. But that's nice! You want to build streets and buildings now, huh." Umiling-iling ako. "O, e bakit gusto mo mag-Civil Engineering?" "I just want to piss off my parents." "Ano?" natatawang aniya. "Pero gusto ko talaga maging dentista." "Then take Dentistry!" "Kukuha ako no'n kapag bumagsak na 'ko sa Civil Engineering." Napatitig sa akin si Jianne. There was disbelief in her eyes. Inignora ko na lamang iyon saka pumikit. "Bente tres ka na, Seraf. Aren't you too old to be a rebel?" Hindi ako umimik. "Hindi ka ba nagsasawa kakaaral? My goodness! Dinaig mo pa 'yong nag-masteral, nag-doctoral, nag-Law, at nag-Medicine sa kakaaral mo! Don't you think it's time for you to be serious? Look at me. I'm already a professional. Look at you. Nakailang taon ka na sa kolehiyo. Hindi ka mapirmi sa isang kurso. Hindi ka ba naiinggit sa'kin? Sumusuweldo na 'ko, I get to go wherever I want, and buy what I like with my own money." "I like to take things slowly. And please, stop exaggerating," walang interes na saad ko. Huminga siya nang malalim. "Ewan ko sa'yo! Aalis na 'ko. Babalik na 'ko sa opisina. Tumakas lang ako para sunduin ka. You should realize how of a bother you are to me today." "I'll be paid later. Sasama ako sa clubbing niyo, 'di ba?" She raked my body. "You seem to be really exhausted. Sige, magpahinga ka na muna ngayong araw. Next time ka na lang sumama." Umiling-iling ako. "Sasama na 'ko. I'm fine." Huminga siya nang malalim habang nakamasid sa akin. "Bahala ka. I'll fetch you by 6:30 p.m., okay?" Tumango-tango ako. Nang nakaalis na siya ay naupo ako sa kama at inabot ang aking shoulder bag saka kinuha ang cell phone ko. May ilang text message iyon. Karamihan ay galing sa US. Nagtatanong ang mga kaibigan ko kung nasaan ako. Hindi nila alam na umuwi ako. My nanny, Aurora, was the only one who knew where I was. Halos apat na oras din akong nakatulog. Pagkagising na pagkagising ay agad akong nag-ayos ng mga gamit. Kinuha ko ang isang cell phone ko at binuksan iyon. Nakalagay doon ang dati kong ginagamit na SIM card bago ako ipinatapon sa US. I texted Jianne and Aurora, both telling them it was me and from now on they should contact me through the number. Nagdalawang-isip ako kung ite-text ko ba ang mga kaibigan ko sa US o hindi. But later on I, decided not to for now. T-in-ext ko naman ang abogado ko na magkita kami bukas. It took her minutes before she replied. I opted to wear a black halter dress with a deep neckline. I tied my hair in a messy bun, applied a little amount of makeup, some red lipstick, and I was done. Ilang minuto pagkatapos kong mag-ayos ay tumawag na si Jianne at nasa baba na raw siya. "Oh, yeah!" sigaw ni Jianne pagkapasok namin sa nightclub. Hindi pa ganoon katao at kaingay ang lugar. Well, it was still early. Paniguradong mayamaya ay punong-puno at maingay na rin dito. Inakbayan ako ni Jianne at inakay. We occasionally stopped because most of the people were greeting my best friend. It looked like she was a regular here. "Jianne!" Napalingon ako sa dalawang babaeng tumawag sa best friend ko. Nakaupo sila sa isa sa mga U-shaped sofa. Jianne waved back at them. "Girls, this is Serafina, best friend ko. And Seraf, these are Margareth and Via," pakilala sa amin ni Jianne. "Nice meeting you, Serafina." Margareth, the girl with boyish cut, morena, and tall, offered her hand which I gladly took. "Can I call you 'Seraf', too? Madalas ka kasing ikuwento sa'min nitong si Jianne kaya na-adapt ko na rin ang tawag niya sa'yo." I smiled a bit. "Sure! I hope she didn't badmouth me!" Margareth chuckled upon my statement and shook her head. Tumawa lamang si Jianne. Medyo nagulat ako nang agawin ni Via, maliit na babaeng singkit, ang kamay ko mula kay Margareth. She shook it while smiling from ear to ear. "Hi, Seraf! Finally, nakilala ka na rin namin!" Nagkuwentuhan kami habang panaka-naka ang pag-inom. We agreed not to drink too much because they got work tomorrow. Margareth and Via were jolly and talkative. Mahilig din magbigay ng mga masagwang biro si Margareth kaya panay ang tawa namin. "Villaraza ka, 'di ba?" Nasamid ako sa tanong ni Margareth. Agad akong sinaklolohan ni Jianne. Panay ang paghagod niya sa likod ko habang umuubo ako. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Via sa akin. Tumango-tango ako. "Are you related to . . . Iñigo Villaraza? The vocalist of Article of Faith?" Napalunok ako saka pilit na tumawa. "Por que Villaraza, kamag-anak niya agad? Hindi ba puwedeng kaapelyido lang?" Tumango-tango si Margareth. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Shit. "Naisip ko lang kasi, 'di ba, you are both from the upper class. Tapos kaunti lang naman ang mga Villaraza rito sa'tin kaya . . ." Pilit akong ngumiti kay Margareth at umiling-iling. "Ang guwapo-guwapo ng hombre na 'yon!" kinikilig na turan ni Via. "Do you know him, Seraf? Are you familiar with Article of Faith? I'm a Faithful!" "Of course, she is familiar!" sabat ni Jianne. "She's a fan, Via! A die-hard fan!" Tiningnan ko siya nang masama. Ngumisi lamang siya sa akin bago ibinaling ang atensyon sa alak niya. "Well, they're very popular. Not just here but all around the globe. Hindi talaga imposible na kilala mo sila," nakangiting sabi ni Via. "Everyone is hook with them! Lalo na kay Iñigo! Ang ganda na nga ng boses, sobrang guwapo pa!" "Kaso bakla raw 'yon." Napalingon ako kay Margareth. Bakas ang panghihinayang sa kanyang mukha. "Bak . . . la?" ulit ko. "Oo, bakla. Paminta, gano'n. Ever since kasi nag-debut ang ArFa, siya lang sa banda ang 'di pa nagkaka-girlfriend. Siya na lang 'ata ang walang jowa sa banda, e. Yes, there are rumors about him dating this girl and that but not proven. And during interviews, lagi niyang sinasabi na wala siyang balak magka-girlfriend. Hindi man lang wala pang balak magka-girlfriend kundi talagang walang balak. So, may mga nag-conclude na baka bakla raw si Iñigo. Idagdag pang madalas daw 'yon magpa-US at lagi raw nakikitang may kasamang lalaki." Huminga nang malalim si Via at nangalumbaba. "He's so ideal. Guwapo, talentado, mayaman, at misteryoso. I'm not against third s*x but I still hope he's not gay. Kasi crush na crush ko talaga siya." Jianne laughed that made us look at her. Pinandilatan ko siya ng mga mata. Pero mukhang hindi tumalab dahil mas lalo siyang tumawa. "Sorry, girls. Kasi naman, imposibleng bakla 'yon si Iñigo. Malay niyo," sinulyapan ako ni Jianne, "may matindi siyang dahilan kung ba't ayaw niya mag-girlfriend. Hindi dahil sa bading siya." Tumayo ako kaya napatingin sila sa akin. "Sayaw tayo." They were about to complain when I turned my back against them. Nang nasa dance floor na ako, nakita kong naglalakad na sila papunta sa akin. Napangisi ako at sinenyasan silang dalian nila. Parami nang parami ang tao sa club kaya parami rin nang parami ang sumasayaw. We shouted as we danced along the music. Panaka-naka rin ang pagtawa namin. I was busy moving my hips when I felt an arm around my waist. Hindi ko iyon pinansin. I was used to guys holding me whenever I danced at a club. Madalas iyon mangyari sa akin noong nasa abroad ako kaya hindi ko na pinapansin. Mayamaya pa ay dalawang braso na ang nakapalibot sa akin. That was when I decided to face the person behind me. I was greeted by a tall guy with blue eyes and wavy hair. He smiled at me. I smiled at him, too, but in a flirtatious way. "Hey," bati niya na bahagyang nakalapit ang mukha sa akin. "What's your name?" "It's Serafina. Ikaw, what's your name?" "Brian." Tinitigan niya ako sa mga mata. "Serafina? Like the seraphim?" "You could say that." "It suits you. You look like an angel." Oh, no. I'm the opposite of angel, hottie. Tumawa na lamang ako. Nang nagdesisyon akong umalis na sa dance floor ay sumunod sa akin si Brian. Nakita kami nina Margareth at Via kaya tinukso-tukso nila ako. Kinindatan ko lamang sila. Tanging si Jianne lamang ang nasa puwesto namin na tahimik at nakatutok sa cell phone. "May kasama ka," puna ni Jianne pagkakita niya kay Brian. "Yes. This is Brian. Brian, she's Jianne. My best friend." "Hi," bati ni Brian. "Nice meeting you." Matapos tanggapin ang kamay ni Brian ay tinitigan ako ni Jianne. Hindi ako tumingin sa kanya. We spent our time chatting. Paminsan-minsan ay sumasali si Jianne sa usapan pero madalas ay tahimik lang siya at abala sa cell phone. Brian was a half-British. He was twenty-eight years old and worked as a recruiter of a well-known food company. He grew up in London but his family decided to live here when he turned ten years old. I thought he was a good guy. "Uwi na tayo. May pasok pa tayo bukas." Napalingon kami kay Margareth na hawak-hawak ang sentido. Nang napatingin kay Brian ay ngumiti siya. "Hi!" "Hello." "Yeah, we should go home." Tumayo si Jianne at binalingan ako. "Get up. Magpaalam ka na rin d'yan sa kasama mo." Then, she left. Kanya-kanya namang ayos ng mga gamit sina Margareth at Via. Margareth kept on complaining about her head hurting badly. "Brian, I'm sorry but I have to go," I said. "I had a great time with you." He smiled. "You're a good company. Can I have your digits?" "Sure!" Matapos noon ay inaya na ako nina Margareth. Nagpaalam akong muli kay Brian. Habang naglalakad kami ay panay ang tukso sa akin ng dalawa. Natatawa at nangingiti na lamang ako. "Bye, girls! It's really nice meeting you, Seraf!" Margareth waved at me. "It's nice meeting you, too, Margareth and Via!" Dalawa lamang ang sasakyan namin. Sasakay si Margareth sa kotse ni Via at ako naman ay sa sasakyan ni Jianne. Naunang umalis ang dalawa. Bago sila umalis ay muli nila kaming kinawayan na solo kong ginantihan. "It looks like Brian likes you." Napatingin ako kay Jianne. Nakatitig lamang siya sa kalsada. "Well, it's not new to me. Marami naman talagang nagkakagusto sa'kin." I flipped my hair and grinned. Maliit na bagay. Napapalatak siya sa ginawa ko. "Just be reminded of your limits, Seraf. You know what I'm talking about." "Yeah, right." "Baka malaman-laman ko na lang, boyfriend mo na 'yon, a?" "He's good-looking but not really my style." "Siguraduhin mo lang. Tama nang nakaapat na boyfriend ka sa US. Huwag mo nang dagdagan 'yon." Napaikot ako ng mga mata. When it came to love life, dakilang pakialamera talaga si Jianne sa akin. Pagkarating sa tapat ng hotel ay agad akong bumaba mula sa sasakyan. Inaya ko siyang sumama sa akin sa suite para magkape pero umayaw siya. Hinayaan ko na lang. Habang nasa elevator, tumunog ang cell phone ko. Napangiti ako nang nakitang unregistered number ang nag-text sa akin at nagpapakilalang 'Brian'. What a cute guy. Agad na nag-text kahit hindi pa nag-iisang oras nang iniwan namin siya. I was about to punch the code of my suite when I noticed the door was ajar. May kaunting ilaw ding nagmumula sa loob. Napakunot-noo ako. I didn't leave my door open nor any of the lights! Dahan-dahan akong pumasok. Imposible namang may magnanakaw! Mahigpit ang seguridad sa hotel na ito. Pero bakit ganito? Nang nasa living room na ako ay ganoon na lamang ang gulat ko nang naabutan ang pinakahuling taong naisip kong pupunta rito at magpapakita sa akin. Iñigo Villaraza. He was comfortably sitting on the sofa with his legs crossed while his eyes were fixed in a magazine. Napalunok ako. I was dead - really dead. Inangat niya ang kanyang mukha. Our eyes met. His orbs were void of any emotion, just like the last time I had seen those. Napahawak ako sa aking dibdib. "You're back." His voice was cold. "I thought you'd stay at that club 'til dawn." Napakunot-noo ako. Paano niya nalaman na galing akong club? At higit sa lahat, paano niya nalaman na narito na ako sa Pilipinas? "W-what are you doing here? Paano mo nalaman na nandito ako?" He stared at me and I felt shivers down my spine. His eyes might be icy cold yet they promised nothing but burning hell. Teka. Kung alam niyang narito ako sa Pilipinas, malamang ay alam na rin ng mga magulang ko! Shit! He stood up, revealing how tall of a man he was. "Pack your things. Sasama ka sa'kin." "W-what? Hindi ako sasama sa'yo! Dito lang ako!" His face darkened. "Don't go brat on me now, Serafina. Just . . . Just pack your things. Uuwi na tayo." "Who are you to pry with my life? You're not the boss of me! Hindi ako sasama sa'yo!" I spatted. "Hindi ako aalis dito!" That probably irked him even more. His eyes became more menacing. Halos mapaatras ako sa nakitang bagsik sa kanya. "Sasama ka sa'kin sa ayaw at sa gusto mo," diin niya. "I'm not the boss of your life because I'm your husband. Now, pack your things. We're going home."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook